Remember Love

229 2 2
                                    


Nasaan si Sandro?' Ang paulit-ulit na tanong ni Aaliyah kay Rena ang kanyang kapatid.

Pagkatapos niyang manganak ay hindi pa rin dumarating ang lalaki.
Kanina ay nakausap niya ito at ang sabi ay hindi na daw tatapusin ang meeting para agad siyang mapuntahan sa ospital para sa pagdating ng kanilang anak sa mundo na si
"Alessandro Rafaelli Larentín '.

'Baka naman na traffic lang? magpahinga ka at wag kang
mag-alala, siguro maya-maya din ay darating na siya?..' tila ay hindi siguradong sagot nito.

Ngunit ang maya-maya ay naging oras.. na naging mga araw at buwan.

Apat na mahahabang taon ang nakalipas.

Mga dalawang araw pagkawala ni Sandro ay ini-report nila sa awtoridad ang pagkawala ng kanyang asawa. Hindi niya kilala ang mga kamag-anak nito maliban sa ina ng lalaki na ayaw sa kanya mula pa nang unang ipakilala siya nito bilang nobya.

Naalala niya pa ang sinabi nito noon sa kanya.
"Mama, nasaan ang asawa ko?... pakiusap po sabihin niyo.. kailangan siya ng anak ko.. naming dalawa.."

'Hmn! kung hindi sa kaartehan mo dahil manganganak ka lang!, hindi mo na sana siya inistorbo sa kanyang meeting at hindi siya mag mamadali sa pagpunta sayo! Sana hindi maaaksidente ang anak ko!! Ang sigaw na sagot nito sa telepono.

'Mama.. please.. sabihin niyo na po kung nasaan siya.. Sorry po.... sorry po talaga... hayaan niyo akong makita siya..please.." Ang pagmamakaawa niya sa ina ng asawa.

'Hindi na talaga mauulit! dahil sa'yo hindi pa siya nagigising! Ngayon dadalhin namin siya sa Amerika at doon ipapagamot, hindi mo na siya makikita!! Ang huling sigaw nito bago siya binabaan ng telepono.

"Mama!! Mama!!.'pero wala na siyang kausap sa telepono iyon na rin ang huling pagkakataon na nakontak niya ito.
Pinuntahan niya ang bahay ng mga ito pero ang sabi ng mga katiwala ay umalis na nga ang mga ito
pa-Amerika at tila wala nang balak pang bumalik.

Ngayon nga ay nagulat siya ng makita ang engagement announcement sa balita ng kanyang asawa sa anak ng isang pulitiko, ang modelong si Paula Ibañez.
Hindi makapaniwalang tinaasan niya ng volume ng tv, buti nalang tulog na ang kanyang anak na si Raff,
dahil hindi niya namalayang tumutulo na ang kanyang luha na kalaunan ay nauwi sa malakas na pagtangis.

"Mr. Larentín have officialy proposed to the top model Paula, after being a couple of two years, both the family is eager and static with the said news..everyone is happy for the couple since everyone is expecting this.. the couple has been childhood friends and the family have been pushing for romance since then, that's why..."
Hindi na tinapos ni Aaliyah ang balita dahil ang sama sama ng loob niya ni minsan ay hindi man lang siya naisip kontakin nito sa apat na taong hindi sila nagkita at lalong nawalan na siya nang pag asa dahil sa nabalitaan ngayong gabi.

Sandro is not happy for the way his mom manipulated everything, niligawan niya si Paula dahil sa pangungulit ng kanyang ina at ngayon nga ay sinabing engage na daw sila! Que horror! kung alam lang nila kung gaano kalabag sa loob niya ang pangyayari.
Matapos ng aksidente at pagka gising niya sa coma, ay anim na taon sa kanyang alaala ang nawala kaya iniisip niya kung may naiwan siyang nobya sa pilipinas na sinagot ng kanyang inang 'wala' pero parang hindi pa rin siya kumbinsido kasi pakiramdam niya may naiwan siyang importante kaya naman naisipan niyang bumalik.
Aasikasuhin narin niya ang business nila at titingnan kung ano ang nagpapabalisa sa kanya sa gabi na hindi niya maalala.

Aaliyah is being busy making coffee, nakapagtayo siya ng Coffee Shop with different pastries and tea and shakes drinks with her lifetime savings. Life is still a mundane everyday for her. Iniwan niya ang bahay nila ni Sandro dahil hindi niya kaya na araw-araw naalala ang masasayang memories nila. Lumipat sila ni Raff sa taas ng Coffee Shop ng sa gayon ay naaalagaan at nababantayan niya pareho ang shop at ang 3 and a half year old son niya na nasa prep school na.

Remember LoveWhere stories live. Discover now