"Walang salitang matagal sa tunay na pagmamahal." - Ashren Rameigh Domingez••••••
Kailanman ay hindi tumingin sa ibang babae si Ashren Rameigh Domingez dahil sa isang pangako na binitawan niya ten years ago. Isang pangako na kanyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan.
Isang pangako na binitawan ng bata niyang isipan. Isang pangako na maghihintay siya kahit abutin ng habang-buhay. Isang pangako na ang puso niya ay titibok lamang para sa taong itinakda ng tadhana para sa kanya.
Pinangako niya sa sarili niya na kailanman ay hindi siya magmamahal ng iba bukod dito at hihintayin niya ang muli nilang pagkikita. Ngunit sinong mag-aakala na isang bakasyon sa probinsya ang magiging dahilan ng kaguluhan at pagdududa sa isipan niya?
Matapos niyang makilala ang isang dalagang kamukhang-kamukha ng batang babaeng pinangakuan niya ng puso niya. Ang dalagang ilang beses itatanggi ang bagay na iginigiit niya. Ang dalagang magpapatibok sa puso niya sa hindi normal na paraan.
Nagkataon nga lang ba na magkamukha ang dalawa o may iba pang mas malalim na dahilan sa likod ng magkawangis nilang mukha?
Ano nga ba ang kaniyang gawin kapag nalaman niya ang mga sagot sa katanungan?
Ito na nga ba ang babaeng matagal niya ng hinihintay?
Tadhana nga ba ang naglalapit sa dalawang pusong nakatakdang tumibok para sa isa't isa?
O tao ang siyang magpapasiya?
YOU ARE READING
Story Title And Ideas
RandomI'll post some of the story titles and ideas I have in mind. Hope you'll like and don't forget to ask me if you want them.