"po?!"


Halos mapatayo ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi ni mama


"Kailangan mong mag-aral anak, ie enroll kita sa isa sa mga skwelahan dito pero kailangan mong mag adjust,hindi naman pwedeng hindi ka mag aral, pano na ang future mo?"aniya, Iniwan ako ni Mama na nakatonganga habang siya ay pumunta sa taas para mag bihis.



Dinidevelop pa ng utak ko ang sinabi ni mama.




Pano ako mag aaral eh hindi ko sila maintindihan! Alangan naman mag tagalog sila na tanging ako lang ang tagalog sa klase?!


Bumaba ako papunta sa sapa dala ang iilan sa mga librong binabasa ko at pinuntahan ang punong pinuntahan namin ni lola bago siya namatay. Pagdating ko ay umupo ako sa ilalim nito at nagsimulang magbasa.



"tsk.... That story is a trash"



Napatayo ako sa gulat nang may nagsalita sa, hinanap ko ang pinaggagalingan ng boses pero hindi ko ito mahanap.



Napahawak ako sa puso ko.



Minumulta ba ako?! Omg!!!! Lola?!



"look up,Trelós"



Rinig kong utos nito kaya itinaas ko ang ulo ko at nakita ang isang lalakeng komportable ang upo sa sanga ng puno habang nakalagay ang mga braso sa dibdib nito, walang buhay na tumingin ang kanyang mga mata saakin ako naman ay tinaasan siya ng kilay. Nakasuot siya ng brown na polo shirt at faded jeans at puting sapatos.



"Paano mo nalaman ang lugar na ito? Ang alam ko ay kami lang ng lola ko ang nakakaalam ng lugar na ito"


ngumiwi siya bago nagsalita.



"hindi lang kayo ng lola mo ang may alam ng lugar na ito, hindi lang din kayo ng lola mo ang mga tao sa Mundo" Malamig na sagot niya.



Sungit.



"bakit ka ba nandito?" mataray din na tanong ko. Imbis na sagutin ako ay inilagay niya ang index finger niya sa gitna ng nakasirado niyang labi na ikinakunot ng noo ko.



Pinagmasdan ko ang muka niya, ang tangos ng ilong niya, at ang pula ng labi. Mas lalong ikinagwapo niya ang eyeglasses na suot niya.



Naibalik ako sa realidad nang magsalita ito.


"are you done staring?"


Akala ko tulog.



Iniikot ikot ko ang paningin ko sabay kagat ng labi ko.



"assuming, nakapikit naman" mahinang sabi ko pero narinig niya ito at tumawa ng mahina.




"sanay na akong titigan ng mga babaeng katulad mo"



Tinignan ko siya ng nandidiring expression sa aking muka.



"kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo, bahala ka nanga jan" Kinuha ko ang mga libro ko at padjak padjak na umalis sa lugar na iyon, narinig ko pa ang tawa niya na maslalong ikinainis ko.





Pilingero! Akala mo naman gwapo!





Ilang araw ang lumipas, hindi na muna ako bumalik sa lugar na iyon dahil ayokong makita ang pagmumuka nung lalakeng feeling gwapo, ahhh lagyan ko kaya siya ng Code name ahmmmmmmmmmm.


Browni! Ay parang aso ahmmmmmmmmmmmmmm



Mr. Coldie


Kasi Malamig siya magsalita. Sige Mr. Coldie nalang, kapag nagkita kami Mr. Coldie na tawag ko sakanya.



CrescentWhere stories live. Discover now