01
" Tori , how dare you , its all your fault. You evil curse with witch. You let Mom and Dad died." pinagsasampal ako ng aking kamukha , hindi ko ininda ang sakit ng sampal niya , tingin ko kulang pa yun. Ako naman talaga ang may kasalanan eh. Sabi ko sa sarili ko. Napapaupo ako sa sampal niya na naging dahilan at napahiga ako sa may sala namin.
Pinagtatadyak niya ako sa aking mga paa , sa sikmura at kahit saan mang parte ng katawan ko. Pero manhid na ako , di na ako makaramdam ng physical na sakit kahit siguro suntukin niya ako , sabunutan sa buhok , paluin ng walis tampo , batuhin ng vase at kung ano ano pang gamit na nasa sala namin , hindi na ako nasasaktan. Sanay na ako.Demonyo , Salot , Malas .
Yan ang tingin sakin ng kakambal ko. Sinisisi nya ako sa lahat , sa lahat ng kamalasan ng pamilya namin." Please wag po , parang awa nyo na. Wag po." nagpupumilit akong makisiksik sa loob ng tokador wag lang ako maabot ng taong yun. Isa siyang hayop. Hindi pala , isa siyang demonyo. Demonyong nagbabalalat kayo. Nag iiyak ako , tumutulo na yun sipon ko at nagkahalo halo na sila ng luha ko. Kahit nalulunok ko na yun sipon ko na tumutulo sa bibig ko , wala akong pakialam. Ang gusto ko lang sa mga oras na yun ay makatakas sa demonyong nasa harap ko. Takot na takot ako , nanginginig pa yun mga tuhod ko. Pati mga labi ko nanginginig din sa takot. Nanlalamig ako sa sobrang takot. Wala na , dito na ata ako mamatay. Walang tutulong sakin. Walang nag mamalasakit o nagmamahal sakin para sa mga oras na ito ay iligtas ako.
Natatawa ako sa sarili ko. Bakit ba ako natatakot mamatay? Diba matagal ko nang gusto ito? Nakakatawa lang.Isang napakalakas na sampal ang nagpagising sakin. Sampal ni Nanay Marla. Masakit yun sobra. Pero para sakin parang kurot na lamang yun.
" Nananginip kana naman ba Sam? " nag aalalang tanong sakin ni Nanay. Siya ang saksi sa lahat ng pinag daanan ko , siya ang naging mata ko at tumulong sakin para mabuhay ng normal katulad ng ibang normal na mga kaedad ko. Siya ang kumopkop sakin ng mga panahong muntik na akong mamatay. Tinakas niya ako. Pumunta kami sa malayong lugar. Nilayo niya ako sa mga taong nanakit sakin at nagsamantala sa kahinaan ko. Binago niya ang pagkatao ko at tinago ang tunay na ako at tinuring niyang anak niya sa mata ng mga taong di nakakakilala sa tunay na ako.Si Nanay Marla ang yaya ko simula nung bata pa lang ako. Pero kahit siya ang nag alaga sakin , lage anjan ang Mommy ko para dalawa silang alagaan ako. Mahal na mahal ako ng Mommy ko , walang kapantay ang pagmamahal niya sakin. Kaya kapag nababanggit ang pangalan niya , naluluha nalang ako. Yun ang isang bagay na kahinaan ko. Ang mga luha ko. Hindi ko sila mapipigilang lumuha at basain ang mga pisngi ko. Si Mommy at Daddy ang kahinaan ko.
Pero nun namatay sila , napunta sakin lahat ng sisi. Kahit ang Lolo at Lola ko galit sila sakin. Hindi nila ako mahal. Yun ang napatunayan ko sa sarili ko. Kasi kung mahal nila ako dapat hindi nila hinayaan na mag kaganito ako ngayon. Pinabayaan nila ako , masama man pero nagagalit ako sa kanila. Hindi man lang nila ako tinanong kung anong nangyare o kung ano ang totoo. Nagalit sila sakin ng hindi inalam ang totoo. Hindi sila nag tiwala sakin. Kaya galit na galit ako sa kanila." Sam? Sam? Sam? Ok ka lang ba anak? May masakit ba sayo? " boses ni Nanay Marla ang nag pagising sakin sa masakit na kahapon ko. Hindi ko napigilang yakapin siya. Nag sumiksik ako sa dibdib niya na parang batang nawawala. Yinakap niya ako pabalik.
" Nandito lang ako anak , hindi kita pababayaan , hindi kita iiwan. Hindi ko hahayaan na may manakit ulit sayo muli. Tandaan mo yan." Sabi sakin ni Nanay Marla. Hindi ko napigilan umiyak. Umiyak ako na parang wala ng bukas. Ramdam na ramdam ko ang katapatan sa mga binibitawang salita ni Nanay Marla sakin.Umiyak ako ng umiyak. Kahit dalaga na ako hindi ako nahihiya kay Nanay. Alam niya ang lahat sakin. Siya ang kakampi ko sa lahat ng bagay. Naiisip ko pa lang na mawawala sakin si Nanay. Ikakamatay ko na. Tinuruan niya ako maging simpleng dalaga mula sa isang prinsesa. Tinuruan niya ako mamuhay ng simpleng buhay mula sa marangya at mapalasyong bahay. Ayoko ng bumalik sa dati kong buhay.
