Kabanata 1 - Invitation card

333 11 1
                                    

⚠Warming: Un-edited Chapter. Expect many typos and grammatical error.

HABANG abala siya sa pagsasalansan ng mga libro na bagong deliver sa book shelf ng kaniyang book shop ay tinawag siya ng isa sa kaniyang sales staff slash cashier na rin na si Therese na kasalukuyan nakatoka sa kaha.
"Boss, madam! May dumating ka nga palang invitation kahapon. Hindi mo pa pala ito nakikita rito sa drawer mo?" anito sa kaniya.
Kaya napilitan siyang lumapit dito para abutin ang hawak nitong isang pulang sobre. Kadarating lang kasi niya kagabi buhat sa isang seminar na dinaluhan niya sa Bagio.
"Hindi pa naman ako nagtse-check ng drawer diyan. Para saan ba ito?
"Hindi ko alam. Ikaw nang tumingin." anito tsaka bumalik sa ginagawa sa kaha.
Sa Laguna pa galing ang address na nakasaad sa sobre. Kaya napakunot siya. Para lang matapos na ang mga hinala agad niyang kinuha ang nasa loob na card niyon.
Isa iyong imbitasyon mula sa dati niyang pinapasukan na school noong high school. A ten year grand reunion na sa mismong sa Doña Fatima Memorial School iyon magagnap.
Natigilan siya bigla. May sampung taon na rin pala na hindi siya umuuwi sa bayan nila sa Laguna. Pagka graduate kasi niya ng High School ay dito na siya sa Manila nagpatuloy mag-aral ng kolehiyo. Hangang sa makatapos nga at makapag-trabaho.
Nang magkaroon ng sapat na ipon ay nagtayo ng sariling negosyo at ito na nga ang Arsie book shop and caffe. May limang taon na rin ang kaniyang book shop caffe at masasabi niyang hindi na masama ang kinikita nito para sa kaniya at malaking bagay na ang naitulong nito sa pang-araw-araw na buhay niya.
"Ayos ka lang ba boss madam?" tanong ni Therese sa kaniya. Matanda siya ng tatlong taon rito at ito ang pinaka matagal na sa kaniyang staff. Four years na itong nagtatrabaho sa kaniya at desi nuebe lang ito ng mag-apply sa kaniya. Hilig din nito ang mga ibat-ibang klase ng libro na babasahin at tulad niya ay books is life rin para rito.
Sa tagal nilang magkasama ay naging malapit na rin silang magkaibigan nito. At naging hingahan na rin niya ng iilang mga semtimyento ng buhay niya lalo na ang isang mapait na nakaraan para sa kaniya kung paano unang umibig at mabigo.
"Ano ba sinasabi riyan sa invitation para matigilan ka?" muling tanong nito.
Hindi naman nagsalita si Arsie, bagkus ay muli niyang binitiwan ang invitation at ipinatong lang iyon malapit sa kaha. Muli siyang bumalik sa ginagawa.
Bunsod ng kuryusidad ay dinapot ni Therese ang ivitation card at sinipat ang nakasulat mula roon. Hindi na ito nag-alinlangan na galawin iyon sapagkat bukas naman na.
"Grand Reunion sa Doña Fatima School. Hoy, masaya ito Madam, aten-an mo ito. Ganitong mga event 'yun nakaka -excite aten-an ha."
"Ano'ng masaya riyan eh parang pangkaraniwan party lang naman ang mga ganyaan event."
"Lokaret ka ba? Pagkakataon ito para muling magkita-kita kayong mga old friends mo noong high School. Mga batchmate, schoolmate, classmate or kung ano pa man na may mate ang tawag diyan." ani Therese.
"Sampung taon na akong hindi umuuwi ng Laguna dahil sa isang dahilan. Maraming okasiyon ang pinalagpas ko na makasama ang pamilya ko. Tapos dahil lang diyan sa reunion na iyan uuwi ako ng Laguna?"
Nahimigan ni Therese ang pagka seryoso sa tinig ni Arsie. Hindi naman niya ito masisise kung bakit ito alanganin na um-attend sa reunion na iyon ng dati nitong school.
"Arsie!" tawag na nito sa pangalan ng kaibigan. "Wala naman kinalaman ang magaganap na reunion sa naging dahilan mo kung bakit pinili mo na iwan ang Laguna at naglagi ka rito para mamuhay ng indefendent. Puwedi ka naman dumalo ng reunion at tiyak akong hindi malalaman ng pamilya mo kung dumalo ka man o hindi," Himok pa rin ni Therese.
"Hndi makararating rito ang invitation na iyan kung hindi nila inalam sa bahay ang address ko rito," ani naman ni arsie.
"Oo nga nandoon na nga tayo. pero ang punto ko ay nasa iyo pa rin naman ang desisyon kung kahit malaman nila na nasa Laguna ka. Kung ayaw mo umuwi sa bahay niyo wala naman silang magagawa hindi ba. Tsaka hello, malapit lang naman ang Laguna rito sa Manila so, puwedi ka rin umuwi after party. Ang mahalaga napagbigyan mo ang school na nag organize ng grand reunion na iyan," mahabang saad ni Therese.
"Pag-iisipan ko muna iyang mga sinabi mo."
"Asus! Pag-iisipan pa talaga. Alam ko naman iyang tumatakbo sa isiapan mo. Huwag ka nga'ng praning. Hindi kayo magkikita ni Barry doon dahil nasa Dubai siya kasama ng Ate mo."
"Lokaret ka! Alam ko iyan bruha. Hindi naman iyan ang inaalala ko. At masaya na buhay no'n ngayon kay Ate."
"Oh, eh, ano nga at bakit may hesitasiyon?"
Napabuntonghininga si Arsie. "Kung hindi iyong mararamdaman ng parent ko. Ilang beses akong tumantanggi na umuwi roon sa kahit na anong inbitasiyon nila ng okasyon. Tapos itong reunion lang bigla ko dadaluhan. Baka pag nalaman ito ni Mama kurutin ako sa singit no'n. Ang sakit pa naman mangurot no'n at talagang sumasama ang balat."
"Hindi mo nga ipapaalam sa kanila, ang kulit mo. Bahala ka na nga sa buhay mo. Ang sa akin lang naman, para naman hindi lang trabaho at dito sa book shop umiikot ang mundo mo. Baka pati nandoon mo na makilala ang hero ng buhay mo. Baka ang naka tadhana pala sa iyo ay mga dati mo lang din mga ka-batchmate. Sigurado naman ako may mga binata pa roon," ani Therese na medyo kinikilig pa.
"Heh! para kang timang. Anong pinagsasabi mo na hero? Sabi ko naman sa iyo ang mga nababasa sa libro lalo na ang mg romance novel mga fiction lang iyan. Gawa-gawa ng malilikot na imahinasyon ng manunulat para kiligin tayo. Huwag mo'ng ini-a-apply sa totoong buhay."
"Napaka kill joy mo pa nga talaga Arsie. Parang hindi ka adik rin sa mga romance novel. Kaya ka nga may book shop kasi libro ang inspirasiyon mo. Hindi lang sa negosiyo pati na rin sa pag-ibig."
"Hindi pa ako kasing lala mo na naghahangad ng mga fictional character in real life. Walang ganoon okay," natatawang turan ni Arsie sa kaibigan.
"Isa kang KJ boss madam!" naka ingos naman na wik ani Therese.
"Back to work, daldal mo!" tumatawang saad naman ni Arsie.
Ipinagpatuloy na niya ang ginagawa para matapos na rin siya. Pero sa kabila ng pagiging abala ng mga kamay ay hindi naman naalis sa isipan niya ang grand reunion.
Sa kabilang banda ay bigla siyang nasabik sapagkat makikita niya ang dati niyang mga kaibigan na pinaka naging malalapit sa kaniya.
Simula ng umalis siya sa Laguna ay naging madalang na ang balita niya sa mga ito. Nagkaroon na kasi sila ng kani-kanilang mga pinagkaka-abalahan sa buhay.
May mga balita naman siya sa iba lalo na kay Graciela na naging sikat na artista sa Philippines Industry. Medyo nag li-low nga lang itong bigla sa showbiz sa hindi malamang kadahilanan.
Nang matapos niya ang ginagawa ay kasabay rin no'n ang isang desisyon na may kinalaman sa grand reunion na magaganap sa dating eskuwelahan.

****rhaime22****

Thank you for reading..

I FALL ALL OVER  AGAIN ( Published Under PIP Publishing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon