Rebound

229 6 1
                                    

Noong nakita kitang umiiyak sa ilalim ng ulan kasabay ng mga luha mong pumatak, ang mga parte ng nadudurog kong puso.

Inisip ko na sana kahit rebound man lang ang parte ko sa buhay mo kung kapalit naman nito ang pagbalik ng ngiti mo, gagawin ko kaya naglakas loob akong kausapin ka.

"Baka magkasakit ka. Gusto mo ng panyo?"

Tinignan mo lang ako at ang panyo ko noon, akala ko magagalit ka kaya nagtaka ako nung wala kang ginawa, hindi mo ko sinigawan dahil sa pangingialam ko, hindi mo ko itinaboy. Hinayaan mo ko sa tabi mo yun nga lang wala tayong imikan.

Alam mo ba? Gusto kita matagal na hindi ko lang masabi-sabi kasi wala akong may ipagyayabang na talino, ganda at talento tulad ng nililigawan mong si Trisha. Parang sinuklaban ako ng langit at lupa noong nalaman kong kayo na pala. Naghintay ako ng pagkakataon, naghintay ng napakahabang panahon. Sa tagal ng hinintay ko sumuko na ko sayo. Pero hindi ako sumuko para lang makita kang umiiyak sa ilalim ng ulan.

"Mike, alam kong ngayon mo lang nalaman ang existence ko pero sana pagbigyan mo ang offer ko. Gusto kita at lahat gagawin ko kahit na maging rebound mo"

Tumingin ka sakin, ngumiti at niyakap mo na lang ako basta-basta.

"Salamat"

Yun ang una mong sinabi mo sakin.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Maglilimang buwan mo na akong rebound. Hindi ko inakalang tatagal tayo ng ganun katagal. Pero nagawa ko ang misyon ko na ibalik ang ngiting naging dahilan ng pagkagusto ko sayo.

"Phoebe! Anong tinutunganga mo diyan? Naghihintay na sayo si Mike sa labas"

Tumingin ako sa kanya at nagpasalamat. Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at lumakad patungo sa'yo.

Nakita ko kayong nag-uusap ni Trisha. Ngayon ko lang nakita ang napakasaya mong ekspresyon na pinapakita mo lang kung kausap mo si Trisha. Ah, syempre mahal mo diba? Dun ako kinutuban na iiwan mo na ako sa mga susunod na araw at babalik sa piling ng mahal mo.

Aalis na sana ako at iiwan ka pero nakita mo ko. Hindi ko inaakalang mapapansin mo pa ako. Wala akong nagawa kaya lumapit ako sayo.

"Phoebe naman, hinintay kita tapos iiwan mo lang pala ako?"

"May kausap ka pa kasi kaya uuwi na sana ako"

Tumawa ka at ginulo ang buhok dahilan ng pagsimangot ko.

"Sige mauna na kami Trish. Sa susunod na lang. Bye"

Hawak kamay tayong umuwi. Hindi ko alam kong laro lang ba lahat ng to o nahuhulog na yung loob mo sakin?

Lumipas ang mga araw naging mas malapit kayo ni Trisha sa isa't-isa, dun ko narealize na kailangan na kitang palayain. Kaya friday ng araw na yon, nagtext ako sayo.

'Mike napagdesisyunan ko ng palayain ka. Alam ko naman na mahal mo pa si Trisha. Pero papipiliin kita samin. Kung gusto mo na ako kahit malabong mangyari, maghihintay ako sa lugar kung tayo unang nagkita. Isang oras, isang oras ako maghihintay sayo'

Makalipas ng 59 minutes, sumuko na ako sayo. Nagsimula na akong lumakad pero nabigla ako nung may yumakap sakin.

"Mike?"

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Tumulo yung mga luha ko. Hindi ko inaasahang pupunta ka.

"Ibig bang sabihin nito ay?"

Bago pa ako magtanong muli ay nagsalita kana. Niyakap mo ko ulit at sinabi ang mga salitang bumago sa mundo ko.

"Phoebe maraming salamat sa mga ginawa mo para sakin. Gusto kita Phoebe

pero mahal ko pa si Trisha. Sorry. Pumunta lang ako dito para magpasalamat"

Nagbago ang mundo ko, ang mundo kong buo noon ngayon ay nawasak dahil sa mga salita mo.

"Akala ko pa naman maglelevel up na ang posisyon ko sa buhay mo yun pala hanggang rebound lang ako"

Bumagsak ang mga tubig na nagpapahiwatig ng mga emosyon na hindi ko kinaya. Tubig na kung tawagin ay luha. Luhang puno ng pagkabigo, lungkot at pighati.

'Hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko na maging rebound mo pero ang sakit pa rin na hindi mo kinayang ibalik ang pagmamahal ko. Paalam Mike"

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon