First Encounter

12 0 0
                                    

I just want to elaborate it and to all of the wives out there beware of the so called "kabet". Di mo alam nag kalat sila at nandyan na pala sa tabi mo kinakaliskisan ang asawa mo.

Kapag may kahina hinala sa inyong asawa, wag kayong mag atubili, mag imbestiga agad kayo kung ayaw niyong mawalan ng asawa at lalo na kung may mga anak pa kayo, mahirap maging single mom, at mahirap magpalaki ng mga anak lalo't ikaw lang ang kakayod para mabuhay kayo.

4th year College ako nung naging kami ni Jansen, at siya naman ay naghahanap na ng trabaho nung mga panahon na yon.

I was 21 that time and he was 23. It's not that big deal naman sa age namin. 2 years lang naman ang tanda niya sakin. Isa siyang Mechanical Engineer at ako naman ay BS Psychology.

Nagkakilala kami sa isang convinient store malapit dito sa campus namin.

Alas dos ng hapon non, gutom na gutom nako dahil 4hrs straight ang klase namin, walang tayo tayo as in, kaya naman hinang hina akong papasok nun sa store then nung malapit na ako sa door bigla akong na out balance. Pero bago pa man ako bumagsak may nakahawak sa braso ko kaya hindi naman ako gaanong natumba. Napatingin ako sa humawak sakin.

Saka nagbow, hindi na kasi ako makapag salita. Kumuha agad ako ng makakain ko at pumunta sa counter para makapagbayad na. Tubig at sandwich lang muna ang kinuha ko. Baka kase pag kanin ang kunin ko ay mabigla ang tyan ko.

Saktong pakagat pa lang ako ng sandwich non at nagulat ako dahil biglang umupo sa tabi ko yung lalaking humawak sa braso ko kanina. Nanlaki naman mata ko tapos na speechless ako.

"Miss, are you okay? You look pale." Sabi niya ng may sinseridad.

Ngumiti lang ako at saka kumagat muna ng sandwich bago magsalita.

"Opo sir okay lang, salamat po pala buti nahawakan mo po braso ko kanina kundi natumba nako ng tuluyan." Sabi ko at muling ngumiti.

"Don't call me sir. Hindi pa ako may-ari ng kumpanya, malapit pa lang." Sabi niya, pero ang cool ng pagkakasabi niya hindi ganon kayabang.

Kaya ko naman siya tinawag na sir kase naka long slevees na polo siya tapos basta ang pormal ng suot niya.

Bigla akong nakaramdam ng ilang, kaya nag isip ako ng paraan para makaalis na.

"Ahhmm." Pagsimula ko.

"M-mauuna na po ako, may next class pa kase ako po." Marahan na sana akong tatayo ng nagsalita siya.

"Jansen." Out of nowhere niyang sabi.

"Ha?" Sagot ko.

"Name ko, umupo kana ako na lang aalis. Alam ko naiilang ka, sorry." Pagkasabi niya non ay bigla na siyang umalis ng store.

Umupo na lang ulet ako, speechless.

Pano niya nalaman? Halata ba? Juskolored Psychology major pa naman ako tapos di ko siya nabasa. Ang strong personality niya kase and ang hirap din basahin ng ikikilos niya.

Pagupo ko kakagat na sana ulet ako ng sandwich ng makita kong naiwan niya yung binili niyang crinckles and water. Sumilip pa ako sa gilid para i check kung andun pa siya pero wala na.

Anong gagawin ko dito? Kunin ko ba? Favorite ko pa naman to.

Kinuha ko na lang at tinago sa bag ko.

After ko kumain tinignan ko ang oras may 20  mins pa naman ako para bumalik sa next class ko.

Pagbalik ko nakita ko yung classmate ko kaya tinawag ko ito, lumingon naman siya kaya tumakbo ako palapit sa kanya.

"Sabay na tayo sa next class." Sabi ko. Ngumiti naman siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss StressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon