KABANATA 1

2.3K 80 5
                                    

-ASHIANNA RAILEY

“Saan ba tayo pupunta? Ano ba talaga ang problema mo? Malay mo matulungan kita,” nayayamot na sabi ni Penelope habang nakasunod sa akin.

“Kailangan ko ng pera sa ngayon.”

Napakalaki ng utang ng pamilya ko at hinahabol na mga loan shark si papa sa labis na utang nʼya. Hindi ko akalain na gagamitin nʼya sa pagsusugal ang mga pera namin imbis na maghanap buhay sʼya. Mahirap na nga kami tapos nangungutang pa sʼya. Nakaratira kami sa urban place sa Pilipinas na tinatawag na San Isidro.

“For what? ʼDi ba may sahod ka na dahil working student ka?” tanong nʼya habang nakasunod pa rin sa akin.

Maganda si Penelope at maputi. Parehas lamang kami ng edad, and she has long straight black hair habang hanggang balikat lang sa akin na medyo curly sa baba pero black hair din. Girlish type of girl sʼya habang ako naman ay boyish type. Mas matangkad nga lang ako ng ilang dangkal sa kaniya.

“Hindi pa rin sapat ang pagiging assistant library ko, kaya I need more money. Malaki ang utang ng pamilya ko sa mga loan shark at araw-araw ay pumupunta sila sa bahay para maningil,” sagot ko sa kaniya at halos nadadaanan namin ay kumpleto na ang tauhan nila.

Damn it, saan ba ako makakuha ng trabaho nito? Kahit part time job lamang.
“Gusto ko sana kita tulungan pero isa rin kami sa mahihirap na pamilya kaya tutulungan na lang kita maghanap ng trabaho. Donʼt give up yet.” Paalala sa akin ni Penelope habang patuloy pa rin kami sa paghahanap.

Napatigil ako sa isang cellphone accessories na naghahanap ng cashier nila. Nagkatingnan kami ni Penelope at sabay na tumango sa isaʼt isa. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at nilapitan agad ang bantay na mukhang nagtataka sa biglang paglapit ko dahil sout ko pa rin ang aking uniform.

“Puwede ko ba makausap ang may-ari nito? Para makapag-apply ako sa inyo for work,” magalang kong tanong at ni-head to toe ako ng lalaki na bantay.

“Wait,” sabi nʼya at nakipag-usap sa kaibigan nʼya.

Pinag-uusapan nila akong dalawa at maya-maya lumapit din ito sa akin agad na mukhang alanganin ang mukha. “Pasensiya na pero nakahanap na pala kami,” sabi nʼya kaya napatingin ako kay Penelope.

Nagbuntonghininga na lang sʼya at nagsimula na maglakad palayo sa akin. “Sige, salamat,” tanging sabi ko at sumunod kay Penelope.

I think they lied, sadyang hindi lang nila gusto na makapagtrabaho ako sa cellphone accessories nila. Kinapa ko ang aking cellphone sa bulsa dahil nagri-ring ito. Napatigil sa paglalakad si Penelope at tumapat sa akin.

My cellphone samsung duo are ringing. Pagkita ko sa caller ay si mama pala. Sinagot ko ito dahil baka nag-aalala na ito sa akin. My dismissal time is 12:00 am but itʼs already 4:00 pm.

“Hello,” bati ko sa kabilang linya.

“Nasaan ka, anak? Bakit hindi ka pa rin umuuwi?” nag-aalala nʼyang tanong.

Hindi ko puwedeng sabihin sa kanila na naghahanap ako ngtrabaho to help them baka pagalitan nila ako.

“May binili lang ako na mga gamit for my project,” sagot ko sa kaniya at napataas ng kilay si Penelope sa naging sagot ko.

“Okay, come home agad. May sasabihin kami ng papa mo sa ʼyo,” sabi nʼya at pinatay na agad ang tawag.

Bakit parang kinakabahan ako mamaya? I felt that thereʼs something that will happen later. “Project pala? Nice alibi. By the way, umuwi na tayo kasi gumagabi na at may klase pa tayo bukas. Baka makita mo pa bukas ʼyong crush mo,” asar sa akin ni Penelope at biglang namula ang aking mukha.

MARRIED TO A VAMPIRE PRINCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon