45

30.6K 755 405
                                    

I quickly dressed in a simple dress. I planned to visit Gina before going to Sean's office so he wouldn't have to come home since we were both going to the OB-GYN for a check-up anyway.



Sasabihin ko kay Gina na buntis ako para naman hindi siya mag tampo. We discussed back in high school that if one of us ever got pregnant, we should be the first to know.



Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at hinawakan ang aking tiyan.



"Baby, dalian mong lumaki para may kalaro ang ate Raia mo ha?" Pag-uusap ko sa aking tiyan.



Pinagmasdan kong muli ang aking sarili bago kinuha ang mini bag ko at lumabas ng condo.



Tinawagan ko si manong Jun kanina kaya nasa labas na siya, hinihintay ako. Agad naman akong pumunta sa sasakyan.



"Punta po tayo kay Gina manong," sabi ko.



Tumango naman si manong Jun at agad na kaming umalis.



I noticed that Manong Jun's skin is starting to wrinkle. He has been working at our house for a long time, just like Manang Fe. Sobrang napamahal na rin sila sa amin dahil sobrang loyal nila pagdating sa trabaho. There was a time when Manang Fe got sick, and Mom wanted her to rest, but she refused. She said she would feel sad if she didn't have anything to do all day. She preferred doing her tasks and found joy in her work.



After almost 20 minutes, we arrived at Gina's house. I saw her watering the plants from afar, so I immediately went to her.



"Ay puta!" gulat na sambit niya nang makita niya akong papalapit sa kaniya.



Natawa ako at agad ko siyang niyakap. Nagtaka naman siya kung bakit ko siya niyakap ngayon.



"Andeng, bakit mo ako niyayakap? Tangina, mamamatay kana rin ba? 'Wag mo akong iwan, parang gago 'to" natataranta niyang sambit.



Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. "Bawal ba kitang yakapin?" natatawa kong sabi.



"P'wede naman, pero bakit? Pumunta ka lang dito para yakapin ako?!"



Umiling ako. "May sasabihin ako sa'yo."



Pinunasan niya ang kaniyang kamay dahil basa ito. Hinila niya naman ang palapulsuhan ko upang idala sa terrace ng bahay nila. "Teka, kuha lang ako ng makakain. Hintayin mo ako dito," aniya, pero pinigilan ko siya.



"Wag na! Hindi naman ako gutom," sambit ko.



Bumuntong hininga siya at naupo sa tapat ko. "Ano 'yung sasabihin mo? Kinakabahan ako."



"Buntis ako"



"Ay tangina." napahawak siya sa kaniyang dibdib at tila ba nagulat siya "Wag mo'kong pinaglololoko dito, Andeng. Sinasabi ko na sa'yo, susuntukin ko 'yang puson mo hanggang sa magsuka ka ng dugo."



Agad ko siyang hinampas sa kaniyang braso at napahawak siya.



"Buntis nga ako"



Natahimik siya at sinusuri ang aking mukha. "Buntis ka nga. Seryoso ka, eh," aniya. "Sinong ama?!" kalaunan ay medyo sigaw niya.



Hinampas ko ulit siya sa braso kaya agad siyang tumahimik. "Sino pa ba?! Edi si Sean, jusko, Jeorgina."



"Malay ko ba! 'Di ko nga alam na nagkabalikan na pala kayo," kunot noo niyang sabi. "Baka mamaya si Ethan pala tatay niyan ha," aniya sabay turo sa tiyan ko gamit ang kaniyang nguso.



Drunk On Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon