Chapter 3

26 2 3
                                    

JD's POV

Nung umalis kami sa harap ni beks pumunta na kami ng room kahit sobrang late na kaya inexpect na namin na magagalit samin ang teacher namin . After nang discussion na yon wala ng susunod na klase may meeting daw yung mga teachers tapos ayun humiwalay muna ako sa dalawa . May practice pa ko ng volleyball .

"Oy! Una na ko ah" sabi ko dun sa dalawa

"Ge . ingat baka mamaya may second kiss kana ulit hahaha" Yana . Yana . Yana lakas mang asar -_-

"Tigilan mo ko ah"

"Ako na bahala kay Yana haha sige na larga ka na" buti pa si Eliza mabait ay di pala minsan may saltik din yan haha

Umalis na ko dun at pumuntang locker room para magpalit.

FAST FORWARD

Nag warm up muna kami bago umpisahan ang practice

Warm up dito warm up doon
Warm up ulit dito warm up ulit doon hahaha
After nun nagstart na kaming mag practice. Teka bakit parang ang lamya ng mga ka-team mates ko?

"Guys anong meron bakit ang tamlay nyo? Parang wala kayong ganang mag practice ah?" Sinabi ko sa kanila

"Eh kase parang di naman tayo mananalo dun sa makakalaban natin"

"Saka sabi nila wala pa daw nakakatalo dun"

"Sus! Yun lang pala edi tayo ang tatalo sa kanila. Wag niyo kaseng iniisp na matatalo agad tayo. Be positive okay?" Pampalakas ng kanilang loob haba

"Tama si captain! be positive :D"

"Ayan wag kase kayong mawalan ng tiwala sa mga sarili niyo" ang drama ko ahahaha

"Game tara practice na!! Salamat JD"

At ayun nagpractice na kami . Dahil sa mga sinabi ginanahan silang maglaro. Galing ko talaga ;)

Eliza's POV

Andito kami ni Yana sa may garden at umupo sa bermuda grass mabuti nga na dito naisip ni Yana pumunta at hindi sa park jusko kung mga maglampungan yung mga mag gf/bf dun ay nako nakaka O.P hahaha

"Ano kayang naramdaman ng ibang girls na nakakita nung kiss nila JD"
biglang nagsalita itong kasama ko . Akala ko naman mananahimik to kahit mga 10 mins man lang :3

"Bakit kailangan may maramdaman sila?"

"Syempre ano ka ba Eliza ang gwapo nun at maiinggit sila sa lips ni JD hahaha"

"Kung kuyugin man nila si JD wala naman yung pake kita mong siga yun"

Kung anu-ano kase nasa isip netong si Yana haha may promise pa pala ako dito sana di niya maalala

"Sabi ko nga siga siya. Natanong ko lang naman hahaha"

*silence* yes salamat tumahimik na si Yana \m/

"Hoy Maria! Asan na ang pangako mo?"

Ayy hindi parin pala ako nakaligtas kala ko di na niya maaalala

"Mamaya na"

"Pag yang mamaya mo di natupad nako Eliza!"

"Oo na ngaaaa"

"Eliza!" Napalingon kaming dalawa dun sa tumawag sakin si Richard pala at yung ngiti ni Yana pang asar -_-

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang may gagawin ka ba ngayon?"

"Wal--" hindi ko na natuloy sasabihin ko

"Oo wala yang gagawin ngayon"

"Hmm pwede ka bang yayaing lumabas?"

"Sige pwedeng pwede yang si Eliza basta ihatid mo sa kanila pauwi wala kase yung driver nila"

Sige Yana ikaw na si Eliza! Haha ako tinatanong sya sumagot

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa mall kayo pupunta"
Ano? Doble kara na si Yana? Kanina ako sya,ngayon sya naman si Richard
Jusko po!!

"So tayo na?"

Ha? Kami agad di pa nga nanliligaw

"Ha?"

"Tumayo kana dyan aalis na daw kayo"

Hahahaha assuming ko pala

"May papaalala lang ako sayo Richard"

"What?"

"Hindi mo pwedeng dikitan si Eliza dapat may distance,bawal akbayan,bawal HHWW saka niyo na gawin yun pag kayo na,at higit sa lahat bawal ang KISS"

Nahiya nanay ko sayo! sa kanya basta nakauwi akong buhay ayos na e dito kay Yana ang daming bawal . Yung HHWW nga gusto ko e enebeyen -_- chos lang hahahaha

"Bawal ang KISS ah! Kahit sa pisnge bawal!"

Natawa na lang kaming dalawa kasi kung eemphasize niya yung kiss hahaha

"Yes ma'am!" sabay akbay sakin

"Kakasabi ko lang kanina na bawal akbay!" Jusko kaibigan ko ba talaga to o nanay ko?

"Sorry po"

"Hahaha sige na Yana una na kami susundin namin lahat ng mga sinabi mo"

"Mabuti naman! sige Eliza enjoy ;)"

At iniwan na muna namin sya doon kawawa naman loner na sya :( hahahaha

-----------------------

Friendship or Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon