Untitled Part 2

53 0 1
                                    

“miss you too, hows your day? Grabe nakakapagod tong araw na ‘to..” agad namang sagot niya.
 
“ganon ba? Sige rest ka na.. namiss lang kasi kita.” I replied. Medyo nalungkot ako. Halata naman kasing ayaw niya akong makausap o makatext. Hinintay ko muna ang reply niya bago sana ako matulog pero mag-iisang oras na wala pa rin.
 
Gusto ko talagang sabihin na sa kanya. Pero umiiwas siya. Namimiss ko na siya. Mami-miss ko siya.
JOY’s POV
 
 
Ilang araw na ring hindi nagpaparamdam si best. Sorry naman, busy akong tao. Alam ko maiintindihan niya. Balang araw babawi din ako. Namimiss ko na rin siya sa totoo lang. gusto ko ring gampanan yung pagiging bestfriend ko.
 
“best meet naman tayo. J I texted her. Gusto ko talaga siyang Makita ngayon. Matagal tagal din kaming hindi nakapagchikahan kaya siguradong madami kaming baong kwento sa isa’t-isa.
 
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mangiti sa tuwing maaalala ko kung paano niya ako ipagtanggol sa mga naging ex kong nanarantado sa akin. Sabi pa nga nila daig pa namin ang magsyota. Pero alam naman namin ni best na hindi kami tibo kaya iniignore na lang namin yong mga pinagsasabi nila. Excited akong Makita siya. Excited akong muling maramdaman yung pagiging magbestfriend namin. Excited ako,…pero may halong kaba. Dala lang siguro ng tagal na di namin pagkikita. I’ll treat her sa favourite naming coffeeshop. Babawi ako ng bongga this time.
 
“Hi Joy, its me Joan. Pinapatanong ni ate Mari kung tuloy daw ba kayo?” past 7pm nan g mabasa ko ang text na ito. Number ito ni best pero si Joan ang nagreply. Nakakapagtakang magkasama pa sila ng ganitong oras.
“Sorry nawala sa isip ko. sorry talaga. Kasama mo ba siya? Bakit ikaw ang may hawak ng cp niya?” tanong ko dala na rin ng ng curiosity.
 
“SO HINDI KAYO TULOY? GANON NA LANG YON? PINAASA MO YUNG TAO.. WALA KA TALAGANG KWENTANG KAUSAP!” reply ni Joan. Halatang galit dahil san ka-capslock yung text niya. Ewan ko ba, naeepalan talaga ako sa classmate na ito ni best. Masyadong pakialamera. Kainis!!!
 
“Bakit nagagalit ka? ikaw ba si best?? Asan ba siya?”
Inis na reply ko sa kanya habang tuloy pa rin ako sa pag-aayos ng gamit ko bago umuwi. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring text galing kay best o kay Joan. I decided not to text my bestfriend since kasama naman niya si Joan malamang nasabi na ni Joan na hindi kami tuloy. Maybe some other time. Yung walang pasok para makasama ko siya ng matagal. Alam kong makakagawa siya ng paraan para di masagasaan yung work niya as a freelance article writer at pagiging Advertising Jingle composer. Proud talaga ako sa kanya kapag nakakagawa siya ng magandang concept. Ganon din kasi siya sa akin. Pinagmamalaki niya ako sa lahat. Ang sarap lang sa pakiramdam na may taong sobrang laki ng tiwala sa kakayahan mo. Ganon siya sa akin. 
 
Days.
Weeks.
Months. 3 months to be exact. Ganyan na katagal mula ng huling magtext si best. Sa tagal na yon pakiramdam ko napakasama kong tao at ngayon ko lang napansin. Nakaka-guilty dahil may promise pa naman ako na babawi ako ng bonggang-bongga. Pero nakalimutan ko. guilty talaga ako kaya pupuntahan ko siya.
 
 
Habang nag-aayos ako ng gamit ko dito sa office napansin ko na lang na nawawala yung ballpen ko. Binigay pa naman yun ni best sa akin. Agad ko naman itong hinanap. At hindi naman ako nabigo dahil nakita ko yun sa ilalim ng folder malapit sa computer. Dali-dali akong umalis para i-surprise siya.
 
 
Halos dalawang oras ang byahe dahil sa trapik. Ang haggard ko na tuloy. Nang marating ko ang apartment na tinutuluyan ni best, laking gulat kong wala siya doon.
 
 
''Pambihira, nag-iba na ba lifestyle nun? Hindi naman siya lumalabas ng ganitong oras ah..hmm'' sa isip ko..
 
 
Sinubukan kong tawagan yung # niya. Pero ring lang ring. Hindi niya sinasagot. ''best, pls answer the phone plss...'' sa isip ko...
 
 
''Hello.'' sagot ng nasa kabilang linya.
 
''Best?'' takang tanong ko ng mabosesan kong hindi si best ang sumagot ng phone.
 
''Si Joan to.'' matipid na sagot nito
 
 
''Bakit ikaw ang sumagot? Nasaan si best? Nandito ako ngayon sa harap ng apartment pero wala siya. Nasan siya? Nasaan ba kayo?'' sunod sunod na tanong ko. This time binalot ako ng kaba. Hindi basta-basta ipapahiram ni best ang phone niya kapag hindi importante.
 
''Hello? Joan?''
 
''Pumunta ka dito ngayon...''
 
Ibinigay niya ang exact place kung nasaan siya na lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib ko. Wala akong inaksayang oras, pumara agad ako ng taxi.
 
 
Ang trapik, jusmiyo! Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Bakit sa lugar na yun kami magkikita ni Joan? Si best? Asan na siya? Ano ng nangyayari sa kanya? Bakit matagal siyang di nagparamdam sa akin?
 
 
''Manong, wala na po bang ibibilis? Nagmamadali po kasi ako.'' tanong ko sa mamang driver ng taxi.
 
''Kahit ho bilisan natin mam, hindi pa rin uubra, kita niyo naman ho..traffic.'' sagot naman ni manong.
 
Hindi na ako umimik. Sa halip, kinuha ko ang phone ko para i-text ulit si Joan sa # ni best. Pero hindi na siya nagrereply. Isa at kalahating oras ang itinakbo ng byahe bago ako makarating sa fastfood na sinabi ni Joan. Agad ko rin siyang nakita kaya hindi na ako nahirapan sa paghahanap.
 
''Joan, nasaan na ba si best? May dapat ba akong malaman?'' pag-aalala ko. Gusto kong malaman ang totoo. Pero hindi agad nakaimik si Jo. Nakita ko na lang na teary eyed na siya kaya lalo akong nalito.
 
''Ano ba? Asan na ang b-bestfriend k-ko? Nasaan na s-siya?'' halos pagaralgal na tanong ko. Muli naghihintay na naman ako ng sagot mula sa kanya. Laking gulat ko na lang na hinila niya ako palabas ng fastfood na yon saka kami tumawid papasok sa ospital.
 
''Jo.. '' bulong ko.. Pero di niya ako narinig. Ayoko itong nararamdaman ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at mas lalo akong kinabahan ng tumigil kami sa ICU.
 
''Ayan siya.'' sabi niya sabay harap sa salamin na bintana.
 
Nag-init ang buong pakiramdam ko ng makita kung sino ang nakahiga sa kamang yun. Si best..
''Matagal na niyang iniinda ang sakit ng ulo niya. Akala niya simpleng migraine lang. Late na ng malaman namin na.....'' napatigil si Joan dahil di na niya mapigilan ang sarili sa pag-iyak.
 
''....late na ng malaman namin na Brain cancer pala..'' pagtutuloy niya.
 
Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong yakapin ang bestfriend ko. Pero hindi ko maihakbang ang paa ko. Parang bumagal ang ikot ng mundo sa akin.
 
