This one's revised. Enjoy reading!
------------------------------------------Sabi nila, tigil-tigilan ko daw ang pagiinarte ko. Marami na akong naging manliligaw pero lahat sila binusted ko. Ganda ko ba? Haha! Joke. Hindi ko alam. Gusto ko magboyfriend pero alam kong bawal pa tsaka hindi ko pa talaga kaya sa stress na idudulot sa'kin nito. One more thing, I am God's little servant kaya naman ay bawal talaga.
But at some point, curious ako kung ano ang feeling ng may boyfriend. Yung feeling na may mag-aalaga sa'yo, may isang taong hinding hindi ka bibitawan at papabayaan pero sa side ng mga single, eh, sakit lang 'to sa ulo tsaka dagdag gastusin. Dates, monthsarries.. hay naku. Mas maiging wag na lang.
Narinig kong nagring ang phone ko at tinignan kung sino 'yon. Si Kuya Marky pala. Ang coordinator namin sa choir.
"Kuya Marky.. bakit po?"
[Hello? Jam? Nandito kami sa Parish ngayon. Nasan ka ng bata ka? Nakalimutan mo na naman na may kalakbay tayo ngayon. Bye. Punta ka na. Malapit na magsimula. Ikaw maglilead diba?]
"Oo nga pala-- Sige po, bye!"
Siya na ang pumutol ng tawag. Nasa kalagitnaan na ako ng pagmumukmok ko eh. May KaLakbay nga pala kami nang 2pm tuwing Palm Sunday. Yes, Mahal na Araw ngayon. Nakaugalian na namin ito dahil ginagawa 'to taon-taon. KaLakbay means Kabataang Naglalakbay. Nagpupunta kami sa iba't ibang chapel sa buong bayan namin. At bawat chapel, meron isang maglilead galing sa iba ibang organization sa simbahan. Mabait akong bata, wag na magduda. Haha!
Nag-ayos na ako at nagmadali. Isang puting statement shirt, maong pants at sneakers lang ang suot ko. Nagdala na din ako ng payong at pamaypay dahil mainit ang panahon. I pulled my hair into a ponytale at sinuot ang eyeglasses ko. Nagtricycle nalang ako dahil mas lalo akong malelate kung magjijeep pa ako. Kahit mahal ang special, okay lang. Eto talaga mahirap kapag malayo bahay mo sa simbahan. Pero ayos lang ulit, syempre. Ginusto ko to at buong puso kong ginagawa ang paglilingkod.
And at last, nakarating na din ako sa Parish!
Madami na sila nang nakarating ako. At Gintong Himig Choir yung nasa unahan. Yan yung pangalan ng org/choir namin.
Kada taon ay iba-iba ang naglilead sa bawat org. At syempre, may tagaguide sila na walang iba kundi si.. sino nga ba? Sana siya pa din! Ginanahan ako nang natanaw ko kung sino nga ba ang mamumuno ng KaLakbay na 'to. And boom! Si Kuya Charles pa din ang nasa unahan at may hawak na microphone.
Bumuntong hininga ako. Sign of relief. Pero ngayon, kinakabahan ako. Ano ba naman to. Dalawa yung nararamdaman ko. Excited na kinakabahan. Pwede pala yun?
Sa lahat ng mga organizer dito, siya yung pinakapaborito o sabihin nating 'pinakaidol' ko. Ang galing niya kasi sa lahat ng bagay na ipagawa sa kanya. Ang galing niya rin mamuno ng mga ganito. Sanay na sanay na talaga. Sa totoo lang, siya din ang gumagawa ng mga kabogerang powerpoint kapag naman may program. Hindi naman sa hindi ako marunong gumawa ng powerpoint, ang galing niya mag-edit ng kung ano-ano at magdesign.
Siya din yung tipo ng tao na kapag ngumiti, nakakahawa. Para bang lagi siyang masaya at ipinanganak para magsabog ng good vibes. Eto talaga yung marirealize mo na may mga tao palang ganun 'no?
Kaso hindi niya ako kilala. 'Yun lang.
Tumabi na ako sa kanya at kaming dalawa lang ang nasa unahan. Ang maglilead sa bawat chapel at ang maggaguide sa kanya para gawin 'to. May inihabilin at nagcheck pa si Kuya Charles ng attendance. Ngayon lang ata ako kinabahan ng ganito. Hindi dahil hindi ako sanay na magsalita sa madaming tao, katabi ko kasi yung taong tinitingala ko. Feeling ko magkamali lang ako, huhusgahan niya ko agad.. kahit na alam kong di naman siya ganun. Ewan ko. Nababaliw na ko.

BINABASA MO ANG
Biggest Mistake
AléatoireThis must be the biggest mistake I've done but I won't regret that I did it. -Charles Maulanin