Chapter 01

9 1 1
                                    

"May pera ka ba dyan?" rinig kong tanong ni Itay, galing pa ako kina Ante Rina nag laba upang magkapera makatulong din sa pagkain at gamot ni Inay.

"Wala akong pera." rinig kong sagot ni Inay na may kasamang ubo pa ito.

"Andito na po ako." singit ko sa pag-uusap nila, baka ano namang gawin ni Itay kay Inay dahil wala naman itong maibigay na pera pang sugal niya.

"Letseng buhay naman ito oh! Wala kang silbi!" nagmumurang sabi ni Itay, hindi man lang napansin ang pagdating ko, at si Inay nakatingin lang sakin nilapitan ko ito at nag mano. Mag mamano na sana ako kay Itay.

"Oh Ikaw MAGALING NAMING ANAK! May pera ka?" diniinan niya ang pag sabi ng MAGALING NAMING ANAK, at inilahad niya ng malapad ang kamay niya. "Asan na?" tanong ulit nito, at kinuha ang Bag kong dala.

"I-Itay para po yan sa pagkain natin at pambiling gamot para kay Inay." tinignan lang ako ni Itay.

"Wala akong Pake-alam!" itinapon niya ang Bag ko pagkatapos niyang kunin ang pera at umalis.

Narinig kong humagulgol na si Inay sa pag iyak.

"Inay wag kang umiyak, makakasama lalo yan sa'yo." sabi ko at hinagod ang likod ni Inay. Hinawakan ni Inay ang isa kong kamay.

"Anak pabayaan mo na lang ako, tuparin mo ang  pangarap mo, naka-graduate ka naman ng High School, mag kolehiyo ka."


"Pero Ina--" Hindi ako pinatapos mag salita ni Inay.

"Wag kang mag-alala" may kinuha si Inay sa likod niya at ibinigay ito sakin. "Ito pang gastos mo sa kolehiyo Anak."

Malaking Pera ang binigay ni Inay.

"Inay sa pang gamot mo po ito." Ibinalik ko kay Inay, pero hindi sya pumayag.

"Para sa'iyo yan anak, pagpapasalamat ko yan sa pag-aalaga mo sakin, gusto kong mag tapos ka, wag kang mag-alala sakin kaya ko pa naman. Ang hiling ko lang ay makatapos ka sa pag-aaral dahil yan lang ang maipamamana ko sa'yo na hinding-hindi mananakaw ng Iba." niyakap ko si Inay ng mahigpit.

-BUS TERMINAL-

"Lalarga na papuntang Maynila." sabi nung Mama na nasa Bus.

Sumakay na ako sa Bus na iyon papuntang Maynila. Pagkatapos ng Kinse Minutos umandar na ang Bus.

Tutuparin ko ang Gusto ni Inay na makatapos ako sa Kolehiyo hinding hindi ko siya bibiguin. Kaya ko to! Maghahanap din ako ng trabaho para may maipadala kay Inay. Haaayy... Kaya ko talaga ito!

Manila! Here I come! :)

- - -

A/N: Chapter One Updated! DONE! :)

Enjoy :)

P.S; I don't Like Rude Comments. Thank You :) God bless

-ImRedAuthor :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BRAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon