CHAPTER ONE

6 2 0
                                    

Authors POV

Sa pagpikit ng mga mata ng dalagang

Nag ngangalang "Selene Xanthe Q. Echavez"

Ay sya namang pag gising ng isa pang sya

Hindi sa ibang katawan pero ang katawan nya mismo

Lahat ay pareho tanging pag iisip lamang ang pinagkaiba nilang dalawa

Sa kaniyang pag gising ay binuksan nya ang laptop na nasa Study table

At nagsimulang mag sulat

Isa itong storya na nasimulan nya

Tama ang inyong basa

Ang isang sya ay isang manunulat

Isa sya sa mga manunulat na sumikat dahil sa kanyang mga istoryang

Kakaiba walang katulad kumbaga

Buong gabi sya ay g

You sent

Buong gabi sya ay gising

Nakatutok sa storyang sinusulat nya

Ng makaramdam sya ng pagod ay humiga ito para magpahinga

Ang oras ng mga sandaling yun

Ay alas tres ng umaga

Nang tuluyan ng ipikit ang mata ng isa pang sya ay syang hudyat ng pahinga nilang dalawa

End of Author's POV

Selene's POV

Pag bangon ko ay naramdaman kong muli ang pagod naaking nadarama

Akin paring ipinagtataka

Na kahit maaga akong nagpapahinga ay laging pagod ang aking nadarama

Wala naman akong naaalala tungkol sa mga nangyari

Ang alam ko lamang ay natulog ako ng maaga

Pero bakit parang ako'y puyat na puyat

Nagdaan ang umagang iyon tulad ng dati

Tahimik na hapag at kubyertos lamang ang ingay na iyong maririnig

Marahil sa sobrang pagod ay napagdesisyonan ko na sumabay na lamang kay kuya

Isa ding dahilan ay dahil naiwan ko ang aking sasakyan sa aming skwelahan

Habang nasa byahe ay binasag ni kuya ang katahimikan

"Bakit may kaluskos akong narinig mula sa kwarto mo kagabi? Mayroon ka bang ginagawa?" Taning nito

Hindi kami madalas nag oopen sa isa't isa pero pagod na din akong dibdibin ang lahat ng mag isa

"Kuya... Ilang araw na akong walang pahinga

Hindi ko alam kung anong nangyayari

Pero nawiwierdohan ako sa sarili ko

Lagi aong pagod sa di ko malanag dahil.

Atsaka kuya tulog na ako kagabi kaya wala akong alam sa kaluskos na iyong tinutukoy"

Mahabang paliwag ko dito

Tinignan ako nito na parang nawiwierdohan din saakin

"Anong ibig mong sabihin?

Ilang gabi na akong nakakarinig ng mga kalabog sa kwarto mo. Minsan nga ay sinilip kita sa kwarto mo dahil sa kalabog na narinig ko.

Nakita kitang naka harap sa laptop mo at tila ba ika'y wala sa sarili mo" sambit naman nito saakin

The Author at NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon