Prolouge

113 12 0
                                    

Belle's POV

"Belle naman! Isang oras pa bago ang susunod na subject natin. Ano pa ang gagawin natin dito?" alboroto ni Mary. Kasama ko siya ngayon sa loob ng laboratory room. Dito kami nag-last subject at isang oras pa nga naman bago ang susunod na klase namin. Tamang-tama.

"Matutulog." maikli kong sabi bago humikab at iniyukyok ang ulo ko sa mesa. Sabado ngayon at walang gagamit nitong lab maliban na lang sa HRM students at kaming  Business Management students na katatapos lang naman ng klase.

"Sinasabi ko na nga ba, eh! Nagtanong pa kasi ako. Isang oras na naman akong tutunganga at maghihintay sa paggising mo. Nagugutom pa naman ako..."

"Hmm..." antok kong ungol. Kung sa ibang pagkakataon pa siguro ay maiinis ako sa patutsada na naman ng bunganga nito. Pero hindi muna ngayon dahil nagmistulang musika ang lintanya niya sa tenga ko. Hanggang sa unti-unti na akong hinila ng antok...

Mary's POV

"Anak ng... Tinulugan na naman ako ng magandang babaeng 'to! Langyang life!" nakabusangot kong reklamo sabay titig sa sarap na sarap sa pagtulog na si Belle. Nakuu! Kung hindi ko lang talaga mahal ang babaeng 'to, nunca sasamahan ko siyang matulog dito. Kanina pa kaya nangangati ang paa ko na pumunta ng canteen. Shyet.

Pero, okay lang. Alam ko naman ang rason kung bakit inaantok na naman siya eh. Itinukod ko ang dalawang kamay sa mukha ko at nangalumbabang pinagmasdan ang bestfriend ko.

"Alam mo friend, kaya mo yan. Hindi naman kasi rason ang pagpapakasal para panatilihing maganda ang image ng pangalan ng pamilya niyo. Aba! Ang bata-bata pa natin at nasa 'paglalandi' stage pa lang tayo sa life, eh puputulin na nila ang pisi ng kaligayahan natin? Hindi maaari..." para akong tangang kumakausap sa taong tulog. As if na maririnig naman ako nito.

"Sige lang. Kaya mo naman yan, bestfriend. Nandito lang ako sa tabi mo." bumuntong-hininga ako.

Actually, naaawa na ako kay Belle. Hindi ko lang masabi dahil knowing this girl ay hindi nito gustong kaawaan. Mas gusto nitong sarilihin ang problema at hindi pinakikialaman. But of course, nandito lang naman ako sa tabi niya oras na kailangan niya ako. Malalampasan niya din lahat ng 'to.

Kumulo ang tiyan ko. Frustrated na napaungol ako. Sinasabi ko na nga ba eh...

"Urghh! Pero hindi ko yata malalampasan ang gutom." mangiyak-iyak na sabi ko at sinulyapan ang tahimik na natutulog na bff ko. Alangan naman iwan ko siya?

Okay, konting tiis Mary. Umaandar na naman kasi ang pagkamatakaw ko. Meryenda time naman kasi ngayon. Balak ko nga sanang dumiretso sa canteen matapos ng class namin dito pero di naman ako nakaalis! Kainis.

Humuni ulit ang tiyan ko. Okay! Malapit lang naman ang canteen sa lab room. Dadalian ko na lang. Promise. Pambihirang mga anaconda na nagbe-bed space sa tiyan ko. Puro demanding!

"Friend, aalis muna ako saglit na saglit lang talaga. Nagwawala na ang mga boarders ko. Promise, babalik ako after ahm... Five minutes!" hindi ko na hinintay pa ang sagot nito --

As if naman sasagot yan! Ang engot mo talaga Maria!

Psh! Gutom na nga talaga ako. Dali-dali kong kinuha ang wallet ko sa bag at nagmamadaling tumakbo papuntang canteen.

Okay! Here I come. Yeahbaa!


Girbaud's POV

(Hon, where are you?) tanong ng babae sa kabilang linya.

"Why?" bored kong sagot imbes na sagutin ang tanong niya. It's Mitch calling. My fling. Iwas-iwas mode muna ako ngayon sa kanya cause she's starting to act like a possesive goddam gf! Hell! Sex lang ang gusto ko hindi yung may string attached. Duh.

(Nasaan ka nga? Pupunta ako. You've been cold to me lately. What's the matter?)

Anything that occupies space and has mass.

Nangangalig kong sabihin sa kanya. But I hold it.

"I am busy right now" I said emotionless "Don't call me again." dugtong ko.

(But--)

"Bye." hindi ko na siya hinayaang magsalita and I ended the call.

Last week ko lang siya nakilala and I know na bagong mukha siya ng school dahil laman siya ng usap-usapan ng mga estudyante. Especially boys. I was attracted to her at hindi ko hahayaang hindi siya dumaan sa akin kaya lalapitan ko na sana siya but to my surprise eh, siya na mismo ang lumapit sa akin. Jackpot.

Within a week, I already fucked her countless times. Kahit saan lang kami abutan. Sa kotse, sa cr, sa bodega , and many other places sa premises pa lang yan ng school. Hindi pa counted ang padalaw-dalaw niya sa pad ko tuwing may time siya. We had a great sex, hell yes. But it doesn't mean na magiging clingy na siya. Napag-usapan na namin ang bagay na hindi dapat at kung ano ang dapat.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa isa sa mga kubo sa harap ng fishpond. Matatanaw mula dito ang open field kung saan makikita ang mga naglalaro ng football at ang university forest trail. The place is so calming. Nakakawala ng stress at kaya ko naisipang tumambay dito para maging kalmado ang isip ko. Dinagdagan pa ni Mitch. I tssked. Aalis na lang ako.

Naglalakad na ako pa parking lot nang may mamataan akong pigurang naglalakad at tila may hinahanap.

Shit! Hina-hunting na naman niya ako. Mariing mura ko at mabilis na nagkubli sa pader at doon sumandal. But damn! Naramdaman ko na lang ang malamig na semento sa likuran ko nang bumagsak ako sa sahig!

Double shit! Pintuan pala ang nasandalan ko...nakabukas na pinto at hindi pader. Sa sobrang pagmamadali kong makatago kay Mitch ay hindi ko na iyon napansin.

Inis na tumayo ako at nang sinilip ko ang ang pwesto ni Mitch kanina at nakita ko siyang tinatahak ang daan papunta sa kinaroroonan ko! Tarantang nagtago ako sa likod ng pinto at dali-daling isinara iyon. Yumuko pa ako dahil baka naman mamataan niya ako sa bintana mula sa labas. Para akong gagong naglalaro ng hide and seek sa babae.

Nang sa tantiya ko ay matagal-tagal na rin naman akong nananatili doon ay napagpasyahan ko nang umalis. Pipihitin ko na sana ang sedura palabas nang may narinig akong umungol. Holy sweat!

"Ughmm..."

Bigla akong kinabahan...

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon