My Valentine

20 2 9
                                    

"Zhuan! Ayun yung crush mo diba?" biglang sinigaw ng kaibigan ko sa hallway. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya at hinila palalayo.

"Tumahimik ka nga. Nakakahiya yung ginawa mo." sabi ko sa kaniya.

"Sus, kunyare ka pa, alam ko namang gusto mo siya eh."

"Oo, gusto ko siya, kaso nakakahiya." hindi ko alam kung bakit ako nahihiya kapag nakikita ko siya.

Sa buong buhay ko ay never akong naging mahiyain. But whenever I see her, I just couldn't think straight and talk to her.

Her name is Kazieah. She wasn't our classmate but she was popular that's why and daming nakakakilala at nagkakagusto sa kaniya. She knows me since naging classmate ko na siya dati.

After a few days ay napag-isipan ko ng magsabi ng totoo sa kaniya.

"Kazieah, can I talk to you?" sabi ko ng makasalubong ko siya sa hallway.

"Sure Zhuan, what is it about ba?" agad niya namang sagot sa akin. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na agad ang aking nararamdaman.

"Kazieah, I like you. Gusto kita, maaari ba kitang ligawan?" kinakabahan kong sabi sa kaniya. Nakita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko.

"Sure, why not? Kilala naman na kita because we were always classmates back then."

Agad naman akong napangiti sa kaniyang sinabi.

***after 2 months***

"Zhuan, I need to talk to you." nagulat ako ng biglang nagsalita si Kazieah. We are currently eating our lunch.

"Yes, ano yun?" tanong ko naman. Ano naman kaya ang sasabihin niya?

"Matagal tagal ko rin itong pinag-isipan. Sinasagot na kita." pagkasabi niya ng mga salitang ito ay agad akong tumayo at niyakap siya.

"I love you. Mahal Kita. Thank you." yan lamang ang aking mga nasabi habang niyayakap ko siya. Alam kong bakas sa mukha ko ang tuwa ng sagutin na niya ako.

****

Binilhan ko ng bulaklak at tsokolate si Kazieah dahil birthday niya.

Agad akong pumunta sa kanilang bahay upang batiin siya at ibigay ang aking biniling bulaklak at tsokolate.

"Happy Birthday Love!" masaya kong bati ng makita ko siya.

"Salamat Mahal!" tuwang tuwa niyang sabi ng matanggap niya ang aking binigay sabay yakap sa akin.

"Paano mo nalaman ang paborito kong bulaklak at tsokolate?" natutuwa niyang tanong.

"Ako pa ba, of course I know what's your favorite." sabi ko sabay kindat sa kaniya at dahilan naman upang siya ay tumawa.

"Thank you talaga Mahal, you made my day." tuwang tuwa niyang sabi.

"Your welcome love. Basta para sayo." I said and kissed her in her forehead.

****after 2 years****

I woke up early to get ready because it's February 14, Valentine's Day. Agad akong bumangon upang makapag-ayos at makabili ng bulaklak para kay Kazieah

Her favorite flower is a Sunflower and binilhan ko rin siya ng paborito niyang tsokolate.

Agad naman akong pumunta sa kung nasaan siya upang maibigay ko na ang aking mga binili para sa kaniya.

Sana ay magustuhan niya...

After driving for 10 minutes, I finally arrived.

I walked towards her, and cleaned her grave.

It's been two years since she left me. She got into a car accident, and was declared dead on arrival at the hospital.

"Happy Valentine's Day, My Love..."

~End~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Stories Where stories live. Discover now