The Brothers

944 13 1
                                    

Naging maganda naman ang pagtrato nila sakin dito lalo na kung kainan palagi kasing nilalagyan ni mama Rhine ang plato ko ng masasarap na ulam na luto niya. .

"Mama ang sarap talaga ng luto mo"sabi ko..nga pala mama na ang tawag ko sa mama ni arvin yun kasi ang sabi niya..pero ginusto ko rin naman..jejeje

Oo kilala ko na ang nag iisang anak nIla ni papa si arvin..sa totoo lang mas gwapo ako kaysa dun .jejeje

pero nung una kong makita yung picture niya medyo may hawig kami..mas gwapo nga lang ako.

(Arvin)

Hay..isang week nalang magkakahiwalay na naman kami ni maylabs..kasi malapit na ang bakasyon..iniisip ko palang parang di ko na kaya ..

Naging mabilis dumating ang isang linggo at ngayon na ang araw na kinakatakutan ko ang mawalay sa maylabs ko..

Ngayon na kasi ako uuwi sa probinsya...saya at lungkot ang nararamdaman ko ngaun..saya dahil makikita at makakasama ko na ang pamilya ko..lungkot dahil sa mawawalay ako sa mahal ko..pero sabi niya na gusto niya rin daw pumunta sa probinsya ko nung inaya ko siya na pumunta kaya masaya narin ako na iiwan muna siya..

Nagpaalam muna ako sa may ari ng apartment na tinituluyan ko na uuwi na ako..sabi nila mag ingat daw ako sa byhe ko..At yun na nga sumakay

na ako ng taxi papunta sa terminal ng bus..

Nung makarating na ako sa terminal pumunta agad ako sa sakayan papuntang La Union...nakita naman ako agad at sumakay na..

Hay....sa wakas makakauwi narin ako..nasabi ko nalang sa sarili ko at halata sa mukha ko ang pagiging excited..

Mga ilang minuto din akong naghihintay dahil dapat mapuno muna ang bus bago kami aalis...

Yun nga sa wakas umandar narin ang bus..Mahaba-habang oras din bago ako makarating samin kaya napagpasyahan kong matulog muna ...

Nakarating naman ako ng maayos samin...sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap ni mama at niyakap ko narin siya ng pagkahigpit-higpit sa sobrang miss ko sakanya...

Pumunta agad ako sa kwarto ko para magpalit dahil sa may sasabihin daw silang importante saakin...nung nandun na ako sa kwarto ko parang nanibago ako dahil sa parang may gumagamit nito..malinis naman siya pero may mga ibang gamit na hindi naman sakin...may nakita rin akong picture frame sa mesa ng mag-ina siguro...masaya sila sa larawan isang lalaki na medyo gwapo sympre di ako papatalo noh at babae na maganda medyo may hawig sila kaya nasabi kong mag-ina sila...

Ipupunta ko na sana closet ko amgga gamit ko pero laking gulat ko ng may nakita akong mga damit na di saakin...medyo nagalit akong bumaba dahil ang pinakaayaw ko ay ang pinakikialaman ang mga gamit ko..

"mha!...mha..."pagtawag ko sa mama ko..medyo napalakas siguro ang pagtawag ko sa kanya dahil sa medyo galit ako...

"o . .oh an...anak b bakit?"medyo mabulol-bulol na parang natataranta at gulat na sabi ni mama...

Medyo naguguluhan naman dahil sa parang may hindi ako alam na nangyayari dito...

"mha...may gumagamit ba ng kwarto ko"sabi ko kay mama hindi na galit dahil hindi ko naman kya na magalit sa kanya mahal na mahal ko kaya siya...

"ka..kasi anak"yun ganun na naman siya magsalita...

"hay..diba mha yun yung pinakaayaw ko ang may pumasok at mangialam sa kwarto ko"sabi ko at lumabas na muna para makalanghap ng sariwang hangin..paglabas ko ng bahay may nakabunggo akong lalaki dahil siguro sa paghahangad kong makaalis agad sa bahay...

"Sorry tol"yun nalang ang nasabi ko sa nabunggo ko pero laking gulat ko nang medyo magkahawig kami...nagulat din ito nung nakita niya ako...Umalis na ako agad pero napapaisip pa rin ako sa lalaking yun.. Parang nakita ko na siya talaga eh...sabi ko nalang sa sarili ko..


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Probinsyanong Manyakis 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon