Maybe Tonight

142 9 2
                                    






Nang makapasok sa Melchor's, hindi inasahan ni Sandra ang makikita—Couples; And they are everywhere. Oo, Valentine's Day ng araw na iyon. Ngunit may lugar naman para sa kanila, hindi ba? Kaya hindi niya inaasahang naroroon sila at halos mapuno nila ang lugar.

Isang waiter ang naghatid sa kaniya sa isang bakanteng lamesa sa gitna ng bar. Habang naglalakad patungo roon ay hindi niya napigilan ang sariling magtanong dito.

"May event ba kayo ngayon para sa couples? Puno kayo ah."

Ngumiti ito sa kaniya. "Tutugtog ngayon ang The Phantoms, ma'am. Hindi rin namin in-expect na puro couples ang pupunta."

"Sana ginawa na lang event para sa aming mga single," biro niya rito at naupo sa upuan. "Para naman masabi rin naming mas happy ang Valentine's."

"Hindi naman ako naniniwalang single kayo, ma'am," wika nito sa kaniya.

"Maniwala ka," nakangiting sagot niya at inilagay sa ibabaw ng pandalawahang lamesa ang bag. "Isang bucket ng pilsen, isang order ng sisig, isang order ng kalamares, at," bahagyang ibinaling ni Sandra ang katawan sa gilid at may kung anong itinuro sa likod nito, "isang tangkay ng rosas para sa single ngayong Valentine's," pagtatapos niya bago muling inayos ang upo.

Lumingon ang waiter at tumingin sa counter kung saan narororoon ang iba't-ibang klase ng flower arrangement at mga bulaklak habang sa ibaba ng mga iyon ay nakalagay ang karatulang 'for sale'.

"Isang bucket ng pilsen, isang sisig, isang kalamares, at isang tangkay ng rosas para sa single ngayong Valentine's," pag-uulit nito sa order niya nang may ngiti sa labi. "10 to 15 minutes, ma'am."

"Okay. Hanggang closing ako rito. Tutugtog pala ang The Phantoms eh."

Inabala ni Sandra ang sarili sa pagba-browse sa kaniyang cellphone habang naghihintay. Agad namang nai-serve sa kaniya ang isang malamig na bucket ng beer.


 Agad namang nai-serve sa kaniya ang isang malamig na bucket ng beer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Maybe TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon