10: Twins.

62 2 1
                                    

"Twin! Gising naaaa! Baka malate pa tayo!! Uyy!! Lagot ka nanaman kay Daddy pag di ka gumising jan!" Naramdaman kong humiga si Kuya sa Side ko.

"Ayokong pumasok" Sabi ko at nagtalukbong ulit ng Kumot.

"Eh? Bago ba yan? Psh! Twin sis Gising na! Lagot ka kay lolo!" Hinila nya ung kumot ko at tinayo ako.

"Ayoko nga eh!" pagmamaktol ko kay kuya/twin brother. Tumingin ako sa Wall Clock ko na Exo. (Hihihi Exotic Here!)

"KUYA?! SERIOUSLY?! IT'S ALREADY 6 IN THE MORNING! 10 PA CLASS NATIN! ANG AGA MO NAMAN MANG GISING! LUMABAS KA NGA SA ROOM KO! BAWAL MAY BAKAL ANG TEETH DITO! PISTI!" Tumakbo sya palabas ng room ko. Ang lakas ng tawa ni Kuya at Teka--ni Mommy? Tumayo ako at Lumabas ng room Nakita ko si Mommy at Kuya na tumatawa at nag Apir pa! Teka may kalokohan nanaman ba silang ginawa habang tulog ako?

"Oh! Apo i think maligo ka muna" Sabi ni Lola at Tumawa din.

"A-ah lola bakit po?" Naghihinala na din ako.

"Look at your Face baby" Sabi ni monmy at tumawa ng malakas. "And Your hair New Style?" Dagdag pa di kuya.

Tumingin ako sa Salamin ko at OHMYGOSH!

"MOMMMMMYYYYY!!!! KUYAAAAAAA!! NAKAKAINIS KAYOOOO!!" Ginawa ba namang Drawing Book ung buong katawan ko at Mukha ko Take note may Color pa! Kainis! Tas ung buhok ko parang isang taon ako na di nag suklay di ko alam kung ano ginawa nila basta alam ko lang sobrang hirap nitong tanggalin!

After ng ilang oras napagkukulong sa CR natapos din ako. Parang nagkasugat ata ako sa sobrang kuskos na ginawa ko Haay. Almost 2 hours ako sa CR 8 na pala nagayos na ako at bumaba.

"Pfft. Kain na" Sabi ni Mommy Pigil na pigil ung tawa nya.

"Mommy!" Sigaw ko ewan ko kung tatawa ba ako oh ewan

Kumain lang ako ng kumain. May na-realize ako ung nangyari kagabi sa Secret Place. Kaya ayoko muna pumasok kasi ayoko muna syang makita. Kahit isang araw lang ayoko muna masaktan.

After kong kumain pumunta ako sa Sa sala naka School Uniform na ako Balak kong mag Cut ng Classes ngayon.

"Tara!" Hinila ako ni Kuya at kinuha nya ung Bag namin. "Mom! Dad! Alis na po kame"

"Oh! Ang aga naman? Magpaalam na kayo sa Lolo at lola nyo" Sabi ni dad.

"Ah kasi po dad, Ano You know Twins Bonding Diba Shiella?" Tumingin sya sakin ung tingin na 'Sakayan mo nalang ako'

"Ah-eh Opo TWINS bonding" Diniinan ko talaga ung Twins.

Nagpaalam na kame kay Lolo at kay lola at Sumakay na kame sa Car ni kuya di ko alam kung ano nasaisip nya.

"Ah Kuya san ba tayo pupunta? Ang aga pa" Sabi ko para namang di ako mabinge sa Sobrang tahimik.

Tumingin sya sakin at Alam ko na ung ibig sabihin nun Ngumiti kame parehas excited na ako.

"Were here!" Masiglang sabi ni kuya at bumaba kame Antagal din pala ng Byahe namin 11 na.

"Di muna tayo papasok, Nakakatamad! Tara na! Mahuli sasaraduhan ng Pinto!" Tumakbo kame ni kuya papasok sa Dati naming bahay.

"Nauna ako/Nauna ako" Chorus naming sabi ni Kuya viel. "I love you my Twin/ I Love you my Twin" sabay ulit kame.

**

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon