"Anak, gumising kana. Male-late ka na naman sa school" mahinahon na sabi ni Mama.
"Ayoko!"
"Anak naman eh! Ang hirap mo talagang gisingin. Sige bahala ka, naghihintay si Kurt sa sala. Ihahatid ka daw niya, sayang naman." humagikhik si mama.
Ah, si Kurt lang naman pala. Yung crush ko hihi. Teka teka teka! , Kurt as in yung crush ko!? The Kurt Santos!?
Napabangon ako agad.
"Really Ma!? OMG! maliligo na ako, pakisabi sa kanya wait lang hihi. OMG talaga! haha hihi!" patalon-talon akong pumasok sa cr.
Nang matapos na ako sa mga kailangan gawin, bumaba na ako. Pero nang nilibot ko ang aking paningin sa sala, wala naman si Kurt.
"Ma, nasan si Kurt?"
"Hay nako ate! Patibong yun ni mama! Nahulog ka naman, edi yan gising kana hahaha. Uto-uto ka talaga! galing talaga ni mama haha"
Nadismaya ako, Akala ko talaga nandyan si Kurt! Puta naman eh!
Huminga ako ng malalim at...
"MAMA!!!! NAKAKARAMI NA KAYO!! HINDI NA AKO KAKAIN!! NAIINIS AKO SAYO!! AYHEYTCHU! HMP!!"
at lumabas na ako ng bahay. Nang walang paalam, nakaka badtrip si mama. Naman eh! Panira ng araw! Bwesit talaga!
*
Nagsimula ang araw ko sa school. As usual. B O R I N G -.- .
Nag le-lesson kami pero as usual hindi ko maintindihan.
Nakikita ko ang crush ko kahit saan pero as usual dedma.
Lagi akong sinusundan ng stalker kong nerd. Oo stalker hindi admirer. Ampangit nya eh!
Pero ang hindi ko inaasahan ang meeting namin sa Student Council.
Matatagalan na naman ako -.-
* * * *
Mga 11pm na nang nakapasok ako sa subdivision namin. 8pm na natapos ang meeting. Nagutom ako kaya pumunta muna ako ng MOA. Nag take-out rin ako para kay mama at Aubrey. Tapos ang traffic pa sa may EDSA. Kaya eto.
Nagtaka at nagulat ako nang masyado itong tahimik. Madumi ang paligid. Nagkalat ang mga tanim. May nasusunog pangang bahay. Natatakot na ako! Nasaan ba si Mama? Si Aubrey? Ang mga tao?
"TULOOONG!" may sumigaw.
Agad akong tumakbo kung saan banda yung may sumigaw. Pero natakot ako ng may makasalubong akong.... Zombie!?
"OH MY FUCK!" napasigaw ako.
Lumingon yung Zombie at naglakad papalapit sa akin!
"JUSKOOOO POOOO! TULONG! PUTANGINA! TULOOOONG!"
Takbo ako ng takbo. Hanggang sa may humablot sa akin sa isang madilim na eskinita.
"AAAAAAAHH----"
"Ssshhh."
Tiningnan ko siya. JUSKO PO! AKALA KO LIGTAS NA AKO SA ZOMBIE, EH BAKIT PULA ANG MATA NETO!?
"Pula ang mata ko dahil bampira ako"
Parang gusto ko nang mahimatay. Panaginip lang ito. Puta naman! Gisingin nyo na ako!
"Hindi ito isang panaginip binibini."
"Please stop reading my mind! Kita mo naman kung nasa anong sitwasyon ako!" Naiiyak na sabi ko.
Natatakot ako.
"Nangyari na. Ang kinatatakutan ng lahat. Ang mabuhay kami. Supernatural Apocalypse. Bampira, Lobo, Mangkukulam, Demonyo at Zombie. Nabuhay kami muli. Hindi ito dapat mangyari."
Hindi ko na kaya! Nahihilo ako. Hindi kayang mag sink in lahat ng sinabi ng bampirang to.
Tumindig ang balahibo ko ng ilapit nya ang kanyang mukha sa leeg ko.
"Huwag po!" Umiyak na talaga ako.
"Gusto mong mahimatay? Im doing you a favor. I'll give you pleasure."
Parang may ginamit siyang gayuma dahil napa oo nalang ako.
Nakaramdam ako ng dalawang matatalinis na pangil sa leeg ko.
"A-aray" daing ko. Ang sakit pero di kalaunan parang naging masarap ito. Mas masarap pa sa halik.
"Aaaahh" daing ko na naman hindi dahil sa sakit kundi sa sarap.
Nagsimula nang magdilim ang paligid ko. Nahihilo narin ako.
Unti-unti nang pumipikit ang mata ko. Pero hindi nakaligtas ang sinabi ng bampirang iyon, dahil narinig ko ang sinabi niya bago ako mawalan ng malay.
"Iba ka sa kanila. Hindi ka isang ordinaryong tao"
°•°•°•°•°•°•°•°•°
A/N:
Ang lame nito haha. Boring. Sa next chapter nyo na makikita ang aksyon wahihihi XD Hindi pa ito ang simula ng laban dahil pakulo palang ituuuu! hahaha. Please VOTE AND COMMENT! it will mean so much to meeee :))) Thank you po!!
-harrystylesXD