Pano naman ako?

621 29 7
                                    

Kung saan nahulog na si Vee sa iba at walang magawa si Wise.

Wise: Andito ako ngayon sa ilalim ng puno kung saan lagi naming tambayan ni Vee. Balak ko sanang aminin yung matagal ko ng nararamdaman sakanya. Hindi ko kasi maamin sakanya dati kasi natatakot pa ako pero ngayon... Handa na ako...  *chineck yung relo ko*  San na ba yun?

Vee: Uy Wise!

Wise: Vee! *Yinakap si Vee*

Vee: Tyanga pala sinama ko si David. *Pinakita si David*

Wise: *Nagtataka*  David?

David: Uyy pre! Kamusta!

Wise: O-Okay lang! *Tinignan si Vee*

Vee: Uhm babe, usap lang kami saglit ni Wise.

Wise: *Nagulat*

David: AH sige.

Humiwalay sina Wise at Vee kay David para makapag usap.

Walang umimik nung magkasama na sila parehas lang sila naka tingin sa mga paa nila walang gustong mag salita. Hanggang sa nagsalita na si Vee.

Vee: U-Uhmmm bakit mo nga pala ako tin---

Wise: Babe?

Vee: Huh?

Wise: Tama ba yung narinig ko? Tinawag mo syang babe?

Vee: ......

Di alam ni Wise kung ano sasabihin nya ngayon kay Vee ngayon at nalaman nya na hindi na pwede mapasakanya yung taong mahal nya.

Vee: Wise---

Wise: S-sabi mo wala kang nararamdaman para sakanya. Nung tinanong kita kung may pag asa ba sya sayo dali dali kong sinagot na wala! Tas ngayon boyfriend mo na yung tukmol nayon?!

Vee: Wise mahabang istorya! Bakita kaba nag kakaganyan?!

Wise: Wala! Congrats nalang!

Aalis na sana si Wise kaso hinawakan ni Vee ang kamay nya at hinila sya para mag harap sila uli.

Vee: Wise please naman! Kausapin mo ako ng maayos. Bakit ba ayaw mo sakanya? Ano bang kinaayawan mo sakanya?

Wise: Kasi hindi kayo bagay!

Vee: Yun lang? Yun lang dahilan mo kung ayaw mo sakanya?? Wise wala na akom pake if we look good together! Ang importante mahal namin isa't isa!

Wise: Eh Pano naman ako?!

Vee: *Nagulat* A-Ano?

Wise: Pano naman ako na laging nandito sa tabi mo nung kailangan mo ng may masasandalan? Pano naman ako na palagi mong kasama? Pano naman ako na kasama mo na mag desisyon sa buhay?

Vee: Wise...

Wise: Pano naman ako na nahulog na sayo!

Nagulat si Vee sa biglaang pag amin ni Wise sakanya. Di nya alam kung anong sasabihin nya o anong pwede nyang sabihin sa sobrang gulat.

Hinawakan ni Wise ang mukha ni Vee at nag tinginan ang dalawa.

Wise: Pero ngayon kailangan ko ng kalimutan lahat Yun kasi meron ka na... At hinding hindi ko ipagkakait Yun sayo Vee mahal na mahak kita... at kung sya lang yung taong mag bibigay sayo ng kaligayahan na deserve mo handa akong mag paraya... Kasi Yun yung deserve mo.

Vee: Ayoko na mawala ka...

Wise: Di ako mawawala Vee... kaibigan mo parin ako diba?

Sabi ni Wise ng naka ngiti pero umiiyak na sya sa loob.

Wise: Sige una na ako. Congrats nalang ulit....

VEEWISE ONE SHOTS Where stories live. Discover now