Belle's POVIminulat ko ang mata dahil parang may nararamdaman akong kakaiba. Saglit akong nag-inat saka humikab.
"Finally, nagising na rin si Sleeping beauty." napapitlag ako sa narinig kong nagsalita.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na 'yon at kinusot-kusot ko ang nanlalabo kong mata para makita ang nagsalita. Teka. Nasaan ka Maria? Andito pa naman ang bag niya ah.
Nang maging malinaw-linaw na ang paningin ko ay tinitigan kong mabuti ang taong kasama ko ngayon.
Mistula itong hari na nakasandal ang pwetan sa mesa habang nakahalukipkip. Sino siya? Ano'ng ginagawa niya dito? Kuuu! Malilintikan ka talaga sa'kin, Mary. Sa'n ka naman nagsusuot?! Iwanan ba naman ako?!
"Sino ka?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"This is not a bedroom, you know." sabi niya imbes na sagutin ang tanong ko. Awtomatikong napaangat ang isang kilay ko sa sinabi niya. Paki ba niya?
Sumandal ako sa kinauupuan ko at humalukipkip din.
"So?" taas-kilay na wika ko.
"Alam mo bang ang mga katulad mo ay hindi dapat tutulog-tulog kung saan-saan?" hindi tumitinging sabi niya sa'kin at nilaru-laro sa point finger niya ang isang susi. Ano ba talaga ang kailangan niya.
I examined him.
Black shirt. Black fitted jeans. Black sneakers. And a black magnet earing on his left ear. Seriously? All black? Ano siya, emo? Kulang na lang black lipstick at black eyeliner para makumpleto ang 'emo' get-up niya. Bad boy ang dating niya. Para siyang adik sa magulong buhok--- saglit na natigilan ako.
Hala! Baka naman hindi lang siya 'mukhang' adik kundi adik talaga?!
Lihim na napasinghap ako sa naisip!
"Sino ka ba? Why don't you just leave me here alone?" napatingin siya sa akin. No, he is looking at my lips. Kinabahan ako. Muli na namang bumalik ang paningin niya sa mga mata ko at tinitigan akong mabuti. Those eyes...
"I'm afraid I can't." napalunok ako. What does he mean? Bakit naman ayaw pa niyang umalis...
Oh, god! Baka naman hindi lang adik ang isang 'to?! Worst eh, baka...baka rapist pa siya!
Ang gwapo namang rapist yan kung sakali...
Napailing ako sa naisip.
"W-what do you mean?" I nervously ask. Hindi siya sumagot. He just kept on staring at me.
He stand up at doon ko namalayang ang tangkad niya pala. He's about six feet or I bet he is taller than what I think.
Dahan-dahan siyang humakbang papaplapit sa pwesto ko na hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin. Bumayo ng malakas ang dibdib ko.
Maria,nasaan ka na?! Bakit mo naman ako iniwan dito?! Matutuktukan ka talaga sa'kin babae ka.
Pasimpleng nagmasid ako sa paligid. Sarado ang pinto. Ilang bintana din ang sarado at mangilan-ngilan lang ang nakikita kong estudyanteng dumadaan sa lab room na mas nagpatindi pa nag kaba ko.
Hindi malayong magtagumpay ang lalaking 'to sa balak niyang gawin kung ano man iyon.
But seeing him looking at me like he is going to eat me alive makes me shiver. Hindi ko maiwasan na isipin na isa itong rapist. Sa gwapo nito?
Napangiwi ako sa naisip.
Malandi ka Ysa Brielle! Ayan na nga't nanganganib na ang puri mo, nagawa mo pang kilatisin ang rapist mo!"H-huwag kang lalapit." nauutal kong sabi. He didn't listen. He kept on walking towards my direction not breaking our eye contact.
"Relax...madali lang naman ang gagawin ko.." doon na ako napasinghap ng malakas. Tama nga ang hinala ko! Rapist nga ang isang 'to! Lord, help me.. Kahit gwapo pa po ang lalaking 'to, hindi ko naman po pinangarap na ma-rape!
Mas lalo akong napasinghap nang may dinukot ito sa bulsa niya and I tremble as I saw it. A handkerchief! Eto na yun! Eto na... Gagamitin niya ang panyong yan para matakpan ang bibig ko! Sigurado akong may gamot ito at pag nalanghap ko iyon ay mawawalan ako ng malay at malaya na niyang gagawin ang gusto niya sa akin! Hindi maaari!
Run, Belle! Run!
Hiyaw ng isip ko. Subalit tila napako na ako sa kinauupuan at nahipotismo na ako sa mata ng rapist na 'to at hindi ko na magawang gumalaw! Kalahi ba siya ni Count Dracula? Ang galing mag-hipnotize eh!
"Huwag kang lalapit! Sisigaw ako!" banta ko nang hindi pa rin siya tumigil sa paglalakad papunta sa'kin.
Tumigil siya sa harapan ko at nanlaki ang mga mata ko when he leaned forward para magkalapit ang mukha namin! I leaned backward para naman magkaroon ng space sa pagitan namin. FC? Feeling close? Bwisit.
"Ano'ng gagawin mo?!" i shouted.
Ngumisi lang siya, letting me see his goddam perfect set of his white teeths. Gosh! Mahihiyang ngumiti sina Billy Crawford at Sam Milby na siyang endorsers ng toothpaste sa puti ng ngipin nito!
"Don't worry. Hindi ka masasaktan. Promise." akmang itataas niya ang kamay niyang may hawak na panyo nang bumukas ang pinto ng lab! Hala! Baka mga kasamahan niya iyon! Hindi maaaring matakpan ng panyong iyon ang mukha ko para hindi ako mawalan ng malay. Hindi-hindi ko hahayaang magtagumpay ang lalaking 'to sa binabalak niya sa akin. No! Over my sexy, delicious and curvaceous body!
Kaya naman pinigilan ko ang kamay nito at ubod lakas na sumigaw. Lord, sana po may makarinig! Piping dalangin ko.
"Aaaaaahhhh!!!! Rape! Rape! Tulungan niyo po ak---"
Naputol ang sigaw ko nang hinapit ng rapist ang bewang ko at bumulong at halos maging yelo ako sa paninigas sa sinabi niya...
"May muta ka."
Sabay dampi ng panyo sa kanang mata ko.
I look at him dumbfounded. Doon na rumehistro sa isip ko ang sinabi niya.
WHAT THE FUCK ?!!
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceHindi lubos akalain ni Belle na magmimistulang kalbaryo ang buhay niya matapos makilala at mapagkamalang rapist ang bwisit na si Girbaud sa eskwelahan nila. Matapos kasi ng paratang niya rito ay ilang araw lang ang lumipas at ini-announce na ng pest...