HEY PRINCE!! (One shot)

353 31 26
                                    

“Hoy sasama kaba sa amin ngayon?” tanong sa akin ni Key.

“Saan tayo?” tanong ko habang nasa bibig ko parin ang lollipop.

“Sa canteen, hindi mo ba alam recess na po..”  tapos tumawa naman sila ni May.

Si Key at May kaibigan ko since first year high school, lagi kaming magkasama at lahat ng love life nila alam ko.  Fourth year high school na kami ngayon. Alam niyo yung pangalan naming tatlo mag ka rhyme hihihi, Key, May at Faye.

“Ay hindi ko namalayan.” Sabay kamot ko sa ulo.

“Eh paano titig na titig ka dyan kay Prince mo, kaya hindi mo namalayan na dalawang subject na ang nakalipas.”  Tapos tumawa na naman sila. nakita kung lumabas narin sina Prince at yung barkada niya.

“Tara na nga!! Gutom na ako.”  Tumayo ako at inakbayan silang dalawa.

Pagdating namin sa canteen nakita namin si Prince at yung barkada niya.

Ang totoo si Prince kasi matagal ko ng gusto since second year pa, noong first year kasi hindi kami magkaklase kaya hindi ko siya masyadong napapansin pero noong second year kami, Grabe first palang na kita ko sakanya nagustuhan ko na siya, Prince pa talaga ang pangalan niya kaya nga prince charming ko yun eh.

Pero ang maganda pa kasi nasa harap ko lang siya na kaupo kaya nga tuwing klase, siya lang tinititigan ko.Hoy baka kung ano ang isipin niyo ha, nakikinig naman ako eh, pero yung mata ko lang ang nakatingin sa kanya.

At pag lumilingon siya sa akin para akong nahihimatay at nagssmile pa talaga siya, mahilig siya sa arts, sa music at magaling din siyang sumayaw. Dancer siya ng school namin. Kaya nga nagustuhan ko siya eh. Hihihi…

“Hoy Faye!! Tulala ka na naman!!”  sabay batok sa akin ni May.

“Ha??”  sabi ko nalang habang nakatitig parin kay Prince.

“Hali ka na nga upo na tayo.”  Sabay hila nilang dalawa sa akin.

Bumili na kami ng pagkain namin at umupo sa may table doon.

Malapit lang yung table nina Prince sa amin kaya kitang kita ko ang maganda niyang mukha. Minsan nga tumitingin siya sa akin eh siguro dahil nahahalata na niyang tumitingin ako sa kanya kaya umiiwas na lang ako ng tingin.

Kumain na kami ng kumain kaya nong nag ring na yong bell pumasok na kami sa room namin.

Nakita ko si Prince na nadoon narin at nakaupo.

Maya maya pa dumating narin yung teacher namin at English na ang subject namin.

Tumayo kami at sabay sabay ginreet si ma’am.

Tinignan ko si Prince at bigla naman siyang lumingon.

“Faye….” Sabi niya habang naka smile. SH!T yung smile niya!!

“Ha?? Prince bakit??”  kinikilig ako!!!  Ahhh!!

HEY PRINCE!!  (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon