My Valentine (One-shot)

8 1 0
                                    

"HINDI pa rin ba siya nagme-message sa iyo?" tanong ni Denise.

Napabuntonghininga ako at saka ibinaba ang hawak kong phone. "Hindi pa nga, e."

"Sa tingin ko nagsawa na siya sa iyo," biglang sabi ni Jeany na ikinatigil ko.

Agad naman siyang sinita ni Denise. "Manahimik ka nga. Busy lang iyong tao. Abala siya ngayon sa part-time job niya."

Iniyuko ko ang aking ulo at napatingin sa phone. Mahigit isang linggo na rin simula no'ng huli kaming nagkausap ni Tristan, boyfriend ko. Abala kasi siya sa kaniyang trabaho bilang service crew sa isang fast food chain. Hindi kasi sapat ang pagiging Academic Scholar niya dito sa university. Kaya kinailangan niyang magtrabaho para may pandagdag siya sa allowance niya. At para na rin may maitulong siya sa kaniyang pamilya.

"Bakit ba kasi ayaw niyang tanggapin ang alok mong tulong sa kaniya?" tanong ni Jeany. "Ano'ng problema ro'n? Girlfriend ka naman niya at saka mas marami ka namang pera kaysa sa kaniya."

"Iyon na nga ang problema, e. Mas maraming pera si Keizel kaysa kay Tristan," tugon ni Denise.

Mayamaya, biglang tumunog ang aking phone. Agad ko naman iyong kinuha at laking tuwa ko naman nang nakita ko ang pangalan ng sender.

"Si Tristan ba iyan?" tanong nina Denise at Jeany.

Tumango-tango ako habang hindi inaalis ang tingin sa hawak na phone.

Tristan:

Pasensiya na kung ngayon lang ako nag-message. Puwede ba tayong magkita sa park ngayong February 14?

"Ano'ng sabi?" tanong nina Denise at Jeany.

"Magkikita raw kami ngayong February 14," kinikilig kong tugon. "Magdi-date kami ngayong Valentine's Day!" dagdag ko. Pagkatapos, ni-reply-an ko si Tristan. Ang akala ko talaga hindi na siya magme-message sa akin. Ang akala ko talaga nagsawa na siya sa akin tulad nang sinabi ni Jeany. Akala ko lang pala ang lahat ng iyon.

Mayamaya, napaisip ako. Ano kaya ang magandang suotin?

"ALIN ang mas maganda?" tanong ko kina Denise at Jeany. Ipinakita ko sa kanila ang dalawang cocktail dress na magkaiba ang kulay at disenyo.

"Mas bet ko iyan," tugon ni Jeany sabay turo sa hawak ko sa kanang kamay.

"Sa tingin ko, mas bagay sa iyo iyang isa," tugon naman ni Denise sabay turo sa hawak ko sa kaliwang kamay.

Nalito ako sa kanilang dalawa kaya naghanap na lang ako ng iba.

"Hindi mo naman kailangang pumili. Maganda ka kahit ano pa ang suotin mo," biglang sabi ni Denise.

"Yeah," pagsang-ayon naman ni Jeany sa kaniyang sinabi.

Mayamaya, kinuha ko ang isang kulay pula na dress at saka ipinakita sa kanila. It's Valentine's Day, so I think this suits me well.

"What do you think?" I smiled.

"Perfect!" chorus nilang tugon.

Agad naman nila akong tinulungan sa pag-aayos. Pagkatapos, agad akong pumunta sa park kung saan kami magkikita ni Tristan.

"Tristan!" pagtawag ko nang nakita ito at saka agad na nilapitan. "Kanina ka pa ba?" tanong ko.

"H-Hindi. K-Kararating ko lang din," nauutal niyang tugon. Mayamaya pa, tinitigan niya ako. "Y-You're so beautiful. B-Bagay na bagay sa iyo."

Biglang uminit naman ang aking pisngi. "Thank you. Bagay rin sa iyo ang suot mo. Ang guwapo mong tingnan." Nginitian ko siya.

Natigilan naman siya. Mayamaya pa, umiwas siya nang tingin. "S-Salamat. B-Binili ko lang ito sa ukay-ukay," nahihiya niyang tugon.

"It doesn't matter," I said. "Hindi mahalaga kung saan galing iyang suot mo."

"T-Tama ka." Nginitian niya ako nang matipid.

Mayamaya, umalis na kami. Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant. Ipinagtaka ko naman iyon. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya. Ayoko lang talaga na gumastos siya ng malaki nang dahil lamang sa akin.

"Pasensiya na po, sir. Wala po ang pangalan ninyo sa reservation," paghingi ng tawad ng staff.

"M-Magpapa-reserve na lang ulit kami," sabi naman ni Tristan.

"Fully booked na po kami ngayon. Pasensiya na po talaga," paghingi muli ng tawad ng staff.

"M-Maghihintay na lang kami-"

"It's okay," pagputol ko sa kaniyang sasabihin. "Thank you," pagpapasalamat ko sa staff.

Pagkatapos, lumabas na kami. Tahimik lamang kaming naglalakad papunta sa malapit na fast food. Mayamaya pa, nagsalita siya.

"I'm sorry."

"For what?" tanong ko habang hindi inaalis ang aking tingin sa dinadaanan.

"Dahil hindi kita nagawang pakainin sa mamahaling restaurant." Bumuntonghininga siya.

Huminto ako sa paglalakad at gano'n din siya. "You don't need to apologize," tugon ko at saka hinawakan siya sa kamay. "You don't need to spend a lot of money to prove yourself."

Iniangat niya ang kaniyang mukha at tiningnan ako sa mga mata.

"Mas masarap naman ang mga pagkain sa fast food kaysa roon at saka mas mura pa. Kaya mas makatitipid pa tayo." Nginitian ko siya.

Nginitian niya rin ako. "Tama ka."

Mayamaya, pinulupot ko ang aking kamay sa kaniyang braso at nagpatuloy sa paglalakad. "Parang gusto ko ng spaghetti at fries."

"Bilhin na lang kaya natin lahat ng nasa menu?" pabiro niyang sabi. Tiningnan ko siya nang masama at tinawanan niya lang ako.

Pagkatapos naming kumain, agad kaming bumalik sa park.

"Thank you," bigla kong sabi habang nakatingala at pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kalangitan.

"Ako nga dapat ang magpasalamat sa 'yo, e," sabi naman niya. "Tinaggap mo pa rin ako kahit ganito lang ako. Ni hindi nga kita madala sa isang mamahaling restaurant at mabilhan ng mga gusto mo," natatawa niyang sabi.

Nilingon ko siya at nagtama naman ang mga mata namin.

"Thank you for accepting who I really am." He smiled. Then, he took a deep breath. "Thank you for being my girlfriend, Keizel."

Nginitian ko rin siya. "Hindi naman kasi mahalaga ang pera. Hindi mo ako kailangang dalhin sa mamahaling restaurant at bilhin ang mga gusto ko." Hinawakan ko siya sa kamay. "Mihal kita kahit sino ka man."

Pagkatapos, inihiga ko ang aking ulo sa kaniyang balikat at pinagmasdang muli ang buwan at mga bituin sa kalangitan.

"The moon is beautiful, isn't it?" I asked.

"I love you too," he replied.

Napangiti ako dahil sa kaniyang tugon. Ramdam na ramdan ko naman ang pag-init ng aking pisngi. Sobrang bilis din ng tibok ng aking puso.

Dear God, Thank You for giving him to me. I pray that You bless our relationship to be a forever relationship.

My Valentine (Part of Magkasintahan Volume XXIX Published under Ukiyoto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon