The Game We Never Made
Mountcli
"Hey Cli, have you heard the rumor about Monique?" Nawala ang atensiyon ko sa binabasang libro ng biglang tumabi sa'kin si Weila. Eh? Ano na namang chismis ang nakalap nito?
"Uh nope, I haven't heard one, why? What happened to her?" Tanong ko dito. Well I'm human and human born curious.
"Some of our schoolmates said that she suddenly disappeared since last friday, they even believed that she's kidnapped," eh? Kidnapped? I haven't heard any news about kidanapping incident. Well my father is one of the policeman in Creyswode so if ever there's something happened he will surely tell us.
"But duh! Kidnapped my ass! Eh sa malandi 'yong bruhang 'yon, malamang sa malamang sumama na naman 'yon sa kung sino mang ka fling n'ya!" Whews... seems like there's someone who can't move on from their past. I know how much Weila hate Monique because Monique is really a good girl to the point na nilalandi n'ya 'yong may jowa na at isa na doon ang ex ni Weila. Psh!
"Baliw." napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa pagbabasa. Wala naman akong mapapala kung makikinig pa sa kan'ya.
"By the way, tuloy ba 'yong adventure?" Sa pagkakataong ito nakuha na n'ya 'yong interest ko.
"Of course! Hindi pwedeng di matutuloy 'yon, But I'm sure ma e' extend 'yon kase wala pang balita kung kailan babalik ang mokong na si Darell." sabi ko. Actually 3 days na kaming walang balita kay Darell kase naman umalis sila buong pamilya may pupuntahang probinsya daw at sa kasamaang palad mahina ang signal doon kaya siguro hindi nakaka pag online.
"Buti naman, kase masasapak ko talaga ng bongga si Darell pag hindi s'ya tutuloy 'e s'ya pa naman 'yong nag plano." may pairap pang sabi nito. Well totoo naman ang sinabi ni Weila—si Darell talaga ang may pakana ng mangyayaring adventure. Gaganapin naman namin 'yon sa isang masukal na gubat dito Creyswoode.
"Same bestie same." Sabay nalang kaming natawa. Siguradong matatapilok 'yon ngayon kung saan man s'ya.
"Hello pips! Magandang umaga! Good morning! Arigato!"
Halos mabato ko ng libro ang bagong kakadating lang sa classroom, no other than Virkyll Renato Ponce. Ang sobrang energetic kahit saan man magpunta. Halos lahat ng kakalse naming nandito na sa classroom inirapan s'ya, may iba namang natawa nalang dahil sanay na sa kaingayan n'ya.
"Walang pagbabago baliw parin." Napailing kong sabi.
"Hoy! Renato kailangan ba talaga sobrang energetic?" Umirap na tanong ni Weila. And here we go again—sa kanilang bangayan.
"Hindi naman pero kung ako ang mag dedesisyon, mas magandang maging energetic kesa 'yong halos araw-araw may dalaw, and please! Don't call me that nasty name! I'm Virkyll! So call me Virkyll and not Re- never mind!" Bagot na sabi nito bago maupo sa upuan na naka assign sa kan'ya which is katabi ko sa right side. Si Weila naman parang nanalo sa kung ano mang contest dahil ngayon, s'ya na naman nakalamang sa pang-iinis.
Sasagot pa sana si Weila ng bigla nalang dumating ang aming Oral Communication Teacher, Ms. Vasco na medyo terror.
"Prepare your paper for our essay." Nakabusumangot na sa sabi nito. Ay! Wala man lang pa good morning. Mas may araw-araw na dalaw pa 'to e' kesa kay Weila.
"Mas bagay silang maging bestie ni Weila, parehong pinaglihi sa kung ano mang sama ng loob." Mahinang bulong ni Virkyll na narinig naman ni Weila. At dahil sa sinabi nito naramdaman kung may kamay na dumaan sa likod ko papunta sa tagiliran ni Virkyll at agad na kinurot ito.
Ito na naman po sila.
"Pakyu!" Mahinang singhal ni Virkyll.
"I'd rather die!" Ganti naman ni Weila dito.