Sigaw: Jinesa Case

2 0 0
                                    

Kumusta? Ako nga pala si Pablo, pinuno ng samahan ng mga nanlulusig sa mga demonyo sa bansang Pilipinas. Marami na tayong narinig na kwento ng mga banyaga na lumalaban sa kampon ng kasamaan, pero ano paano naman sa ating bersyon?

Hindi kami gumagamit ng agimat, anting-anting o mga salmangka dahil ito ay mga gamit din mga kasamaan.

Kami ay mga eksperto na tinalaga ng simbahan, at ang samahan na ito ay nagsimula pa nung panahon ng mga espanyol.

Hindi kami kilalang bayani tulad ni Jose Rizal at Andres Bonifacio, sikreto ang aming organisasyon, at ilan lang sa miyembro ng simbahang katoliko ang may alam nito

Bakit? Simple lamang, upang maging proteksyon laban sa mga demonyo. May ilang miyembro kami na may pamilya, gaya ng mga normal na tao, kaya ang pagiging sikreto nito ay kinakailangan upang maprotektahan sila.

Hating gabi ng magpunta kami ng mga kasamahan ko sa isang lumang gusali, base sa mga dokumeto, isa itong lumang hotel ng mga banyagang European.

"Pinunong Pablo, base sa lokal, ito ay tanyag na hotel ng mga kilalang tao sa europa. Base sa kwento ng Barangay Tanod, dalawang daang taon na itong nakatayo, dito sa probinsya ng Pampanga. At nasa datos na rin na nasa 666 na tao ang napatay dito, mapa trabahador man o mga parokyano. May mga natala ring mga pari at madre na namatay na mula sa espanya."

"Magaling Lukas, nakumpirma niyo rin ba kung ito at kagagawan ng isang demonyo?"

Kung ito at gawa ng isang tao na kabilang sa mga sumasamba sa demonyo, ay tatawag kami ng Pari upang basbasan ang hotel na ito upang matahimik na ang mga kaluluwa ng mga yumao, mahigit labing limang taon na rin ang lumipas mula nung mangyari ito. At kung ito man ay kagagawan ng isang demonyo na sumanib ng isang tao, kailangan namin itong maipabalik sa impyerno upang di na makapahamak ng buhay ng tao.

"Base po sa itinala sa amin ng simbahan, may isang babae ang nawawala sa bayang ito, Jinesa Edosor Carpio ang pangalan nito. Kilala ang babae sa tawag na Jin. Isang buwan na nung ito ay huling nakita ng pamilya at mga kakilala nito. Nasabi lang na ito ay bibili ng mga sangkap sa kabilang bayan para sa kaarawan ng lola nito, at dito nga nasabing dumaan si Jin, sabi ng mga huling nakakita sa kanya." Tala ni Lukas.

"Magaling Lukas."

Ako, at aking mga kasamahan na sina, Lukas na mahusay sa pagkalap ng impormasyon, si Simeon na may malawak na kaalaman sa mga kagamitan at artepakto na panlaban sa mga demonyo, at si Theodore na pinaka bago sa aming pangkat ngunit kamangha mangha si Theodore, isang taon palang siya sa pangkat ngunit marami na agad na napatunayan, tunay na mayroong matapang na puso na dapat ay isang katangian ng isang Kabalyero ng Diyos. Ang simbahan ay may mga ministro, at ang tawag sa ministro namin ay Knights of the Black Veil. Hindi kami pari o isa g uri nito, kami ay ministro na binasbasan ng simbahan upang tumulong sa paglusig ng mga demonyo sa mundo. Hindi kami nag-susuot ng mga kasuotan ng mga kaparian, o magarbong kasuotan na makakaakit ng mata ng tao, kami rin ay hindi maaring sumali sa ibang ministro ng simbahan, gaya ng mga koro at sakristan.Upang proteksyon sa amin at sa ministro na masasalihan namin. Hindi lang naman kami ang nag-iisang ministro sa mundo, marami at may kanya kanyang tawag din. Isa lang kaming maliit na organisasyon na kabilang sa simbahan.

Ngunit kahit ganun pa man, ang ministro namin ang nangunguna sa bansang Pilipinas. Wala saming mataas o mababa, lahat ay pantay-pantay, nangyari lamang na ang ministro namin ang may malaking kontribusyon sa mga dumaang taon.

"Ano ba ang itsura ni Jinesa?" Tanong ni Theodore.

"Base sa pamilya nito, si Jinesa ay isang magandang babae na may mahabang buhok na hanggang likod nito, may maamong mukha, itim ang mata nito, matangos ang ilong, maliit na tenga, mapungay na mata, mapulang labi, at makinis na balat. Morena si Jinesa at kung makikita mo ito, mapagkakamalan mo siyang isang aktres sa tanghalan sa siyudad ng Maynila." Paliwanag ni Lukas.

SigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon