Tree

9 2 0
                                    

Halos matumba ang upuan kung saan nakaupo si Alfred Miranda ng bigla itong tumayo sa sobrang gulat. Di sya makapaniwala na hindi sya ang papalit sa iniwan pwesto ng kanyang ama.

"What is the meaning of this Attorney? Bakit si Veron? She's just my father's daughter in law! Paano'ng sya ang papalit bilang CEO?" Galit at di makapaniwalang reaksyon ni Alfred sa narinig na last will ng kanyang ama.

"Well, sorry Mr. Miranda but I just read your father's last will and testament. Hindi ko po alam kung bakit sa asawa nyo ibinigay ni Don Miranda ang pamamahala sa kompanya." Simpleng paliwanag ni Atty. Santiago.

"You know what dad. Naniniwala at may tiwala si Lolo kay mommy. Siguro he think na mas mapapamahalaan ni mommy ang kompanya. Better than you. Lolo has a best decision ever." Buong pagmamalaki na saad ni Barry.

"You bastard! Alam ko naman na inuto mo ang lolo mo para hindi sa akin ibigay ang pwesto ng pagiging CEO." Galit na galit na dinuduro ni Alfred ang kanyang anak na si Barry.

"Alfred!" Saway ni Veron sa asawa nya.

"What? Isa ka pa, alam ko trinabaho mo ng mabuti si daddy. Kaya nga siguro sayo nya pinamana ang lahat!" Baling ni Alfred kay Veron.

Agad naman napatayo si Barry sa kanyang kinauupuan upang ipagtanggol ang kanyang ina. "You stop dad! Don't blame my mom. Hindi mo alam kung anong tiniis at sinakripisyo ng nanay ko to earn Lolo's trust. He see's what mom can do, unlike you!"

Agad naman pinigilan ni Veron ang ginawang pag amba ni Alfred kay Barry. "Stop it Alfred! I admit, dad talk to me the day before he left us. He said na di nya nakikita sayo ang potential to be the company's new CEO. I talked to him too na kay Barry nalang ipamana ang iiwan nyang pwesto but he insists. He really know how you will react if Barry will become the new CEO. Nakikita at ramdam ni daddy kung paano mo kami tratuhin ni Barry. And yes, he think na kung sa anak mo pa lang ay di mo na kayang maging isang ama, paano pa kaya sa isang napakalaking kompanya na libo-libo ang nagtatrabaho at umaasa."


Halos lamunin ng buo ni Alfred si Veron sa paraan ng pagtitig nito sa kanyang asawa. Punong puno ng galit ang kanyang dibdib. Bawat salitang binitiwan ni Veron ay kinamumuhian ni Alfred.


"Excuse me lang ah, medyo napakataas na kasi ng tensyon ng paligid. Pwede ba akong sumingit?" Tila isang palabas lang ang lahat ng nangyayari para kay Monica sa paraan ng pagtatanong nito.


"Yes ma'am? What it is?" Kinakabahan tanong ni Atty. Santiago kay Monica.


"Gusto ko lang sana malaman kung may iniwan si Don Miranda para sa anak ko na apo nya rin? If Barry wouldn't be the new CEO and Alfred also. Who's gonna be the new VP of the company?" Nakangiting tanong ni Monica na tila excited na excited malaman kung may iniwan ba ang yumaong lolo ni Barry sa kanyang anak na si Axcel.


"Ahm..." Di magawang tumingin ni Atty. Santiago sa gawi ni Alfred na tila mas lalo pa'ng makakaramdam ng galit kung maririnig nito ang susunod nyang sasabihin.


"Actually, wala ang pangalan ni Axcel sa last will and testament ni Don Miranda. The only grand son he acknowledge....ay si Barry lamang. Like what you said earlier Ms. Monica, si Barry ang magiging bagong VP ng kompanya at magiging taga pagmana ng bahay na ito. Barry was only the legitimate son of Alfred and Veron. So meaning, bilang nag-iisang apo. Kay Barry, mapupunta ang halos 50 percent ng kayamanan at ari-arian ni Don Miranda. Ang 30 percent naman ay paghahatian nyo Mr. Alfred Miranda at Mrs. Veron Miranda." Mahabang saad ni Atty. Santiago.

"Then, where's the 20 percent attorney?" Tanong ni Acxel ng mapansin nya na di ito nabanggit ng abogado.

Agad naman tinignan ni attorney ang mga papeles na kanyang hawak at muling binasa ang karugtong ng last will and testament ni Don Miranda. "Ang natitirang 20 percent ng ari-arian at kayamanan ni Don Miranda ay mapupunta sa kanyang nag-iisang grand-daughter in law na si Mrs. Lira Quintos Miranda."

Best In MeWhere stories live. Discover now