Simula at Huli ng Pag-ibig

852 27 3
                                    

Part One (1)

Ang pag-ibig ay may maraming depenisyon.
Tulad ng pagmamahal sa kaibigan , pagmamahal sa kasintahan , at ang pinakamahalaga at espesyal sa lahat ay ang pagmamahal sa pamilya.

"Three hundred sixty-five (365) days equals in one  (1) year  , and we have 365 chances to win the LOVE of the person that you love the most."


Kase kapag  mahal mo ang isang tao , wag mo ng pakawalan kahit sobrang sakit  magagawa mo itong titiisin para sa taong mahal mo, at kahit sobrang hirap magagawa mo siyang tanggapin at mas mamahalin pa ng lubusan at totoo , kaya nga may kasabihang "Give love and suffer but never learn to surrender."


Ang pagmamahal ay may tatlong kategorya — paglaban , pagsuko , at ang pagpapa-ubaya.

Ang  unang kategorya ay ang paglaban ng pagmamahal mo para sa taong mahal mo at para sa relasyon na kaya pang sagipin at pahabain .

At ang ikalawang kategorya ay ang pagsuko, kase kung alam mong hindi na pwede at hindi na tama ay pwede namang sukuan at muling balikan ang relasyong nabuwag ng dahil sa pagmamahalang napagod at napabayaan.

At ang pangatlo at panghuling kategorya ay ang pagpa-ubaya , kase kung alam mong yung taong mahal mo ay meron nang mahal na iba palayain at ipaubaya mo na. Dahil ikaw lang naman ang masasaktan at magdudusa kung patuloy mo pa ring ipaglalaban ang relasyon na puno ng kasakitan.

Ang pagpapa-ubaya ay masakit pero wala ka ng magagawa sa relasyong hindi naman kayang ipaglaban kung ikaw lang naman mag-isa ang patuloy na lumalaban upang masagip pa ang inyong pagmamahalan.

Ang pagmamahal ay masaya, matamis – kasing-tamis ng tsokolate at ito'y masarap sa pakiramdam dahil ito ay nararamdaman sa una lamang.

Ang pagmamahal ay nagtatapos sa isang haplos ng isang pusong iniwan at dinurog ng maling tao.

LOVE and PAINWhere stories live. Discover now