"May mga bagay na hindi na dapat ipilit pa, kumbaga sa panis na kanin hindi na dapat kainin pa."
Karamihan sa lahat ng relasyon nag-uumpisa sa magandang simula habang tumatagal nagkakaroon ng mga problema na kung minsan ay hindi na kayang solusyunan.
Pero, dadating sa punto na magsasawa kana dahil paulit-ulit na lang. Katulad ng ibang relasyon nauuwi din sa hiwalayan. Masasabi naten na walang perpektong relasyon pero sa mga taong pursigido at hindi magsasawang mahalin ang isa't-isa maaring ito ay maging posible.
Lahat naman siguro ng tao nanaisin na magkaroon ng Love story katulad sa mga Fairytales na napapanood naten, yung tipong kahit anong delubyo, problema o trahedya nandyan pa den si Prince Chrming na handang gawin lahat para sakanyang Prinsesa.
May mga taong masuswerte na nakahanap na ng kanilang "Long and Everlasting Love." Yung tipong hanggang sa pagtanda sila pa rin yung magkasama.
Pero kung pababalikin ako sa panahon na masasabi kong akin ka , gagawin ko para mabago ko yung mga mali ko para mahalin pa kita ng todo. Parang gusto ko bumalik lahat sa dati, yung dating ikaw yung dating ako yung dating TAYO. Pero alam ko naman na hindi na pwede dahil alam nating dal'wa na malabo nang mangayri ulet. May sarili ka ng buhay ganun din naman ako kaso ba't ganun, bakit hindi kita makalimutan? di ako maka move on? ganun ba kita kamahal?
Pero kahit ano pa man ang sabihin ko alam ko namang wala ng pag-asa eh! Alam ko dahil nakita ko... Nakita ko sa mga mata mo na wala na yung "Spark", di ko na maramdaman yung pagmamahal mo para sakin. Masakit man sabihin pero hindi mo na ako mahal , wala ka nang pakialam sakin, kahit tumambling pa ko ng paulit-ulit sa harap mo baka hindi mo din ako pansinin.
Madami nang nagsabi sakin na i-block daw kita sa fb or i-unfriend daw kita para makalimutan kita at para hindi na kita makita. Pero ang sabi ko, "Ayoko, gusto kong makita niya na masaya ako... Masaya ako kahit wala siya na kaya kong mag-isa at makita niya na tapos na ko sakanya." Ang dali ko lang sabihin no? Pero ang hirap gawin, mahirap gawin dahil ang katotohanan ay ang katotohanan na kahit kailan di ka na ulet magiging akin.
Mabuti na lang natauhan nako, Napag-isipan ko na baka panahon na para kalimutan na kita para sa ganun ay magawa ko nang maging masaya para sa'yo at humarap sa'yo ng wala nang nararamdaman pa. Sana kayanin ko no?...... Sana..
BINABASA MO ANG
Moving On
Teen Fiction"May mga bagay na hindi na dapat ipilit pa. Kumbaga sa panis na kanin hindi na dapt kainin pa."