ONE

34 2 0
                                    

  Ayah...

    "Goodmorning sweetheart!" sabi ng familiar na boses sa akin.

  si mom...

   "Hey wake up sleepy head! We're here." sabi niya sabay halik sa sintido ko.

   "Ok mom. Let me fix myself." sagot ko.

   Nandito kami ngayon sa isang province. Sabi nila eto daw yung Barrio Pantay. Hindi naman siya gaanong province dahil napapalibutan lang ito ng bundok. So para lang siyang village tignan. Sabi ni mom dito daw nakatira yung pinsan niya na si Tita Ellaine. Isang negosyante at siya din nagmamay-ari ng buong palayan dito. Pagkalabas ko ng kotse mga taong nagkukumpulan agad nabungaran ko.

hayy kahit saan talaga may chismosa!

   Napapailing na lang ako. Nilapitan ko si mommy na busy sa pagda-dial sa phone.

   "Mom?"

   "I'm trying to call your tita but walang signal eh" sabi niya. Kinuha ko yung phone ko at nakita ko wala ding signal yung phone ko.

   "Try to text her mom. Baka marecieve nya" suggest ko.

"Excuse po mga magaganda!" sabi ng isang lalake na nasa kwarenta na ang edad. "Ano yun?" tanong ko. "Ah..kayo po ba ang bisita ni ma'am Ellaine?" sabi niya but his eyes roaming to my body. Tinaasan ko siya ng kilay at iyun. Tumawa ng parang napahiya. "Naghihintay po siya dun sa kabilang bahay niya. Sunod na lang po kayo." sabi nung panget na guy.

  Bumalik kami sa kotse ni mom at sinundan ang nakamotor na guy. "Mom I don't trust that guy!" sabi ko dahil di ako mapakali.  "Hey, easy sweetie. Remember?" sumenyas siya sa kamay niya na kunwa'y baril ang hawak niya. Oo nga pala. May dala-dala si mom kahit san kami napunta. Tumango na lang ako.

  After ten minutes ay narating namin ang isang place na medyo bundok na dahil tanaw ko ang nasa baba. Andito na kami sa bahay ni tita Ellaine. Nasa veranda ako at nakikinig sa mp3 ko.

  You Are My Song by Erik Santos

  Habang nakikinig ako ay tila parang sumasabay ang hangin sa himig ng musika kahit nakaheadphone ako. Humahawi ang buhok ko sa lakas at malamig na hangin. Siguro mga alas tres pa lang ng hapon dahil medyo mainit pa ang sikat ni Mr. Sun.

   "Auntie, nasan na yung pet ko na si Coco?" kahit nakaheadphone ako rinig ko yung tinig na iyun mula sa likuran ko kaya lumingon ako kasabay ng katawan ko. And then boom!

  Like an angel fell down from the sky!

"Ah..uhmm sa-san si auntie Ellaine?" takang tanong niya. "Nasa baba. Kasama si mom." sabi ko hawak ko pa yung mp3 sa kaliwang kamay ko habang yung kanan naman sa right side speaker ng headphone ko. "Ok. Thanks" sabi niya and then she smile. wow!

  Para akong na-stroke. Is this for real? Goodness. I never reveal myself in my whole life that I'm a closet Bi. But when I saw her. Eisssh stop that Ayah!

______________________________

  Nika..

    Nagulat talaga ako nung makita ko si cute girl sa veranda ni auntie Ellaine. Grabe para akong statwa dun kanina pero salamat at nagawa kong magsalita! Gawdd! Ang sexy niya kaya! Sabay ang ganda pa. Well sexy din naman ako gaya niya pero mas halata yung kasexihan niya dahil nakasuot siya ng sando na may cute print ni snoopy at pinatungan ng maong polo na nakabukas ang zipper at naka white short shorts lang siya at expose ang legs niya. First time kong humanga sa isang babaeng kagaya niya para siyang model na anytime pwede tutukan ng camera.

  "Nika! Baba na! Kain na tayo!" sigaw ni tita sa pintuan ko. Binaba ko na si ,Coco. Ang alaga kong Shi Tzou. five months old pa lang siya kaya medyo maliit pa siya.

  Tumingin muna ako sa salamin at sinuot ang eyeglass ko na plain. Para siyang reading glass pero walang grado. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba puntang kusina. Nadatnan ko silang masayang nagkukwentuhan. Pero si cute girl. Nakafocus sa pagkain. Saktong pagkaupo ko sa katapat niya ay biniro ko siya.

  "Hey, hwag seryoso sa pagkain" sabi ko ng nakangiti. Tumingin siya sakin na blangko lang at ayun subo ulit.

  hmmp. sunget!

  "Nika, magstay dito si Ayah ng two weeks dahil vacation naman. May nagendorse kase sakin ng bagong negosyo. Kaya magkasama kami ng mom ni Ayah sa Singapore." sabi ni auntie.  "Ha?" nagulat ako. "We already talk about that. Hija, so ok lang ba sayo if my daughter stay here? I'm sure you'll be getting to know each other and be good friends" sabi pa nito. Luminga ako kay cute girl na Ayah ang name. Ayun blank lang but a split second she smile! Emerghed! Ano ba!

  "So ok lang?" biglang tanong ni Ayah. "Ha? A-oo!" natarantang sagot ko. Shit ano ba yan!

  Matapos ang kainan namin ay dumeretso ng office room si tita at mom ni Ayah. Pag matagal talaga nagkikita parang walang bukas ang chikahan. Andito ako ngayon sa labas ng bahay. Sa may likuran mas kita kasi ang bundok dito at wala masyadong puno. Matatanaw lang yung iilang bubong ng bahay. At isang highway sa kabilang bundok. Hawak ko yung tali ni Coco.

  "Ang ganda pala dito noh? Tahimik." sabi ng mala-anghel na boses. "Yeah. Nakakarelax, you like it?"  tanong ko ng di lumilingon sa kanya. "Hmm a little. Dahil may mas gusto ako kesa sa view dito."  anu daw?

  "Ah ok.." sabi ko sabay tango. "Aso mo?" tanong niya "Uh, yeah!" sagot ko pagkatingin ko sa kanya. "Can I touch it?" tanong naman niya na parang nanggigigil kay coco. "Sure." binitawan ko si coco at lumapit agad to sa kanya nung umupo sya sa damuhan.

  "Hey...you're so cute!" she giggling. "Kaanu-ano mo si tita Ellaine?" biglang tanong niya. "Bestfriend ng mom ko. Iniwan niya ako dito bago umalis puntang Paris." sabi ko. "Oh!" yun lang sinabi niya. "Lika, pasok na tayo. Mahamog na yung hangin baka magkasipon ka" sabi ko. "Three bedrooms lang ang empty rito. You can choose where yo want to sleep." dagdag ko.

  "I want to choose your room"

  "What??"  then I saw her smile again.

=========================

   guys sabihin niyo lang kung maganda huh? para ganahan ako? haha choss :)

   ** I want to know you better but you always kick me out ,**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Breaking The Girls (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon