KAIBIGAN--- kaibigan ay ang taong dadamay sa’yo sa lungkot o saya. kasama sa tawanan, kasama sa panglalait ng iba, kasama sa mga kalokohan, karamay sa iyakan, taong nakikinig sa problema, taong da best magp-payo dahil walang silbi mga payo nila, karamay sa galaan, karamay sa kainan, pinagkukunan ng assignment, kukuha ng pagkain mo ng walang paalam, uubos ng pagkain mo kahit sabihin pa nilang konti lang ang hihingiin, hihiram ng cellphone mo para mag-laro yun pala magbabasa ng inbox, ang pupuno ng litrato sa camera o cellphone mo, at taong alam mong gagawa ng tama kahit na mali sa’yong mga mata.
At ang lahat ng nasa itaas ay katangian ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano kami nagging isang grupo, pero isa lang ang alam ko sila ang KAIBIGANG hinahanap ko.
Ay- ako pala si Marielle A. Ungab 15 years young. Chubby, madaldal, tahimik(minsan), at maganda wag na kayong umangal minsan lang naman ehh ^_^V.
In 15 years of existence hindi ko ina-akala na makakakita pala ako ng mga kaibigang masasabing mga takas sa mental. Sa tingin ko kasamahan ko sila dati sa mental hospital nga lang mas na-una akong lumabas kaya hindi ko na sila nakilala pa. Pero mabait si papa GOD nakilala ko sila isa-isa nung nag highschool ako--- ay meron pala akong kasabay nung lumabas ako sa hospital siya si
Marie Lorrain Grande, kaklase ko nung grade 5 ako. Mabait, madaldal, talented at matalino ay pwede rin palang maganda? At magaling kumanta? Tama na siguro yun. Nakilala ko siya bilang isnag taong makapagkakatiwalaan kahit na anong bagyo man ang dumating. Nakaramay ko din siya sa mga paghihirap ko kagaya ng paghihirap ko sa mga quizzes namin sa Language subject. Hirap kaya nun kaya siya ang takbuhan ko. Akala ko hanggang elementary lang kami magsasama yun pala na convince ng mama niya ang mama ko na sa parehong paaralan kami mag-aaral. At dahil napakabait ko? Nagging magkaklase kami nung 1st yr. Marami kaming nakilala, iba’t-ibang tao na may iba’t-ibang antas ng pamumuhay at katangian. May mga mayayabang ang dating meron ding simple lang kahit unang tingin palang. May mga maiingay, may mga pa “emo” ang peg. Sa unang araw nakilala ko si Romeo N. Alcazaren Jr. at Jayne Deneb M. Gementiza.
Romeo N. Alcazaren Jr., siya ang tito boy ng klaseng St. Dominic at kung may tito boy mayroon rin Kris Aquino sa klase siya si Jayne Deneb M. Gementiza. Nakuha nila ang attention ko dahil pareho silang mapayat as in sobrang payat total opposite kaming tatlo at pareho silang maiingay. Nung una patawa-tawa lang ako sa gilid nila paano ba naman nag-aaway ang dalawa sa hindi malamang kadahilanan. At hindi “daw” sila nag papansinan. Eh sila nga yung nag-uusap ang gulo nila. At habang nag-uusap/ nag-aaway ay sila napako ang tingin nila sa isang maliit at maingay na batang lalaki siya si Roberto Zamora Jr. Total opposite talaga silang dalawa, dahil si Romeo may pagka moody, masungit at maldito di pareho kay Jayne, si Jayne ay madaldal, mabait, at maunawain. Pero kahit na ganun sila nagging kaibigan ko parin silang dalawa.
Roberto Zamora Jr. siya ang pinaka bata sa klase at pwede na ring pinaka maingay? Pwede nay un. Nakuha naman ni Robert ang attention namin nila Jayne dahil nagpakilala siya sa harapan na animoy tatakbo sa halalan. At hindi nga kami nag kamali tatakbo pala talaga siya. Sabi pa nga ni Romeo “pag siya nanalo panigurading Martial Law ang aabutin natin.” At dahil supportive si Jayne kay meong eh umagree siya sa sinabi no Robert. Mga anti-Robert kasi sila hindi ko lang alam kung bakit. Si Robert din yung klaseng tao na madaling mahalin dahil sa attitude niya. Kahit na madali lang siya maapektuhan sa mga sinasabi ng iba, hindi niya pa rin nakakalimutang ngumiti sa bandang huli.
Ilang araw din ang nakalipas at bigyan na kami ng permanent seating arrangement. At dahl may katangkaran ako sa likod ako naka-upo dun ko nagging seat mate si Maria Feliicidad Concepcion C. Orozco
Ma.Fe Concepcion C. Orozco isa diin tong ma-ingay matalino din siya maganda? Pwede, ay mabaiit din pala at friendly. Naging kaibigan ko nga siya. Hindi ko lang alam kung paano basta isa lang ang alam ko napasali ako sa grupo nila. Sa grupo nila sila lahat matatalino at magaganda. Talented din sila lahat. Si Ma.fe yung taong napakadaldal at hindi nauubusan ng kwento, kaya siguro kami nagging magkaibigan kasi ako hindi masyado madaldal? Siya naman total daldal. (peace Ma.fe ^-^V)
BINABASA MO ANG
KAIBIGAN KO, MAHAL KO?!
Short StoryKung mahirap mahanap ang PERA.... mas mahirap mahanap ang TUNAY NA KAIBIGAN.