BM | 34

5 2 0
                                    

[INTERLUDE]
~•~

On the other side, Crestley Monica Hernaez doesn't feel any excitement at all. Her friends decided to sleepover in to their house tonight. Magkakasama sila ngayon sa kwarto niya. Akala niya matutulog lang sila ngayong gabi ngunit magha-hatinggabi na ay gising na gising pa rin sila. Nakakalimutan na ata nilang may pasok pa bukas dahil wala na silang balak matulog.

"Hindi pa ba kayo titigil sa mga pinaggagawa niyo? Para sa reply lang pero tiling-tili kayo diyan na parang wala ng bukas," saad niya. Hindi niya alam kung bakit parang kinikilog sila, e, hindi naman namin kilala kung sino 'yang ka-chat ko- nilang dalawa dahil sila naman ang nagsasabi kung ano ang ire-reply at ako lang ang nagta-type sa mga pinagsasasabi nila.

"Girl, hindi pa tapos ang Valentine's Day, pero bumabalik ka na naman sa pagiging bitter mo," sagot ni Kaliah na siyang nakahawak ngayon sa phone niya.

"Kaya nga. At saka, chance mo na ito para magkaroon ng boyfriend kaya tinutulungan ka na namin na maghanap para hindi ka na lonely sa next valentines. Masyado ka na kasing babad sa pag-aaral," Dagdag naman ni Gabby. Halatang may naka-date kasi kanina kaya ganyan ang mga pinagsasasabi niya ngayon.

Umirap na lang si Crestley sa kanilang dalawa. "At least tapos ko na yung assignment, eh kayo? At saka anong mapapala ko sa valentines keneme na 'yan? Hindi naman ako mamamatay kung wala akong jowa."

"Hoy, grabe ka naman. Kaya nga kami matutulog dito para sa assignment. Pambawi mo na lang sa amin ang sagot sa assignment bilang kapalit ng tulong namin," anang ni Gabby. "At saka, ayaw mo ba no'n? Goals tayong tatlo. Ako, may jowa, at si Kal, may ka-MU. Ikaw na lang talaga ang wala."

"Tsk! Bahala kayo diyan,"

"Huwag palang winawala ang agenda natin, replyan mo na siya dahil kanina pa siyang nag-message back. Tapos tanungin mo kung taga-saan siya. Dali!" Saad ni Kal ngunit sinamaan lang siya ng titig ni Crestley bago ito nag-type sa kaniyang phone.

Bahala na nga

~•~

Before Midnight | EpistolaryWhere stories live. Discover now