KABANATA 2

24 5 0
                                    


Buong magdamag akong umiyak. Tila ba binuhos ko ang lahat ng mga kinimkim kong emosyon sa mga nagdaang taon. Napagod ang tanging dahilan kung bakit nakatulog nalang at noong sumapit ang sumunod na araw ay nagising dahil sa katok sa pintuan.

"Ms. Sylvan!?"

Sandali pa akong tumitig muna sa doorknob bago pinihit iyon pabukas. Bumungad sa akin ang isang mid 40's na babae na mukhang staff ng Academy dahil sa suot nitong navy blue na overall uniform. May dala-dala itong malaking kahon.

"Galing ito sa Ballet Committee. Costume para sa role mo mamaya sa recital," saad nito at pumasok sa kuwarto ko para ilapag sa mesa ang kahon, nag paalam rin naman ito agad at lumabas at umalis na.

Bumaling ako sa kahon at ilang minuto pa itong tinitigan. Lumapit ako roon at dahan-dahan na binuksan ang kahon. Isang white swan tutu ang naroon kasama ang isang pares na puting ballet shoes. Pinagmasdan ko lamang iyon.

Pumikit ako ng mariin at lumayo roon. Binuksan ang pinto at may kabang lumabas ng kuwarto.

Naka puting bestidang pantulog, magulo ang mahabang buhok at walang sapin sa paa na nagsimulang maglakad.

I gulped the cold bile while trying to digest all the things I am seeing right now. The hallway seems to be unfamiliar yet familiar. Like the memories of this body and mine are slowly going to combine.

The cold floor and the bustling noise of the giggling girls reverberate to my ears while walking on the hallway.

Jane. Cindy. Carmen. Lora...

I gulped at the realization that I know their names... this body knew them.

Huminto ako noong nakalabas ako sa dormitory. Naaninag ko pa ang sign na "GIRLS DANCE DORMITORY" sa taas ng pinto. Inikot ko ang paningin sa kabuuan. Malawak at maganda ang buong istilo ng eskwelahan.

At sa bawat natatanaw na gusali ay kaya kong ibigay ang pangalan nito. Dahil lahat iyon ay alam ng katawan na ito.

Ang katawan na ngayon ay nasa akin na...

Halos mapatalon ako noong may humawak sa balikat ko. Mabilis kong nilingon ito. Isang babaeng naka uniform ng Maroon na may maikling buhok at bangs ang nasa harap ko ngayon.

"Geez," aniya nang makitang nagulat ako sa kaniya, "What's wrong with you today, Trista?"

Nanatili ang tingin ko dito, ngayon ay kumalma na.

"Leah." That came out naturally from me. Like I just knew her automatically. Tumaas ang kilay nito at ngumiwi noong makita ang kabuuan ko.

"Hinimatay ka raw kahapon sa Cafeteria noong natulak ka nang sophomore mula sa Art Building. Sabi ni Holly since ayaw mo sa Infirmary dinala ka nalang sa kuwarto mo rito noong matignan ka ni Nurse Jen. Okay ka na ba? Wala ka kasi sa rehearsal kagabi."

Tumango nalang ako rito at nag-iwas ng tingin. Hindi yata nito napansin iyon dahil nagpatuloy ito sa mga sinasabi.

"Well, alam ko namang sinugod mo iyong si Susannah sa Cafeteria since usap-usapan na nagbigay ito ng love letter kay Pres. Ngayon ang balita naman ay may isang katulad nating senior mula sa Music Building ang umano'y umamin na may gusto ito kay Pres!"

Hindi ko na masyadong naririnig iyong sinasabi nito dahil sa kasalukuyan kong tinititigan. Ilang pumpkin decorations ang namamataan ko sa hindi kalayuan.

Pumpkins? Halloween?

"Like sinasabi ko na sa iyo, Tris, gigil na gigil ako dun sa babaeng scholar na iyon—"

"—Anong araw ngayon?!"

"What...?"

Pinutol ko mula sa mga sinasabi niya itong si Leah para itanong iyon. Naguguluhang tumingin ito sa akin bago magsalita. Tinuturo ko naman ang mga decorations na nakikita.

"October 25? Sa linggo iyong Halloween Party? Have you really forgotten that? Are you still sick?"

Nanlalaki ang mga matang bumaling ako rito.

'Tanghali noong Nobyembre 25 dinala ng Principal ang alaga nitong tuta nasi Crowley sa office nito. Tila ba may sakit ito dahil namumula ang mga mata at hindi mapakali sa cage nito noong makita ito ni Trista Sylvan na dumalaw sa Principal Office para magreklamo dahil sa isang iskolar na nais nitong makick out sa Ruedard Academy. Nilapitan ito ni Trista at sa mabilis na pangyayari ay nakagat nito ang dalaga...'

Natutop ko ang bibig noong mapagtanto na isang buwan mula ngayon... Mangyayari ang outbreak!!!

****

SCHOOL OF THE DEADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon