Who are you?

4 0 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula noong kinuha ko ang class card kong may pulang marka. Eww. Kahit papano eh nakapagmove-on naman na ako. Kung may mga pagkakataon man na naaalala ko yun (tuwing maliligo ako o bago matulog) sinisigurado kong matutuon sa ibang bagay ang atensyon ko. Naisip ko kasi na wala naman akong mapapala kung magmumukmok ako. Life must go on, ika nga.

Isa pa, summer vacation ngayon. Marami akong gustong puntahan na beaches ngayon. Taga isla kasi ako kaya hindi mahirap maghanap ng dagat na pwedeng puntahan. I'm sure naman na papayag mga kaibigan ko nito. Pare-pareho kasi talaga kaming mahilig sa dagat. Buti na lang talaga hindi kami nangangamoy isda. Haha.

Isa din sa pinagkakaabalahan ko ngayong bakasyon ay ang paghahanap ng summer job. Hindi naman kami sobrang naghihirap. Gusto ko lang na ako magbayad ng tuition fee ko sa susunod na sem. Nakakahiya na kasi sa mga magulang ko.

And speaking of parents, nagalit sila nung binalita ko sakanila na may bagsak ako. Syempre, sino ba naman ang hindi magagalit diba? Hindi na nga daw ako masyadong inuutusan sa mga gawaing bahay para makapagconcentrate sa pag-aaral tapos ganun pa ang mangyayari. Pero after an hour, sinabihan nalang ako na mag-aral na lang daw ng mabuti next sem. Humingi nalang din ako ng sorry at nangako na pagbubutihan ko talaga. Sayang din ang panahon. Baka senior citizen na ako, hindi pa ako nakakagraduate sa kolehiyo. Pft.

*beep*

Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang nagtext pero hindi nakaregister. Simpleng goodnight na may smiley lang naman ang laman ng message pero naiintriga ako kung sino ito.

"Sino po 'to?" Send.

Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi nagreply. Seriously? Eh kakatext niya lang nung nagreply ako eh.

"???" text ko ulit. Wala talagang reply kaya hinayaan ko nalang. Buti nalang talaga at inaantok na rin ako. Kaya naghilamos at nagpalit nalang ako ng damit, dasal and then zZzz.


Meow! Meow! Meow!

What the heck. I love cats pero pag ganitong nag-iingay sila tuwing umaga para manggising, naiinis ako ng konti. Bakit konti lang? Kasi pag alam nilang gising na ako, sila naman ang matutulog sa kama ko. Pasaway.

Pumwesto na sa ibabaw ko si Katie, yung pinakamakulit naming pusa. Sa bandang tiyan ang pinakapaborito niyang spot at hindi narin ako magtataka kung isang araw, nalusaw na bilbil ko. I hope so.

Natulog pa ulit ako. 5:30 palang eh. Yes. 5:30. Nasanay na siguro to. Alarm clock ko ito pag may pasukan eh.

"Aww." nagising ako dahil may nangangagat sa daliri ko. Hindi naman masyadong masakit. Nag-iinarte lang talaga ako.

"Oh anong kailangan mo?" tanong ko sa pusa naming malaki ang mata.

"Meow. Meow. Meow." umalis siya sa ibabaw ko at tinahak ang daan patungong cr. Ah, alam ko na.

"Iinom ka ng tubig?" tanong ko sakanya. Maganda kausap ang mga pusa pag may kailangan sila sayo eh.

"Meow." pag trinanslate sa language ng tao, oo ang ibig sabihin non.

"Say please muna bago kita bibigyan. Say pleaseeeeeee." ang cute niya. Mas lumaki ang mata niya at panay ang lambing saakin.

"Meoooowwwww." malambing pero may urgency sa boses niya. Naawa na ako kaya binuksan ko na ang pinto ng cr at nilagyan ng tubig ang maliit na bowl na inuman niya.

Agad naman siyang lumapit sa lalagyan at uminom agad. Ang cute talaga.

Pagkatapos, nag meow ulit siya saka dinikit ang katawan sa binti ko bago muling nahiga at natulog. I guess it's her way of saying thank you. Napangiti ako.

Naghilamos at toothbrush na rin ako. Iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin. Maglalaba maglilinis o gagala? Hmmm.

Nang lumabas ako napansin kong makalat ang kwarto. That's it. Maglilinis na lang muna ako pagkatapos kumain.

"Saraaaaaaaaap. *burp*" natawa pa si mama dahil sa inasal ko. Parang hindi daw ako pinakain ng matagal.

"Nagrereduce kasi ako ma." pabiro kong sagot.

"Oh eh kumusta naman?" tiningnan niya pa ako para makita siguro kung may nagbago ba.

"Feeling ko dumoble katawan ko eh." tinuro ko tiyan at braso ko sabay pout pa.

Tinawanan nalang ako ni mama. Hmp. Porket sexy siya kahit apat kaming anak niya. Nagpaalam na din ako kasi maglilinis nga ako ng kwarto.

"Ang daming kalat." sabi ko habang tumitingin sa kwarto kong daig pa ang dump site.


Nagpatugtog na lang ako at paminsan-minsang sumasabay sa kanta habang inaayos ang mga maduming damit, mga nakakalat na libro at ballpen at kung anu-ano pa. Napagpasyahan ko ring ihiwalay ang mga hindi ko na ginagamit na mga damit. Puno na kasi ang drawer ko eh. Yung mga used papers naman, itatapon ko na rin. Pagkatapos ng ilang oras, pinalitan ko na ang mga kurtina, bed sheet at kumot. Ganito talaga ako kapag naglilinis.

Pagkatapos kong maayos yung mga lalabhan, tumingin ako sa paligid. Wow. Mapagkakamalan ng hotel room ang kwarto ko. Lol.

Umupo ako at tiningnan ang cellphone ko.

May text sa mga kaibigan ko na nagsasabing mag-outing daw kami sa sabado. Yung iba naman, gm lang.


May isang text na nakuha ang atensyon ko.


"Take care CJ :)"


Yung mystery texter ko kagabi.


"Who are you?"


Hindi nanaman siya nagreply. Sigh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon