Author's note:
Hi sa mga tintignan lang ang story na to. Kaway-kaway naman dyan. Hahaha. Someday, babasahin niyo rin to and you'll beg for more tapos di na ko susulat hahahaha. Chals. Sa mga interesado, eto na yung chapter two.
-Tinaaaay
CHAPTER 2
Before I've decided to stand on my own, alam ko na ang mga posibleng mangyayari sakin, first walang tirahan, second walang masisilungan at walang malalapitan. Hahaha. Seriously, una pa lng alam ko na yan pero diko akalaing ganun pala kahirap.
Ti-nry kong mag apply s ibat ibng store as a sales lady , sabi nila okay naman daw ako pero... di daw nila ko pwedeng tanggapin dahil..
Flashback
Tindera: nako neng di ka namin pwedeng tanggapin dhil una, lumayas ka pla sa inyo eh mamaya puntahan ka dito samin ng tiyahin mo at akalain pa niya na kinukunsinte ka namin!
(With matching galit na expression, yung totoo ate ? Ikaw yata ang tiyahin ko eh?)
Me: po? Eh wg po kayo mag alala hindi po yan! Baka nga matuwa pa po yun eh kung,;--;; tatanggapin niyo ko dahil magkakatrabaho nako!! Sige napo ate plssssss maawa na kayo!!
Tindera: Hindi!! Okay? Mag aral kana lng ulit! Masasayang beauty mo dito. Sige na umuwi kana!! GO!!
End of flashback
" E ugok karin talaga minsan bespren eh." Ouch. Ang lupit talaga magsalita nitong si Isay. Bespren ko ba tlaga to? Huhuhu.
"Maka-ugok ka naman wagas! Talino mo ha -_-" sagot ko sa bespren kong ang hard lang mgsalita.
"Gaga! E syempre talagang di ka tatanggapin nun! I-chinika mo ba naman yata yung talambuhay mo ng bongga eh!"
"E anong masama kung i-chika ko? Alangan namang gumawa gawa ako ng kwento no!? E sa napalayas naman talaga ako ng tita ko eh sa sarili kong pamamahay!!"
Yes. Tama kayo ng narinig este nabasa. (Hahaha push ko to) pinalayas ako ng bruha kong Tita. Kailangan ko na raw kasing matutong tumayo mula sa sarili kong mga paa. Kaya ayown, pinalayas ako. Kaazaaaar!
"E sinto sinto ka nga bespreng, masyadong personal yung mga sinabi mo saka ang kailangan dyan sa mga ganyang klaseng trabaho is yung mga pang matagalan. Wala ka na bang balak mag aral? Bespren, sayang, 4th year college kna, pwedeng pwede ka pa humabol!"
Napaisip ako sa sinabi ni bespren, oo nga naman tama sya. Isang taon na lang gagraduate na ko mas maraming opportunities. Pero pano? Pano ako makakapag aral kung kahit limang piso wala ako? Piso dito meron. Huhuhu.
"Ano ka ba Isay, malamang naisip ko din yan! Kaso pano nga? Ni pambili man lang ng pagkain wala ako eh. Huhuhu. :/ " nawawalan na ko ng pag asa.
Ikaw ba naman na tanggihan ng halos sampung trabahong inapplyan mo? Di ka ba mawawalan ng pag asa? Huhu. :'(
"Ano ka ba! Marami pang trabaho dyan sa tabi tabi, gusto mo tulungan kitang maghanap?" sagot ni Isay.
"Pano? E nag aaral ka. Maiistorbo pa kita.. Buti ka pa Isay graduating na. Mapag iwanan mo na ko. Kyaaaa!" pag-eemote ko kay Isay sabay hagulgol na parang wala ng bukas.
"Sis, wag kang O.A May pa lang oh. Wala pang June! Makakapag enroll ka pa. Basta tiwla lang. Makakahanap ka rin ng work mo." Pag aalo niya sakin.
Wala pa rin akong tigil sa pag iyak ng magising na ang mala-dyosang si Sierando. Yung bahay kasi nila Isay ay walang kwarto. Studio type sya. Apartment lang kasi to, nakatira talaga sila sa Laguna at kapitbahay ko sya dun. Pero ngayon nandito na sila sa Manila kasi nag aaral sila at the same time nagtatrabaho ng sisteret este brother nyang si Sierando. Hahaha.
"Anong emote natin te? Sakit mo sa tenga! jiyak jiyakan (iyak-iyakan)ang peg te? Lason ka sa panaginip ko eh, ikikiss na ko nung boylet ko sa panaginip ng marinig ko yang iyak mong kala mo di napasuso ng mudang mo!" iritableng sabad ni Sierando.
"Hoy Sierando!-
"Hep! Correction, Ehra ate."
"K payn, Ehra yung bunganga mo, wag mong idahilang bagong gising ka, ne-nail cutterin ko yang bibig mo!"
Natigilan si Sierando ng marealize kung ano yung nasabi nya."Ay. Girl sorry. Naimbyerna kasi akes sa bungangabels mo eh!"
"Naku, ikaw talagang bakla ka! Sinabihan na kitang pag gnyang usapin, wag mong isisngit ang mga nanay!" panenermon ni Isay sa kapatid niya sa pabulong na way pero nadinig ko naman.
Natahimik ako. Ganto kasi ako palagi pag si mommy na ang pinag uusapan, natatahimik ako.
Wala na kasi siya... Matagal na..
Hindi nya ko iniwan... Mas lalong di nya ko inabandona... Namatay sya,
7 years ago.. At hanggang ngayon inaamin ko, masakit pa ring maalala yung pagkamatay nya kasi nasaksihan ko yun.Sa kalaliman ng aking pag iisip, di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.
Natahimik si Sierando at Isay at dun na ko nagsimulang humagulgol ng mas malakas para ibuhos lahat ng sama ng loob na hindi na yata mawawala sa paglipas ng panahon.
Pagkatapos nun, walang nagsalita ni isa sa kanila, niyakap lang nila ako.
-------++++------
Flashback
"Mommy where's daddy?" I was only 13 years old back then, yan ang palagi kong linya whenever I look for my dad. He's always busy with his work according to my mother but I don't think that was the real reason behind.
May muwang na ko that time that's why I know my mom is lying. I often see her cry because of dad. I know there's something wrong.
Until that incident happened.
I was awakened by those loud voices shouting at each other. I know it's from my parents. Nag aaway na naman sila. What's new? Everytime they fight, I always sneak out to see my mom.
I walked around and found my mom crying. Lalapit na sana ko but I heard another voice. A voice of a woman inside my parents' room.
"Oh my gosh Emilio! Why did you have to pushed her!" anang babae.
"Get your hands off me! You filthy bitch! Ikaw ang dahilan kung bakit up to now, nagugulo pa rin ang pamilya namin!!!" Sigaw ng mommy ko.
Dinaluhan ni daddy yung babaeng kasama niya and I think that's dad's mistress.
"Tumigil ka na Felicity! Alam mo nung una pa lang kung bakit ako nagpakasal say--"
di na naituloy ni daddy ang sasabihin nya dahil tumakbo na ko papalapit kay mommy na nakahandusay sa sahig matapos yatang itulak ni daddy.
Iyak ako ng iyak, lalo na ng makita ko yung dugo sa pagitan ng mga hita ng mommy ko. "Dad what have you done to her!!!! Mom wake up!!" panay ang iyak ko.
Agad namang lumapit si dad kay mom at saka nya isinugod sa ospital ngunit sa kasamaang palad, tuluyan ng namatay ang aking ina. Buntis pala sya, magkakaroon na sana ako ng kapatid!
Tinignan kong maigi ang mukha ng babaeng sumira sa pamilya namin na naging dahilan ng pagkamatay ng nanay ko. Hinding-hindi ko sya makakalimutan.
---*End of Flashback*---Niyakap nila ko ng mahigpit.
"Sorry bespren, eto kasing si Sierando eh!" sabi ni Isay.
"Oo na! sorry talaga sis di na majujulet" wika ni Sierando.
"Wag na nga kayo magsisihan dyan, okay lang ako ano ba." sabay ngiti at punas ng luha."Tara na kain na tayo!" kumain kami ng tahimik at ako na malalim na nag iisip.
Nasaan na nga ba sya?
BINABASA MO ANG
The Game of Love
RomanceI really don't know how it happened, it just happened. Bakit kung sino pa yung nagmamahal ng totoo yun pa yung naiiwan? Sila pa yung mas nasasaktan. Siguro nga totoo yung kasabihan na lahat ng sobra nakakasama at kahit kelan di naging exemption ang...