"Ipinapangako ko sa puno, dito mismo sa lugar na ito na palagi akong nandito para sayo, hinding hindi kita iiwan, pangakong palagi kang pasasayahin sa bawat oras. Mahal na mahal kita Shyra panget, may kaibigan na ko may kapatid pa haha." yakap kong mahigpit habang kunti kunting ginugulo ang kanyang buhok.
Paano na lang kong magkagf ka Bry, sigurado iiwan mo rin ako, sigurado lahat ng pangako mo itatapon mo lang rin, sana mas higit pa sa kaibigan ang ituring mo sakin Bry, patuloy parin akong maghihintay, hihintayin ko yung araw na magkagusto ka sakin.
buntong hininga kong tanong at sagot sa aking isipan."Alam mo ilibre muna lang kaya ko, dun sa tindahan ni Aling Marites, dami mong alam HAHAHAHA."
pabatok kong sabi sa kanya"Kahit kailan talaga'y hindi na mawawala saiyo ang ganyang pag-uugali hane! Napakamapanakit mo! Osya halika na't baka sa sobrang gutom mo e baka pati ako'y makain muna rito haha." pagalit ngunit pabirong singhal sa akin ni Bryan
"May takot ka pala sakin haha."
pabiro ko namang sagotSabay alis namin sa lugar na kung saan nangako sya sa akin.
Habang nakaangkas ako sa kanyang bike ay nakangiti kong inaalala ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig.
"Ipinapangako ko rin na mag-iistay ako sa kalokohan man at sa sekretong pagtingin sa iyo. Palagi kitang susuportahan sa mga gusto mo, sabay natin abutin lahat ng mga pangarap natin, mahal kita Bry, pero sa ngayon mahal muna kita bilang kapatid at kaibigan, ayokong sirain ang meron tayo sa ngayon, ikaw lang yung meron ako." titig kong tingin sa mga makikinang nyang mga mata
*Sa tindahan ni Aling Marites
"Oh san na naman kayong dalwa nagpunta, gala talaga kayo" bungad na salita sa amin ni aling marites
"Nandun lang po kami nagpunta sa may secret place namin ni Bry, hihi" sagot ko habang nag aayos ng buhok
"Nga pala Bryan, may naghahanap sayong babae kanina, e hindi ko naman masabi kung saan kayo dahil hindi ko naman alam yang secret secret place ninyo ni Shyra" anang Aling Marites
"Sino kaya yung babaeng yun? Hindi kaya si Cassandra yun? At bakit naman nya hinahanap si Bryan?" pagtataka kong tanong sa aking isipan
"Sino raw po sya Aling Marites?" tanong ni Bryan
"Hindi ko alam pero, maganda sya, matangkad at may pinasasabi pala sya, puntahan mo raw sya dun sa kinakainan nyo noon, hihintayin ka raw nya mamayang gabi." anang Aling Marites
"Ah, okay po, salamat" maikling sagot ni Bryan
Shyra Pov's
Sigurado akong si Cassandra yun, dahil sya lang naman ang taong unang minahal ni Bryan. Hindi kaya makikipagbalikan si Cassandra sa kanya?
Akala koba hindi na nya mahal si Bryan? Eversince, na naging sila, oo mahal nga nya si Bryan pero iniwan nya yun ng walang rason, ako yung palaging nandyan para sa kanya tapos ngayon babalik sya ulit? Para san, para saktan ulit si Bry tapos ako ulit yung magpupunas ng mga luha nya tapos ano, babalik ulit sya? Kung kailan nahulog at napamahal na ko kay Bryan?
Walang ibang pumapasok sa isip ni Shyra kundi ang mga katanungang hindi maibigkas ng bibig nya, ni hindi man lang nya magawang tanungin si Bry kong bakit kailangan nya ulit makipagkita kay Cassandra.
Walang ibang emosyon ang lumalabas sa kanya kundi puro katanungan.
#SupportMyStory
#KindlyVote
#Thankyouuu|BINIBININGENISHA2
YOU ARE READING
Secretly Waiting
RomanceAre you the kind of person who patiently waiting for someone? Or tired of waiting to that someone na kahit kailan ay hindi naman talaga magiging sayo? Is there any hope that he will fall for you, too? O habang buhay kana lang na sekretong maghihinta...