Prologue

20 1 0
                                    

"I don't believe in destiny, Mister."

Hindi ko talaga alam kung ano ba ang trip nito sa akin dahil hindi ko naman makitang nagbibiro s'ya. Nakakairita at nakakailang s'ya. Hindi ko sigurado kung may tama ba ito o masyado lang talagang bihasa sa pakikipagbolahan sa mga babae. And idagdag pa yung smell n'ya, smells like whiskey with burned plastic na may herbal extract. Weird talaga.

"You should believe now."

Masyado s'yang mapilit, gusto ko nang manampal. Kung hindi lang talaga kami nasa public ay baka na-sample-an ko na 'to. I tried to look nice and calm although it feels so uncomfortable. Para naman hindi nya masabi na masyado akong mataray. Mataray ako, oo, pero ayoko naman na mataray lang yung sinasabi sa akin ng ibang tao. Mabait naman ako, pili nga lang yung pinakikitunguhan ko ng gano'n.

Katulad na lang ng isang 'to. Hindi ko s'ya kilalang-kilala kaya kailangan ko pa rin s'yang itrato ng maayos. Kahit pa sobra s'yang nakakailang. Yung way kasi ng pagtingin n'ya sa akin, hindi ko ma-explain. Nakakailang dahil titig na titig s'ya sa mga mata ko habang hinihintay ang susunod kong bwelta sa sinabi nya.

"Para sa akin, nasa 'yo kung ano ang mangyayari sa future mo. Bawat desisyon o pagpapasya na gagawin mo ay isang hakbang sa daang tinatahak mo papunta sa kinabukasan na pipiliin mo. Hindi ako naniniwala na ang mga nangyayari ay nakaplano na."

Tumango-tango naman ito at mukhang naiintindihan naman n'ya ang sinabi ko. Ine-expect kong hindi n'ya maiintindihan since I'm a bit hesitant about his consciousness. Malakas ang kutob kong adik talaga 'tong lalaking 'to, eh. Medyo kinakabahan na rin ako dahil sa discomfort na dala n'ya. Matiim s'yang nakatingin sa akin at hinihintay lang ang sasabihin ko. 

"Kung nakatadhanang yumaman ako, eh, di hihiga na lang ako. Tutal, yayaman naman pala ako, eh. Bakit pa ako magpapagod kung doon din naman pala ang punta ko. Pero, siyempre, imposible naman 'yon. Hindi ako yayaman sa pahiga-higa lang. Kaya ako ang magpapasya kung maganda o miserableng kinabukasan ba ang magiging kapalaran ko."

Hindi ko maiwasang ipakita ang pagkairita ko dahil sa haba ng sinabi ko, tango lang siya ng tango pero walang reaksyon ang mukha niya. Walang pahiwatig kung nakuha n'ya ba ang gusto kong sabihin at napapahiya sya. O ayaw nya lang talaga ako intindihin dahil for sure, ipipilit n'ya pa rin ang destiny-blah-blah-blah niya. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag pa sa isang 'to? Ay ewan!

Isang buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago sagutin ang kilay kong naka-arko na. Naghahamon na sagutin ang mahabang speech na sinabi ko.

"That's not what I mean. Ang ibig kong sabihin ay nakatadhana tayong dalawa para sa isa't isa. Ikaw.. at ako.. tayo. Magiging akin ka at mapapasa'yo ako. I know it's destiny who brought us here. I really believe that you're the one for me. I really do."

And for the first time in the past 2 weeks of him stalking me, I saw his smile. Sweet smile, to be exact. Oh no, it was gorgeous. Even if I don't want to, I must admit that it was the most handsome smile I'd ever seen. Saglit akong natulala pero nakabawi rin agad. Pinaikot ko ang paningin at mataray muling sumagot.

"Ah, gano'n ba? Well, I don't. So, if you don't mind, you can go away na. Please, leave me alone, Mr. Stranger. Hindi ko gustong makipag-debate pa sa 'yo tungkol sa desti-destiny mo."

Tinitigan n'ya pa muna ako ng ilan pang mga segundo bago ito ngumisi sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa lakas ng dating niyon. I can feel my cheeks burning. Wait, am I blushing? Like, what the hell is happening on me? I should remain natural but rugged.

Tinignan ko ulit sya at tinaasan ng kilay nang makitang hindi pa rin siya kumikilos. Ang kanina nyang ngisi ay unti-unting naging nakakalokong ngiti. Yung talagang pag-iisipan mo ng masama. Yung unang kita mo pa lang, alam mo nang may hindi magandang gagawin. Nangunot ang noo ko sa nakita.

And without a single word, he left.

Unfortunately, It's YouWhere stories live. Discover now