''b-bakit ..h-hindi niyo..s-sinabi sa akin? B-bakit ngayon lang?'' tanong ko. Sa pagkakataong ito, bumuhos lahat ng emosyon ko. Iyak ako ng iyak habang nakatitig sa bestfriend ko.
 
''Nung mga panahong naghihirap siya, tinext ka niya pero di mo nirereplyan.. Tinatawagan ka rin niya pero di mo sinasagot. Nung mga panahong yon gustong-gusto niyang sabihin sayo pero ano???? Joy mas pinili mong makasama yung mga taong bago mo pa lang nakilala.. Nasasaktan siya everytime iniignore mo mga messages niya sayo. Minsan sasagot ka nga pero puro busy naman ang sinasabi mo.. Alam mo kung anong masakit???? Wala kang time sa kanya, lagi mo pang sinasabing busy ka pero pagcheck namin ng facebook mo, puro picture niyo ng officemates mo na gumala.. Namasyal.. Nasasaktan siya pero di niya sinasabi sayo.. Nasasaktan siya kasi BESTFRIENDS kayo pero binabalewala mo siya pag kasama mo na yang mga kasamahan mo sa trabaho..''
 
Lalo lang akong humagulgol sa pag-iyak ng marinig ko ang mga salitang yun mula kay Joan. Iyak lang ako ng iyak.. Ang laki ng pagkukulang ko sa bestfriend ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na babawi ako pero sa sitwasyon niya ngayon, paano pa ako babawi??
 
''Bb-best..'' nanginginig ang boses ko ng sambitin ko ang salitang yun.
 
''Stop it!!!!! Bestfriend ka ba talaga???? Ako ang tumayong bestfriend sa kanya Joy! Ako ang karamay niya tuwing naghihirap siya sa sakit niya. Ako.. Ako ang kasama niya.. Pero alam mo kung anong masakit??? '' humihikbi si Joan habang sinasabi yon.. Kitang kita ko ang bigat na nararamdaman niya ..
 
''... kahit ako yung nasa t-tabi n-niya..ramdam kong ikaw yung gusto niyang karamay niya. Ako yung nagpuno ng pagkukulang mo Joy!''
 
''i-im sorry...'' mahinahon na paumanhin ko..
 
Pumunta ako sa Nurse station para magpaalam na papasok ako sa ICU. Gusto kong hawakan si best. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong magsorry. Pero bigo ako. Hindi ako pinayagan. Masyado daw maselan si best. Yun pa lang para na akong lutang. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Gusto kong ako ang nasa tabi niya at hindi si Joan. Gusto kong pag-gising niya ako ang una niyang makita.
 
Ilang oras na rin ang nakalipas mula ng dumating ako dito. Dumating na rin galing province ang Mom & Dad ni best. Alam din pala nila ang tungkol sa sakit niya. Alam nilang lahat. Ako lang ang walang kaalam-alam.
 
''Bakit hindi mo sinabi agad best? Bakit?'' muli unti-unti na namang pumatak ang mga luha ko habang nakasilip sa kanya sa may salamin na bintana. Nakita ko rin kung paano umiyak ang parents niya. Kitang kita ko ang sakit na nararamdaman nila. Gusto ko silang i-comfort pero nandoon na si Joan para i-comfort sila. Sa mga oras na ito, pakiramdam ko napakawalang kwenta kong kaibigan. Ako ang bestfriend pero mas close si Joan sa family niya. Ang daya! Ang daya daya! Pero wala na akong magagawa, kasalanan ko din naman yon. Dati lagi niyang sinasabi sa akin na sana makapunta din ako sa kanila para makilala ang pamilya niya. Pero anong ginawa ko? Ang dami kong alibi. Tumanggi ako. Kaya wala akong karapatang magselos sa closeness ni Joan at Parents niya. Natigil ako sa pag-iisip ng lumapit sa akin ang Mom niya.
 
''Ikaw si Joy?'' tanong ng Mommy niya sa akin.
 
''O-opo.. Tita..'' nahihiyang sagot ko.
 
