Chapter 08: I'm Your Boy

3 2 0
                                        

SEIRI GRAGNE
    "Aray, Seiri!" Sigaw ni Calix ng dumiin ang kuko ko sa kamay n'ya for the fifth time.

Ngayon idi-display sa mall ang mga litrato namin na kinuha noong photoshoot. Dahil sa tatlong lalaki ay napilitan akong palitan ang female model.

Sa sobrang kaba ay inoffer kanina ni Calix ang kamay n'ya para hawakan ko daw pero bumabaon ang kuko ko sa kamay n'ya.

"I shouldn't have offered my hand to you. Look, ilang marka na ang naiwan," sabi n'ya habang nagda-drive.

"It's Aster's fault! Pina-inom n'ya ako ng matapang na kape, my heart's palpitating!"

"It's also your fault! I would've been confident kung photographer lang but you made me model it!" Dagdag ko.

"I made you? So the other two guys didn't convinced you but I did?" Tanong ni Calix at tumango naman ako.

"Kaunti na lang talaga at iisipin kong crush mo ako, Seiri," sabi n'ya dahilan para dumiretso sa buhok n'ya ang kamay ko at hinila iyon.

"Oh, shit! Mabubunggo tayo!" He exclaimed.

"Crush? Ewan ko sa'yo, Calix. Dapat bang ligawan na kita?"

He turned to me and smiled widely.

"Sure! I'll expect flowers, chocolates and a teddy bear on my door tomorrow. Write 'secret admirer' para hindi ko mahalatang galing talaga sa'yo 'yon," sabi n'ya.

"On your door? I don't even know where you live," sagot ko.

"You wanna know where?" Tanong n'ya at nagtaas-baba ng kilay. Sinabunutan ko ulit s'ya na agad naman n'yang inalis.

"I'm being mistreated here," buntong hininga n'ya. "You know what? Since I made you the model, you can come to my place tomorrow. And today..."

"Today, what?" Tanong ko.

"I'm your boy," sagot n'ya. "Boyfriend or boy friend. Whatever you like."

"Ay, hindi pa ba kita boyfriend?" Kunwari ay inosenteng tanong ko.

"Ano ka? Gold?" Balik na tanong n'ya dahilan para masabunutan ko ulit s'ya ng pangatlong beses.

"Malalagasan ako ng buhok sa'yo, Seiri," reklamo n'ya.

"Deserve."

Pagkarating sa mall ay tumambad agad sa amin ang mukha naming dalawa. Kahit sa parking lot ay tinignan kami ng mga tao paminsan-minsan.

Yes, people! Kami ang maganda at poging mga nilalang na makikita n'yo taga lingon sa mall!

"Where should we go first? Libre lahat ang gagastusin natin ngayon. Ang CEO daw ang bahala," tanong n'ya ng makapasok kami.

"Tim Hortons!" I exclaimed and snaked my arms on his to pull him.

Pumwesto kami sa mga couches kung saan makikita ang skating rink.

"What's your order, madam?" Tanong ni Calix at tumayo.

"P'wede ba mag-request sakanila kung p'wede ubusin lahat ng cookies?" Tanong ko.

"Are you that hungry? Hindi ka ba kumain ng breakfast?"

Tumango naman ako sa tanong n'ya.

After a few minutes, he came back with 2 bowls full of cookies, nutella pastry pockets, beef grilled cheese, pumpkin spice filled muffin and 2 hot choco.

"Kaya mong ubusin 'yan?" Tanong ko pero umiling s'ya.

"It's for you," sabi n'ya at kinuha lang ang pastry pockets at hot choco n'ya.

4EVERWhere stories live. Discover now