" AYOKO NA TALAGA " . Yun ang lage kong sinasabi sa sarili ko. Dahil sa tabi at feeling ni Nanay Marla alam ko sa sarili ko at ramdam ko na ligtas ako." Sam anak tahan na. Kakaen na tayo. Diba nga unang araw mo ngayon sa bago mong school? Sige ka anak papanget ka niyan kakaiyak. " si Nanay Marla talaga.
Alam ko naman sa sarili ko na maganda ako. Sa sobrang ganda ko , siya ang naging dahilan kung bakit lage ako napapahamak. Ang gandang pinakaaayaw ko sa lahat. Mas gugustuhin ko pang naging panget nalang sana ako. Yun din ang naging dahilan kung bakit kinamumuhian ako ng kakambal ko.
Kambal nga kami pero hindi kami magkamukha talaga. May mga anggulo lang na mag katulad kami. Tulad ng mag kasing taas kami. Mag kasing puti at parehong balingkinitan ang katawan. Pareho din kaming may beloy sa dalawang pisnge at pareho kami ng mga mata. Pinag kaiba lang ang kulay ng mga ito. Kulay brown ang kulay ng mga mata niya at kasing itim naman ng gabi ang sakin na tinatakpan ko ng makapal na salamin.Namana ng kakambal ko ang kulay ng mga mata niya sa Lolo namin kaya paborito siya ng lolo. Yun sakin naman , kay Daddy ko namana at ang kabuoan ng itsura ko naman ang kay Mommy. Sa kakambal ko naman ang magkahalong itsura ni Mommy at Daddy. Long brown hair na hanggang beywang yun buhok ko at above the shoulder na red un sa kakambal ko. Mag kaiba kami ng taste at fashion sa pananamit.
Tinuturing niya akong kaagaw ng lahat sa kanya. Siya naman ang tinuturing kong lahat sakin ng mawala si Mommy at Daddy. Matanda siya sakin ng sampong minuto. Kaya under ako sa kanya. Ginagalang ko siya kasi mas matanda siya sakin na inabuso niya laban sakin.Sabi ni Nanay Marla sakin nakakaakit daw ang mga maiitim kong mata. Sa tuwing titingin daw kasi ang mga mata ko , parang nahihinopostismo ang sino man titingin nito. Naniwala ako dahil sabi ni Nanay Marla yun eh kaya kahit hindi malabo yun mata ko , pinipilit ko nalang ang mag salamin.
" Sam anak malelate kana. Sige ka mapapagalitan ka ng teacher mo yan. First day of school pa naman." dahil sa sinabe ni Nanay dun lang ako natauhan. Lumayo ako sa kanya at tumayo. Kumuha ng tuwalya sa kabinet. Tumayo na rin siya at sabay kaming bumaba. Dalawang palapag yun bahay ni Nanay Marla na pinamana ng magulang sa kanya bago namatay ang mga ito. Dalawa rin ang kwarto nito sa taas. Hindi na nag asawa si Nanay Marla dahil sa pag alaga sakin nung bata pa ako. Nawala sa isip niya ang pag asawa daw nun ng alagaan niya ako.
Natutuwa at nawili daw siya kasi sakin. Tuwing nakikita daw nya ako noon at titigan ang mga mata ko nabibigyan daw siya ng kapayapaan. Di ko alam kong maniniwala ako pero hinayaan ko nalang." Nay pasensiya na kayo ah. Umiyak na naman ako. I should stop crying Im promise to you that. But Im weak , my bad memories haunted me again." madamdamin kong sumbong sa kanya. Pinaupo niya ako sa mesa na kaharap ay ang hinanda niyang pagkaen. Naiiyak na naman ako naasar tuloy ako sa sarili ko. Di bali sa harap lang naman ni Nanay ako ganito.
Hinawakan ni nanay yun kamay ko." Anak ok lang ang umiyak. Sinabe ko naman sayo diba di mo kilangan itago sa harap ko nasasaktan ka. Naiintindihan kita , di mo kilangan mangako sakin ng ganyan dahil nasasaktan ako pag nakikita kitang nasasaktan." daang libo na ata na sinabe ni nanay ang ganun , pero yun mga salita niyang yun lang kasi ang nagpapagaan sa pakiramdam ko. Ayaw ko lang kasi sa lahat yun inuungkat yun nakaraan ko. Dun talaga ako nagagalit ng sobra.
" Nay kaen na tayo. Nagutom ako kakaiyak eh." nakangiti kong sabi sa kanya. Natawa na din si nanay. Pag katapos ko kumaen. Pumasok na ako ng banyo at naligo.
Nag bihis na ako at humarap sa salamin. Maluwag na plain white tshirt yun suot ko pag itaas at medyo maluwag ding jeans na pantalon. At sinuot ko na yun salamin ko at pinusod lo lang yun mahaba kong buhok.Back to school na naman. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat eh. Nangingilag kasi ako sa tao sa paligid ko. Tanging kay nanay lang hindi.
BINABASA MO ANG
" Scared To Love "
RandomLoving someone is a cursed. Yan ang paniniwala ni Tori sa makapangyarihang salita ng pag - ibig. Masaya at masarap daw mag mahal yun ang kadalasang sinasabi ng iba. Pero minsan ba sa lahat ng taong nagsabi nun , narinig mo na ba na may nag sabi na...