''Ikaw yung lagi niyang kinukwento sa amin na bestfriend niya.'' nakangiting sabi ng Mom niya na halatang nagpapakatatag. Nagpipigil ng luha para magmukhang strong sa harap ko.
 
''Im s-sorry Tita. Hindi ako naging m-mabuting bestfriend sa kanya.'' confess ko
''Lagi niyang sinasabi na ...ikaw ang pinaka the best na bestfriend.'' di ko na naman mapigilan ang sarili ko ng marinig ko ang mga salitang yun mula sa Mommy niya.
 
''Hindi po... Hindi...'' tutol ko
 
Natigil ang usapan namin ng Mom niya ng biglang pumasok sa ICU ang mga nurse at ang Doc siguro yun ni best. Nagmamadali ding pumasok sa loob ang parents ni best at si Joan. Ako? Eto nakatanaw lang mula sa labas. Nanginginig ang tuhod na hindi maihakbang. Pinipilit nilang i-revive si best. Umiiling-iling na rin ang doktor niya. Humahagulgol na rin sa iyak ang parents niya at si Joan. Hanggang sa tumigil na ang doktor sa pagpump sa dibdib niya.
 
''Kailangan niyo na hong ihanda ang mga sarili niyo. Kumakalat na ang cancer cells sa buong katawan ng pasyente. Im sorry.'' sabi ng Doc. Dinig na dinig ko mula sa loob yung sinabing yon ng Doc.
 
Pinilit kong maglakad para makarating sa loob. Pakiramdam ko ang dilim ng paligid. Na parang kaming dalawa lang ni best ang nandito ngayon. Kitang kita ko ang panghihina niya. Kitang kita ko na pilit niyang iminumulat ang mga mata niya. Hinang-hina siya habang hawak ng Mom niya ang kamay niya. Nakita kong ibinaling niya ang tingin niya sa akin. Kumabog na naman ang dibdib ko ng magtama ang tingin namin. Nangingilid ang luha sa mga mata niya pero kitang kita ko pa rin na nakangiti siya.
 
''bbb-be-eest...'' mahinang tawag niya sa akin...
Tumayo ang Mommy niya saka ako inalalayan para makalapit kay best.
''y-yo-uu cc-ame.'' hirap na hirap siya sa pagsasalita. Habol habol niya ang hininga niya. At ako? walang tigil mata kong magpakawala ng luha. iyak lang ako ng iyak.
 
''Nandito na ako best...n-nandito na ako.. Wag k-ka ng m-magsalita.. Magpagaling ka..plsssss...''
 
''Pppls.. D-dont ccrry..'' nakangiting sabi niya..
 
''Ssshhhhhh... magpalakas ka.. Gagala tayo pag malakas ka na.. Ililibre kita ng favorite coffee natin.. Besssst...'' i hold her hand and place it to my cheek.
 
''T-thank yyou f-ffor cc-coming. N-namiss kkitta.........''
 
''i miss you mooree,.. Magpagaling ka na plss.. ''
 
''bbest?''
 
''Shhhh... Be strong.. Kaya mo yan.. Sasamahan na kita lagi... ''
 
''i.....i wwill....mm-miss....yyou...''
Kasabay nun ay ang pagpkit ng mata niya. Isang patak muna ng luha ang pinakawalan niya bago siya mawalan ng hininga.
 
''best! No!! Pls wake up! Best..'' i cried out loud. Tinapik tapik ko ang pisngi niya para magising siya. Pero wala na...... Wala na siya....
 
''im sorrrry....best im sorrry....pls wake up! Plsss... Babawi pa ako.... Best....'' pero di na siya gumigising. Hindi ko na nararamdaman ang init ng hinga niya at tibok ng puso niya. Wala na siya. Wala na ang bestfriend ko. Wala na.....
 
 
Hindi na ako makakabawi sa lahat ng pagkukulang ko. hindi ko na maitatama pa ang maling nagawa ko. wala na siya. Wala na ang taong itinuturing kong kapatid ko. wala na…
 
 
 
End.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TimeWhere stories live. Discover now