Almost

16 2 0
                                    


Isa sa paborito kong lugar sa unibersidad na 'to ay itong plaza. Ito ay may malaking open space sa gitna at napapaligiran ng mga upuan at lamesa sa mga ilalim ng puno. Matatayog at matataas ang mga ito kung kaya't malamig ang simoy ng hangin. Nakaka-relax. Isa rin sa nagpapaganda sa lugar ay ang mga magagandang halaman, na mabuti na nga lang ay hindi flowering plants ang mga ito. May pollen allergy kasi ako, kung nagkataon, bawal ako tumambay sa napakagandang lugar na 'to. Dahil dito, masasabi kong ito ang perfect tambayan para sa mga masisipag na mag-aaral tulad ko (Char!). 

Alas singko pa kasi ang susunod kong klase at inaantay ko si Nayla para sabay na kaming umakyat mamaya. May inaasikaso kasi siya sa labas ng university para sa events namin next month. Isang oras na akong nakatambay dito at isang oras pa bago muling magsimula ang klase. Nakapalumbaba lamang ako at iniwan kong bukas ang mga libro ko para naman kunyari may naintindihan ako sa inaral ko.

Napabuntong-hininga ako, nakakapagod mag-aral, kahit nakalimang breaktime ata ako. Pinagmamasdan ko ang mga tao dito sa plaza. May naglalaro ng badminton at soccer sa may open space. Ang mga estudyante namang nakaupo sa mga upuan ay kung hindi kumakain, mga nag-aaral. Teka lang, ako lang pala ang mag-isa dito???

"Ay anak ka ng tinapa!"

Nakarinig ako nang mala-demonyong tawa sa likod ko na tila tuwang-tuwa sa reaksiyon ko.

"Sorry na! Ang lalim kasi ng iniisip mo, e. Masakit ba?" Sabi ni Nayla habang natatawa tawa pa. Sino ba namang hindi masasaktan sa ginawa niya? Dahil sa paghampas niya sa braso ko, muntik ko nang maisubsob ang mukha ko sa lamesa.

"Ay hindi po! Hindi ako nasaktan, gusto mo bang i-try ko sa'yo?" Sabay irap sa kanya.

Mas natawa lamang siya sa reaksiyon ko at naupo sa bakanteng upuan sa harap ko. "Hulaan ko iniisip mo, si Tyler 'no?"

"What? Are you out of your mind? Bakit ko naman iisipin 'yung lalaking 'yon?" Taas-kilay kong tanong sa kanya.

"Defensive mo naman ate, hinulaan ko lang naman. Malay mo nag-iisip ka na naman ng bagong prank para kay Ty." Natatawa niyang sagot.

"Ako? Sa bait kong 'to, bakit ako gaganti? Pero kung nag-iisip nga ako, tutulungan mo ba ako?" Bigla siyang ngumiwi at binaling ang atensiyon sa isa kong libro at nagbasa na. Tignan mo 'to!

Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakaganti kay Tyler, lintik na 'yon! Lakas ng tama! Binigyan ba naman ako ng bulaklak kahapon kahit alam niyang allergic ako do'n! Nakakaasar! Hindi tuloy ako nakapasok ng last class. Hindi ko alam kung anong nakain niya pero mag-iisang taon niya na akong binabalasubas. Maloko naman talaga si Tyler pero ibang-iba 'yung pagiging maloko niya pagdating sa akin. Literal na nakakasira ng araw. Kung hindi lang kami magkakaibigan nila Nayla, baka matagal ko na siyang nasapak.

Three of us are really friends. Si Nayla, neutral lang, walang kinakampihan sa aming dalawa basta ay magkakaibigan pa rin kami. Siya kasi 'yung 'nanay' sa aming tatlo, kaya madalas siya ang taga-saway kapag sumosobra na kami sa isa't isa. Si Tyler naman, mabait naman, pero sobrang maloko.

Nag-browse na lang ako ng social media sa cellphone ko. Pinalipas ko ang oras ko sa pag-scroll sa Facebook at natigilan ako nang makita ko ang isang post ng nagngangalang Kyle Justin Chavez.

Kyle Justin Chavez

13:32 August 25, 2022

And suddenly, all about is you.

*image*

"Who is this?"

"Huh? Sino?" Kunot-noong tanong ni Nayla na napatigil sa binabasa niyang libro.

AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon