Kapitulo I

86 1 0
                                    


Ang sabi nila ang tunay na pag ibig ay walang pinipiling tamang oras, kung minsan pa'y tumatawid ito sa magkaibang mundo. Ang istoryang aking ilalahad ay patungkol sa pag ibig na lampas sa panahon.

Mil ochocientos noventa y cinco [1895]. Panahong nasa ilalim tayo ng pananakop ng mga banyaga at sa panahon rin na ito isang dalisay na pag ibig ang uusbong sa bayan ng San Gabriel.

Maliit lamang na bayan ang San Gabriel kaya magkakakilala ang halos lahat ng nainirahan rito. Pagtatanim, paggagapas, pananahi at pag aalaga ng mga hayop ang kalimitan na hanapbuhay ng mga tao. Ang mga Altagracia, ang pinakamayaman na angkan sa bayan ng San Gabriel, Sila Doña Carolina at Don Joaquin Altagracia na kilalang mga pilantropo ay kinagigiliwan ng mga tao sa pagkat napakabuti ng mga ito sa kanila ganun rin ang mga anak nito na sina Miguel at Marikit.

Ngayong araw ay kaarawan ni Doña Lucrecia Elizalde kaya isang pagtitipon ang nagaganap sa Hacienda ng mga ito, isa sila sa mga kilalang angkan sa bayan ng San Gabriel. Hindi tulad sa mga Altagracia, maraming galit sa angkan ng mga Elizalde sa kadahilanang hindi tamang pakikitungo ng mga ito sa kanilang mga trabahador at sa mga itinuturing nilang mababang uri ng tao. Kilala ang Doña at ang mga anak nito na sila Luciana at Gaston na mapang abuso.

"Hindi ko mawari kung bakit kailangan natin dumalo sa pagtitipon na ito." wika ni Marikit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Miguel.

"Pakikisama Marikit, pakikisama." Sagot ni Miguel habang palinga linga "por favor, pequeña señorita, ¿puedes bajar esta voz? tal vez alguien te escuche y piense diferente. " dagdag nito.

"Hihinaan ang boses? ni Marikit? Iyan na ata ang pinakaimposibleng maaring mangyari, Amigo!" pabirong wika ng isang binata na papalapit sa kanila.

"Juan Carlos, kaibigan! Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Miguel. Juan Carlos Salvatore, anak ng Alkalde Mayor ng San Gabriel at kababata ng magkapatid na Altagracia "Akala ko ba'y sa susunod na linggo pa ang iyong balik mula sa maynila?"

"Alam mo naman na hindi ako maaring mawala sa paningin ni Mama ng ganoong katagal." Pabirong sagot ni Juan.

"Kung ako si Doña Marianna mas nanainisin ko pang manatili ka sa Maynila habambuhay." Wika ni Marikit.

"Kung mananatili ako sa Maynila habambuhay siguradong hahanap hanapin mo ako Señorita Marikit." Panunudyo ni Juan sa dalaga. Natatawa na lamang si Miguel sa dalawa dahil sa tuwing magkikita ang mga ito ay para bang mga aso't pusa, wala ng pinagkasunduan.

Naputol ang pagtatalo ng dalawa ng mapansin ni Juan ang kaibigan na tila ba may hinahanap. "Anong meron sa iyong kapatid?" Tanong ni Juan kay Marikit "hindi ko rin alam kanina pa siya ganyan, palingalinga." Sagot ng dalaga. Kaya naman tinawag ni Juan ang pansin ng kaibigan.

"Miguel! Mayroon ka bang hinahanap?"

"Ako? May hinahanap? Sino naman ang aking hina...ha...nap...." Dahan dahan na wika ni Miguel na ipinagtaka nila Juan at Marikit, kasalukuyan silang nasa asotea at nakatuon ang atensyon ni Miguel sa may hardin kaya agad naman lumapit si Marikit upang tignan ang pumukaw sa atensiyon ng kapatid.

"Hindi ba't isa siya doon sa dalawang dayuhan na babae na nakita natin sa araw ng libing ni Don Amante?" Tanong ni Marikit sa kapatid ngunit wala siyang narinig na sagot kaya naman nilingin niya ito ngunit ganun nalang ang gulat niya dahil wala na ang kapatid sa kanyang tabi "nasaan na si kuya Miguel?" Tanong ni Marikit kay Juan.

"Saan pa ba? Ayun at bumaba na." Sagot ng binata kaya naman sinundan nila ito.

"Hindi ka tagapagsilbi dito Crisanta kaya hayaan mo na sila miling at bumalik ka na sa loob." Wika ng isang matanda.

Halik sa HanginWhere stories live. Discover now