CHAPTER 1HALOS hindi makahinga ng maayos si Emily dahil sa abot langit na kaba na nararamdaman. Kung maayos lang sanang magpasweldo ang dati niyang boss ay hindi siya magre-resign sa kompanyang yun.
Pero sadyang sinasagad talaga ng dating boss ang pasensya niya ng tangkain siya nitong gahasain. Kaya agad siyang nagresign dahil dun. Halos isang buwan na rin siyang walang trabaho, dumagdag pa ang hindi pagtangkilik ng tao sa nobela niya.
Napabuntong hininga na lang siya at nananalangin na sana ay makuha sa kompanya na kinakatayuan niya. Isa pa naman sa kilalang kompanya ang Vellarde Publishing Company sa Asya at Europa.
"Ms. Emilia Gabrielle Sandoval!"
Agad siyang napatayo dahil sa biglang pagtawag sa kanya ng secretarya ng gusali.Huminga siya ng malalim bago humakbang papasok sa opisina ng future boss niya kung papalarin.
"Don't worry,Ms. Sandoval. Hindi nangangain si Mr. Vellarde. Chin up, be confident." Napangiti naman siya sa sinabi ng secretarya nito. Gumaan tuloy ng konti ang pakiramdam niya dahil sa sinabi nito.
"Go, impress him." "Thank you," nang pihitin niya pabukas ang pinto ay agad na bumungad sa kanya ang magarang opisina nito. Namamanghang inilibot niya ang mata at umikot ikot pa siya para pagmasdan ang elegante pero simple nitong ayos.
Napatigil lang siya sa ginagawa ng may pumitik sa likod niya. Napabaling agad siya ng dahil dun,para siyang napako ng makita ang lalaki.
Malaya niyang napagmasdan ang mukha nito na kung tutuosin ay para itong kahawig ng mga sikat na modelo na nakikita niya sa magazine. Sa makapal nitong kilay na nagpapadagdag ng atraksyon sa mukha nito, sa maayos na hubog ng panga at sa mapula nitong labi na animo ay napakanatural. Napakagat labi siya bigla dahil biglang naginit ang katawan niya dahil lang sa pagtitig dito. Ito na siguro ang pinakagwapo na lalaki na nakita niya dahil tingnan pa lang niya ito ay nahuhumaling na siya sa tindi ng presensya na meron ito.
Nang tumingin siya sa mata nito ay napaawang ang labi niya ng matiim din itong nakatitig sa kanya. Para siyang nahihipnotismo sa kulay chokolate niting mga mata. Habang nakatitig ito sa kanya ay nabasa niya ang pagnanasa sa mga mata nito kaya napakurap kurap siya at nang bumaling ulit dito ay wala nang emosyon ang mga mata nito. Dahil sa nangyari ay doon niya lang naisip na trabaho pala ang pinunta niya sa kompanya nito at hindi ang gahasain sa tinggin ang lalaki.
Agad siyang umiwas ng tinggin at tumikhim para mawala ang pagkapahiya dahil sa ginawa niya. Kinurot pa niya ang katawan dahil sa pagpapahamak sa kanya.
LUMAPIT siya sa lalaki at umupo agad sa unahan malapit sa desk nito dahil sa biglang panghihina ng mga tuhod niya. Tumikhim ulit siya bago nagsalita.
"Good morning Sir, I'm Emily Sandoval," pagkatapos ay ngumiti siya sa lalaki pero napangiwi din agad ng hindi natinag ang emosyon nito. Napasimangot naman siya sa ginawa nito. Ang sungit.
"I'm applying for the position of editor in your company Sir. I'll assure you that I'm qualified for tha---" napatigil ang mahabang pagsasalita niya ng biglang tumayo ang lalaki at pumihit paharap sa pinto at lumabas.
Siya naman ay halos hindi makagalaw sa inasal nito, hindi siya makapaniwala sa nasaksihang ugali. Napakawalang modo! Hindi ba nagaral ng good manners and right conduct ang Vellarde na 'yun. Biglang umikot ang mata niya at unti unti siyang kinakain ng inis dahil sa lalaki. Lalo pang nadagdagan ang inis nang malala niya na pinagpantasyahan pa niya ito, ngayon na nasaksihan niya ang ugali nito ay halos isuka niya ang ginawa kanina.
Akmang tatayo na siya sa kinauupuan ng bumukas ulit ang pinto na nilabasan nito kanina. Nagkatitigan sila nito at sa hindi niya malamang dahilan ay parang napako ang paa niya at hindi niya maihakbang ang mga ito. Sadyang malakas ang presensya ng lalaki para sa kanya at lalo siyang naiinis sa sarili dahil dun.
Pero dahil sa pag-iwan nito sa kanya ay hindi na siya nagpigil at nilabas na din ang totoong ugali hindi siya isang Sandoval kung paapi lang siya dito. Kaya pilit niyang hinakbang ang mga paa at taas noong lumapit dito at tinalikuran.
Malapit na siya sa pinto ng marinig niya ang baritonong boses nito
"Are you single?" kinilabutan siya sa walang buhay nitong pagsasalita. Pero hindi dun natuon ang isip niya kundi sa tanong mismo na pinakawala sa mga bibig ng lalaki.
Ganito na ba ngayon ang pag-iinterview? Halos malukot ang mukha niya sa tanong nito at hindi niya rin expected na interesado ito na malaman kung single na nga o hindi.
Humarap siya dito pero nanlaki ang mata niya dahil halos isang pulgada na lang ang layo nito sa kanya. Kung gagalaw siya ay baka mahalikan na niya ito.Ano ba itong lalaki na ito?
Tinggin pa lang nito ay nabubuhay ang bawat laman niya at natatakot siya sa kaya pa nitong gawin sa kanya kung magtatagal pa siya. Nilabanan niya ang tinggin dito at hindi pinahalatang nanginginig na ang bawat parte ng katawan niya.Sa halip na umiwas ito ng tinggin sa kanya ay nagulat na lang siya sa bigla nitong pagmodule at dahan dahan nitong paglapit sa kanya. Halos hindi naman siya makagalaw dahil sa inakto nito at naramdaman niya na lang na parang may humapit sa bewang niya papalapit dito.
Dumukwang ito sa kanya habang siya ay halos hindi na makahinga sa ginagawa nito sa kanya, dumagdag pa ang kakaibang sensasyong lumalamun sa bawat himaymay ng pagkatao niya.
Naramdaman niya na lang ang hininga nito na malapit sa puno ng tenga niya.
"Well, Emily." halos mawalan siya ng ulirat sa ginamit nitong tono. It was sexy at the same time husky for her.
Hindi siya nagsalita at parang may sariling isip ang katawan niya at hindi man lang nandidiri na nahawakan siya ng lalaki. "Be. My. Wife." nanlaki ang mga mata niya at parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabi ng lalaki sa kanya.Sa pagkakabigkas nito ay may halong diin at pagangkin agad sa kanya. Bumaling siya rito na hanggang ngayon ay nasa may bandang tenga pa rin ang mukha. At nang magsalubong ang mga mata nila, alam na niya na nasa pahamak siya.
At that moment, she knew.
Dapat niyang iwasan ang lalaking nangangalang Nash Vellarde.
YOU ARE READING
When in Romance
Romance"You came to me unexpected and yet I'm loving you unconditionally" --Nash Vellarde