I looked at my side where the man just seated next to me. Tinignan ko siya at agad ko din naman ibinalik ang mata sa binabasang libro. Ang sikip talaga dito sa jeep. Ewan ko ba kay manong kung bakit pinipilit pa rin kahit hindi na kasya, hindi na pwede, dahil puno na nga.
I stopped reading when i felt his gaze. Is there a dirt on my face? Tinignan ko siya pabalik at nagtagpo ang mga mata namin. Nagulat pa siya ng konti bago nagiwas ng tingin. Ako naman ay parang sing pula ng kamatis. Ramdam na ramdam ko ang init sa aking pisnge. Ang gwapo!
Bakit kaya kapag may itsura ay parang bigla tayong nahuhulog? Likas na siguro sa atin ang ma attract. Kasi nga opposite attracts gaya namin. Gwapo siya, Pa-hindi naman ako pangit ah!?
Napatigil ako sa pakikipagusap sa aking sarili at binaba ko ang libro ko ng bigla niyang sabihan si manong na baba na siya. Ay, ganoon lang kadali? Medyo na disappoint ako sa part na 'yon. Akala ko sabay kaming bababa.
~•~
It's been a week since that incident Happened. Pero hindi ko pa din malimutan ang napakagwapo niyang mukha. Moreno siya, matangkad, halos mauntog nga sa jeep. Ang ganda ng mata niyang light brown, may matangos na ilong at kilay na... Kilay na gaya ng lalaking nasa harap ko ngayon!
"ah miss, pwede na ba akong makadaan?" sabi ng mannequin...este lalaki.
Kanina pa naka kunot ang kaniyang noo at ang kilay niya ay nagtagpo. Sana all, pinagtatagpo!
Napakurap ako ng bigla siyang kumaway sa harap ng aking mukha.
"hello!? " inis niyang ani.
"ha?" tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan.
Napatingin ako sa paligid ng may marinig akong bulungan at nagulat.
"mukhang siya yung transferee? "
"oo, balita ko magaling mag basketball yan!"
"oh my! Ang gwapo naman"
"sheeet! Baka hiwalayan ko na boyfriend ko mamaya"
"sana kaklase natin siya, mukhang mabait at sobrang gwapo pa!"
"iwww. Tignan niyo si Olivia, pati transferee nilalandi."
Rinig Kong bulungan nila ngunit ang panghuli ang nagpagising sa akin. Agad akong napa ayos ng tayo at tumabi sa gilid.
Maka 'malandi' naman ang babaeng 'yon parang di niya gawain. I ignored them, slightly embarrassed. Mukhang narinig kasi ni gwapo!
Nagkatinginin kami ni gwapo ng biglang mag ring ang bell. Binawi ko ang tingin ko sa kaniya at agad na tumakbo papunta sa room ko. That was the second bell of the day. Una sa flag ceremony and next is para magsimula na ang lahat ng klase. That's the academys rule.
I prepared my book for today and fixed myself. Agad namang dumating ang teacher namin. Napatingin ako sa gawi ng pinto ng may sinenyas siya sa tao dito.
"Good morning class!" Mrs. Rote said and we all responded.
"Good Morning, Mrs. Rote!"
"hmm... Meet your new classmate. Come here, ijo! "
Lahat naman kami ng kaklase ko ay tumingin sa bagong kaklase raw namin. Kung kanina ay hindi ko makita ang tao malapit sa pinto, ngayon, kitang kita ko na. Yung Gwapong nakasabay ko sa jeep na nakatagpo ko ngayon!
Nakapamulsa siya at wala man lang ngiti sa labi. He looks serious like always. Wow! Always? I've only seen him twice!
"what's your name nga ijo?"
BINABASA MO ANG
Valentines Kiss
Teen FictionOlivia Cordoba likes Gustavo Del Rio but he likes someone else. or that was what she thought until that one fateful day. -a Valentines special/one-shot