Chapter 28: LIFE IN PROVINCE PT. 3

8 4 0
                                    

Raven Briar Martinez's POV

"Pa, unsa ang mga pwede nato anihon?" tanong ni mama kay lolo.
(Pa, ano dito ang pwede na nating anihin?)

Sana naman pwede maani yung langka.

Gustong-gusto kong makakain ulit nun.

"Kaning Camote, Balanghoy, ug Langka nak" sagot ni lolo.
(Itong Kamote, Kamoteng Kahoy, at Langka)

Yun oh!

"Yes!" sigaw ko dahil sa tuwa.

"Tuwang - tuwa ah ria. Ako ang unang kukuha ng langka. Hindi kita bibigyan" pang-aasar ni kuya sakin.

Epal talaga tssk.

"Kukuha na lang ako ng sakin"

Inirapan ko siya.

Kala ba niya. Hindi ako nakakaayat ng puno?

Unggoy kaya ako sa past life ko HAHAHA.

"Tama na ang away. Magsimula na tayo kumuha ng aanihin para makauwi tayo ng maaga" saway ni mama samin.

Sinamaan ko ng tingin si Kuya at pumunta sa gusto kong kunin.

Syempre yung Langka.

Aakyat na ako.

Medyo mataas na ang puno kaysa dati.

"Baba ka diyan, raven baka mahulog ka" narinig kong may nagsalita.

"Kukunin ko lang yung bunga. Bababa na ako. Kapag ako nahulog, nandiyan ka naman para saluhin ako diba?"

"Sure" nakangiting sabi ni Anwyll sakin.

Iba ata pagkakaintindi niya sa sinabi ko.

"Ang ibig kong sabihin, saluhin mo ako kapag nahulog ako sa puno tssk. Wag ka ngang ngumiti diyan baka mas lalo pa akong mahulog sa-- ay este ang pangit tingnan"

Nahihiya ako sa nasabi ko huhu.

Kunin ko na nga lang yung bunga.

Ayun, nakuha ko na.

Bababa na ako.

Pero paano?

Alam kong umakyat pero bumaba.

Hindi.

Ano bang naisip ko bakit umakyat ako?

"Ah-eh anwyll, pwede mo ba akong alalayan pababa?" nahihiyang pakiusap ko sakaniya.

Natawa siya sa biglaan kong pakiusap.

"Hindi ka marunong bumaba no?"

"Oo kaya tulungan mo na ako" sabi ko at inilahad kamay ko para mahawakan niya kapag bababa na ako.

Inabot niya kamay ko.

Inalalayan niya na ako.

Dahan - dahan akong bumaba hanggang makababa na ako ng tuluyan.

Safe hays.

"Thank you" pasasalamat ko sakaniya.

"You're welcome, raven" ngiting-ngiti niyang sabi.

"Tara na. Gusto ko nang kumain ng langka"  kinalakad ko siya habang magkahawak pa rin kami ng kamay.

Ano?! Dun ko lang narealize na magkahawak pa rin kami ng kamay.

Una akong bumitaw sa pagkakahawak.

"G-gusto mo pa bang tumulong mag-ani? Punta ka lang kina mama. D-dun muna ako sa kubo namin" utal kong sabi at nagwalk - out.

CAN YOU HEAR MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon