The Unjowable is Now a Jowa

345 28 81
                                    

           MAY SUMPA. Naniniwala na talaga si Rachelle na may sumpa. 

Noong una, the idea was comical dahil sa kanilang magkakaibigan, ang utong-uto na si Cass lang naman ang naniniwala roon. Rachelle has always been the logical and practical one. She believes in evidences and what is presented kaya ang ilang gabi nang bumabagabag sa mga kabarkada niya na sumpa—hindi siya naniniwala roon. 

Imposible. Malabo pa sa putik. No.

Paanong ang isang simpleng regalo ay makakaapekto sa estado ng malungkot at malamig niyang love life? Si Cass lang naman na nerbyosa, paranoid, at naniniwala sa anik-anik ang nakaisip noon, at ngayon, hinawaan pa ang iba sa barkada.

These people, naituring na mga established Marketing Specialists para sa isang malaking corporation ng softwares, pero heto at nagpapaniwala sa sumpa. They should know better.

Rachelle on the other hand...

Lumipad ang tingin niya sa babasaging rosas na nakapatong sa nightstand. Ilang buwan na rin itong naroon mula nang ibigay ito ng opisina nila bilang Christmas gift noong huling Christmas party. Nakipagtitigan siya rito. It's actually a very intricate and sophisticated glass rose. Kulay pink iyon at naka-encase sa isa ring babasagin na dome. It reminds her of Beauty and the Beast, kikay version nga lang.

Nang ibigay ito ng kanilang boss na si Davin sa kanila last year, they were all excited. Si Endee, hinanap agad sa isang shopping app kung magkano ang presyo noon. Si Joselle, ipinatong sa lamesa 'yong nakuhang rose, kinuhanan ng picture at nai-upload sa Facebook na may kasamang quote. Si Sol naman, nag-Google kung paano 'yon magkakasya sa iisang bag na dinala pagkatapos manalo ng rice cooker, blender, at sandwich maker sa raffle. Cass didn't waste her time and took a selfie with it. Ayon, nandoon na agad sa Instagram niya at may caption ng emoji na rose.

Si Loys? Nasaan nga ba si Loys? Ah, nakatulog sa gitna ng party kasi puyat sa thesis para sa Masters. Itinabi na lang ni Endee kay Loys na nakatulog sa lamesa ang rose nito. Ipinatong pa 'yong ulo ni Loys sa kahon. Rachelle remembered how their group laughed that night.

Pero siyempre, hindi kinalimutan ni Endee na kuhanan ng picture ang eksena, and Sol stood behind Loys with a wide grin.

Si Rachelle lang yata ang matino noong gabing iyon. Siya lang din ang nakaalala na mag-book ng Grab para sa kanilang lahat pauwi. Si Cass, sa sobrang makakalimutin, nawala pa sa hotel kung saan ginawa ang party at halos fifteen minutes silang naghintay sa lobby.

Rachelle's memories from that night are both sharp and fuzzy. May mga moment na kabisado niya maski ang maliit na detalye, minsan naman all she remembers is the sound of their laughter.

Pero kahit na ilang beses niyang balik-balikan ang gabing iyon, hindi niya maaalala kung saan nagsimula ang sumpa o kung totoo nga ba.

Baka noong nag-CR si Cass tapos nawala kaya 'di nakabalik agad at kinailangan pang hanapin ni Joselle.

Baka noong may nakitang guwapo si Endee at hinabol nila.

Baka noong pasikretong kinausap ni Sol 'yong isa sa servers ng caterer na ibigay 'yong recipe ng truffle pasta na kinain nila.

'Di kaya noong biglang lumabas 'yong Australian accent ni Joselle habang kausap si Davin at naghiyawan sila?

Paano kung noong biglang 'di nila mahanap si Loys tapos nag-attendance pala sa online class nang saglit bago pumila sa handa?

Or could it be, noong nag-assess si Rachelle ng kung magkano ang ginastos sa party at nagreklamo na ang gara ng ganap pero rice cooker lang ang pa-raffle, pagkatapos hindi pa siya nanalo?

The Unjowable is Now a JowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon