walang iba (ONE SHOT)

111 4 0
                                    

Yung kantang walang iba  to.. :)

--------------------------
.
.
.
Ilang beses ng nag away
...

Ilang beses na nga ba tayong nag away? Hindi ko na din siguro mabilang kasi halos wala atang araw na lumipas na hindi tayo nag-away pero siguro may araw din naman na puro lambingan lang.
.
.
.
.
.
Hanggang sa magka sakitan
di na alam ang pinagmulan
...

Parang mga aso't pusa daw tayo. Tayo kasi yung tipo ng couple na ngayon naglalambingan, nagkukulitan, nag-aasaran tapos mamaya maya nag-aaway na. Minsan nga hindi ko na alam kung ano o bakit nga ba tayo nag-aaway kung minsan. Para lang tayong mga timang...
.
.
.
.
.
Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan
...

Pati maliliit na bagay minsan pinag-aawayan na natin. Naaalala ko nga pati yung pagkain ko ng lollipop nun pinag-awayan natin dahil pinapagalitan mo ko dahil kumulay yun sa bibig ko, kulay blue pa naman yun. Nainis ako sayo nun kasi naman pati ba naman sa lollipop magagalit ka pa? Gusto mo share na lang tayo para may karamay ako sa pagiging madungis. :)
.
.
.
.
.
Ngunit kahit na ganito
Madalas na 'di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko
...

Ngunit kahit alam naman nating pareho that our relationship is far from being perfect... Alam kong mahal mo ako at alam ko ding alam mo na mahal kita. Kahit gaano pa kadami ang mga crush ko, mapa artista man o kakilala ko talaga... Kahit madalas tayo mag-away, I will always choose to be with you.
.
.
.
.
.
Chorus:
Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
...

Naaalala mo ba nung nandyan tayo sainyo nun? Nag-aasaran tayo... Tapos pag naaasar na ako ibabato ko sayo yung dala kong payong... Hahaha. Grabr talaga! Tuwang tuwa ka pa nun kahit binabato na kita... Lagi mo akong inaasar dahil natutuwà ka sa reaksyon ko kapag naaasar ako, yung tipong hindi mabubuo ang araw mo ng hindi mo ako bubwisitin. Lagi mo yun sinasabi sa akin eh... Kaya nga pag nag-aasaran tayo kahit napipikon talaga ako pagnakikita kitang tumatawa... Kapag masaya ka...
.
.
.
.
.
Ikaw pa rin ang gusto ko
...

Masaya na din ako... Buo na din ang araw ko. Kaya kahit siguro bwisitin mo ako lagi ikaw pa rin talaga ang gusto ko because just by your simple smile and laughter parang làlo akong naiinlove sayo.
.
.
.
.
.
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
...

Syempre naman hindi mo ako sinasaktan physically! Ay! Subukan mo lang sampalin ako! Nako! Hahaha...

Pero gaya nga ng sabi ko hindi tayo perfect couple, same as hindi ka perfect. Napapaiyak mo ako at times... Nasasaktan, hindi man physically but emotionally oo. Àlam ko namang pareho lang tayo nasasaktan pag nasasaktan mo àko.

Naaalala mo ba yung one time nagselos ka sa kaibigan ko kasi sumama àko sakanila nun nang hindi nagpapaalam sayo... Nagselos ka pa nga nun sa kanya... Sabi mo pa "bakit kasama mo yan!?" Hindi ako makasagot alam kong may mali ako kasi hindi ako nagpaalam. Nung gabi siguro dala na din ng init ng ulo at selos gusto mo makipagbreak. Umiyak ako nun, nasaktan kasi ako sa thought na magbebreak  tayo lalo pa alam kong kasalanan ko... Pero nung umiyak ako naiyak ka din. Hindi mo ako iniwan dahil mahal mo ako...
.
.
.
.
.
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
...

Sinabi ko naman kasi sayo... Kahit siguro sinong gwapo ang ihanay nila sayo hindi kita ipagpapalit. Alam kong mas maraming mas gwapo sayo pero ikaw lang naman ang pinakagwapo sa puso ko... Walang iba. Kahit naman kasama ko yung kaibigan ko, naiisip ko pa din naman na mas okay o mas masaya siguro sa lugar na yun kung ikaw ang kasama ko. Kasi di ba ... Mas masaya pumunta sa magagandang lugar kasama ang mahal mo dahil mas gumaganda ang paligid kapag napapalibutan ng pagmamahal.
.
.
.
.
.
Walang iba...
walang iba
...

At sa akin nararanasan ko yun kapag ikaw ang kasama ko... Kasi ikaw ang mahal ko walang iba.
.
.
.
.
.
Nagsimula sa mga asaran
Hanggang sa magkainitan
Isang eksenang bangayan na naman
Ba't ba kasi pinagpipilitan
Ang hindi maintindihan
Di naman kinakailangan
...

Inaasar ka ng mga kaibigan mo sa dati mong niligawan, nagselos ako... Alam ko namang may pagkaselosa ako pero nagseselos kasi talaga ako. Ang dali kong mapikon pag yan ang asaran gusto mong intindihin ko pero sana maintindihan mo din ako... Pero kung minsan hindi nangyayari yun kaya nag-aaway tayo buti na lang napag-uusapan din natin pagkatapos at nagkakabati din tayo.
.
.
.
.
.
Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko
...

Pero kahit ganito... Kahit kung minsan nagkakaselosan na tayo sa iba àlam ko tayo pa din..
.
.
.
.
.
Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
...

Yung one time, naglakad tayo from school hanggang sa amin... Hindi kaya ganun kalapit ang bahay namin mula sa school pero dahil malakas ang trip natin nun triny natin. Nakalimutan ko nun na may madadaanan tayong overpass eh takot na takot ako sa ganun at alam mo yun kaya nung una torture ka! Tinatako mo ako pero nung nakita mong natatakot na talaga ako hinawakan mo ang kamay ko at kiniss mo ako sa cheeks sabay sabing "i love you" biglang parang nawala lahat ng takot ko nun sino ba namang hindi eh kinilig na ako!
.
.
.
.
.
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba...
walang iba
...

Naaalala mo ba yung one time nasa akin yung mga important papers mo para sa school... Tinanong kita nun kung kailan mo kukunin, alam mo ba kahit simple lang ang sagot mo nun at kahit àlam kong joke lang yun kinilig pa din ako. Paano ba naman kasi sagutin ba daw ako ng ... "Pag kinasal na tayo." Kinilig àko sino ba namang hindi ibig sabihin nakikita mo ding ako na ang future mo... Na wàla ng iba dahil ako na.
.
.
.
.
.
Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
...

Kaya kahit away tayo ng away alam natin na tayo pa din... Kasi love is still over those petty fights.
.
.
.
.
.
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
...

Crying at times doesn't mean to me lalo na kung mas lamang pa din ang happy moments natin.
.
.
.
.
.
Wag ka lang mawawala
Hmm, walang iba
...

Kaya àlam ko nun tayo lang hindi ako mawawala sayo at hindi ka rin mawawala sa akin.

Dahil sa puso natin ay...
.
.
.
.
.
walang iba.
...

At mahal natin ang isa't isa.
.
.
.
.
.
.
Pero hindi pala...

Dahil ngayon lahat ng ito ay naaalala ko na lang ...

Kasi ngayon mayroon ka ng iba. At masaya ka na sa piling ng iba.

Naalala mo pa ba àng panahong tayo pa lang at wala pang iba?

----------------

:) done!

Walang IbaWhere stories live. Discover now