Prologue

28 0 0
                                    


So, ikaw pala ang pampalipas oras ni Alex. - mataray na saad sakin ng babaeng kulang nalang eh maging clown ang mukha sa sobrang kapal ng blush on at sobrang kapal ng red lipstick. Yung totoo? May factory lang sila ng make-up?

Tama na yan Chelle. Nakakahiya sa mga tao. Umuwi na tayo, lasing kana eh. - awat sa kanya ng kasama nyang babae.

So Chelle pala ang pangalan nya. Akala ko kasi Snowhite ang pangalan nya kasi bukod sa sobrang kapal ng blush on at lipstick eh sobrang kapal din ng foundation para tuloy syang espasol.

Hindi nyo naman sinabi sakin na wala palang dila tong kalandian ni Alex! - tumatawang saad nya sa mga kaibigan nya.

Ako? Walang dila? Nagpapatawa ba sya? Kaya naman pala iniwan to ni Alex.

Anong nakakatawa? Bakit ka nakangiti? - pasigaw nyang tanong sakin. Pasalamat sya hindi ako pumapatol sa mga baliw na kagaya nya.

Alam ba ng mga tao dito na isa kang malanding babae?! Ano nga ulit pangalan mo? Ms. Bantay Salakay? Ms. Higad? Ahas? Pasensya na huh? Sa dami kasi ng pwedeng itawag sayo hindi ako makapamili. - sarkastikong saad nito.

Aba't! Sumosobra na to huh. Sa ganda kong to?

Pwede ba Miss wala ako sa mood para makipag-talo sayo. Pasensya ka na may naghihintay kasi sakin. - pagtitimpi kong sagot sa kanya. Pasalamat sya ayokong makipag away ngayon. Wala ako sa mood.

Pero sa pakikipaglandian sa boyfriend ko meron? Ang kapal ng mukha mong mag inarte eh pampalipas ka lang naman ng oras ni Alex pag wala ako! - pasigaw nyang tugon sakin.

Pampalipas oras? Pag wala sya? Masakit yun huh.

Nahihiya ka na ngayon? Nahihiya kang malaman ng mga tao dito na isa kang malanding babae! Mang-aagaw! - nakangiting turan nya sakin.

Oo nahihiya ako. Nahihiya ako para sayo. - kalmado kong sagot sa kanya.

Excuse me?! Nahihiya ka para sakin? Hindi ako ang dapat na mahiya dito kundi ikaw. Mang aagaw! - galit na galit na saad nya sakin.

Ok! That's it! Sobra na. Sagad na ko. Kanina pa sya sabi ng sabi ng mang-aagaw ako huh.

Sa pagkakaalam ko Ms. Parang Kulang na lang ang green na wig para mukha ka ng clown, wala akong inaagaw sayo. Hindi ko kasalanan na mas gusto ako ni Alex kesa sayo. Hindi na ako magtataka kung bakit. - nang uuyam kong sagot sa kanya habang tinitingnan sya mula ulo hanggang paa.

Aba't! Tandaan mo, kalandian ka lang. Ako parin ang legal. Pag nagsawa sya sayo babalik at babalik parin sya sakin. - taas kilay nyang sabi sakin.

Yun naman pala. Kung naniniwala kang pampalipas oras nya lang talaga ako, anong ginagawa mo ngayon dito sa harapan ko? Hindi ka dapat nag aaksaya ng oras para lang sabihan ako ng kung anu-ano. Pero base sa nakikita ko, mukhang... natatakot ka. Natatakot kang hindi na sya bumalik sayo kasi ang totoo... hindi na talaga sya babalik sayo. Tama ba ako? o Tamang-tama? Ngayon pwede na ba kong umalis kasi magkikita pa kami ni Alex, ng kalandian ko. - nakangiting sagot ko sa kanya. Serves her right. Hindi nya ko dapat sinagad.

Nagkamali sya ng taong binangga. Hindi dapat sa isang Santillan.

******

Please do support my new story. :))

Somebody's Property (KathNiel)Место, где живут истории. Откройте их для себя