Second Chance

6 0 0
                                    

No. This can't be. Tila tumigil sa pag ikot ang mundo ko.

Napaupo na ako sa sobrang panghihina ng aking mga tuhod. Paano? Unti-unting tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko na napigilan. Napahagulgol na rin ako.

Sobrang nadurog ang puso ko sa nakita ko.

Pulang marka.


"5.0" bulong ko sa sarili ko.

Nanlulumo ako.

Bakit nangyari 'to? Kung alin pa yung subject na pinagtuunan ko ng pansin ngayong semester, yun pa ang babagsak? Shit lang.

Pagkatapos ng halos dalawang oras, napakalma ko na rin ang sarili ko. And yes, I was alone. May mga kaibigan ako pero lahat sila pasado. How can I celebrate with them kung heto ako, pira-piraso pa ang puso.

Nakapagdesisyon din akong tanungin ang professor ko kung may paraan pa ba para mabago ang marka ko though maliit ang chance kasi nakasulat na sa class card ko. Anyway, tatanggapin ko nalang kung ano man ang maging desisyon nya (kahit masakit sa loob ko).

"Sir." panimula ko. Nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ba. Kinakabahan ako. Mukhang wala sa mood si sir magbigay ng second chances. Ugh.

"Kung tatanungin mo ako kung mababago pa ang grade na binigay ko....oo, may pag-asa pa yan." sabi ni sir kahit hindi pa naman ako nagtatanong. Hindi lang naman kasi ito ang unang pagkakataon na may nanghingi sa kanya ng pabor na ganito.

"...pero next school year. Pag naulit mo na ang subject ko. See you next year Ms. Fernandez." patuloy niya.

Tuluyan ng gumuho ang mundo ko. Hindi ko na rin napigilan, napaiyak na ako. I don't care kung nasa harapan ko man si sir. Kasalanan niya naman eh. Huhuhu.

"Eh...Pa..paano na..man Sii...sir yung mga...mga kaklase kong nang...nang--ongopya lang tu...tuwing may exam?? Bak--bakit sila nakapasa? It's sooooo unfair." halos hindi ko matuloy ang pagsasalita ko dahil sa pag-iyak ko.

Hindi nagsalita si Sir. Siguro ay nasense niya na may kasunod pa ang sasabihin ko.

"Akala ko ba....mag...maghihigpit ka--yo ngayong year? Ba..bakit nakakalusot pa din ang mga...mga cheater?" patuloy ko. Nakikinig pa din si sir. Huminga muna ako ng malalim. My gosh.

"I'm sorry Ms. Fernandez. I get your point. Inaamin ko din na may pagkukulang ako. Hindi ko kayo nababantayan tuwing may exam kayo kaya may nakakalusot. Nangongopya. Hayaan mo. Babagsak din sila next semester." halos mapairap ako sa sinabi ni sir. Duh. As if naman. Malamang eh gagawa nanaman sila ng paraan para makapasa. Shit lang. Naiirita ako.

"Okay lang din kung uulitin mo yung subject diba. Atleast mamamaster mo. Ikaw din naman kasi ang mahihirapan eh." that's it. Mas lumakas pa ang iyak ko dahil sa sinabi ni sir.

May point naman siya kaso sayang naman ang pera at panahon. Panganay na anak ako. Hindi naman kami masyadong naghihirap sa buhay pero puro pa nag-aaral ang mga kapatid ko. Inaasahan nila ako.

"Thank you, Sir." yun nalang ang sinabi ko. Ayoko ng magsalita pa. Baka madagdagan nanaman atraso ko sa kanya.

Lumabas na ako sa office. Nakakasuffocate. Ayoko ng magstay pa sa lugar na to.

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Hindi pa rin ako natigil sa pag-iyak. Buti na lang kaunti lang ang tao dito sa campus.


"Masasayang lang ang ganda mo kung iiyak ka lang. Smile."

Napahinto ako sa paglalakad. Inangat ko din ang ulo ko para makita kung ako ang kinakausap ng lalaking nagsalita. I looked around. Wala namang tao bukod saaming dalawa.

"Ako ba kinakausap mo?" paninigurado ko. Ayoko namang masabihang 'assuming'.

Ngumiti lamang siya at dahan-dahang tumango.

Hindi ko alam kung paano pero nadala ako sa pagngiti niya.

Unti-unti ding sumilay ang ngiti sa aking labi.

One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon