III. The Ace

7 2 0
                                    

I walk through the long garden, which is filled with bundles of red roses. I look up and see a golden sky. I closed my eyes for a moment, took a deep breath, and then opened them again.

Tumambad sa akin ang isang mahabang mesa at sa bawat dulo nito ay may tig-isang upuan. Dumiretso ako sa isang dulo at iniurong ang upuan upang makaupo. Makalipas ang apat na minutong pagmumuni-muni, naramdaman ko ang presensya ng isang tao at narinig ang pagkaurong ng isang upuan mula sa kabilang dulo ng lamesa.

"Long time no see," he said. napatingin ako sakanya, His lips curled as he fixed his gaze on me. Tumango ako at nginitian din siya bilang pagwelcome sakanya.

"Why are you here? I thought you were going to stay in the states for a long time," I asked, a smile on my face.

"It is not yet the appropriate time to tell you," he replied, causing my brows to furrow. I chuckle at him.

"Come on, Huwag mo na ko bitinin sa mga sagot mo." Sabi ko nang nakangiti habang nakatingin sa kanya. He only smiled at me and reached into his pocket for something. He gets up from his seat and walks over to me, handing me a sheet of paper with words written in blue ink on it.

'I'll see you there'

Argh! Hinihingal. Sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa ulo ko, iniinda ang sakit na naramdaman mula sa panaginip-o bangungot. Nang mawala ang sakit ng ulo ko ay agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at naglakad palabas ng aking kwarto. Iinom na muna ako ng tubig para mahimasmasan.

Bakit? Bakit ba palagi ko nalang napapaniginipan iyon? Anong gusto nitong iparating sa akin? Meron nga ba itong ibig sabihin? Argh, everything's so confusing. Napahawak nalang ako sa ulo ko habang naglalakad.

Sumalubong sa akin ang madilim na sala sa baba at ang ilang kwartong katapat ng aking kwarto na halatang napaglumaan na ng panahon dahil wala namang gumagamit. Nagsimula na akong humakbang pababa ng hagdan. Sa tagal kong namuhay mag isa, hindi ko na kinakatakutan ang mga ganitong bagay.

Wala na ang aking mga magulang ngunit naiwan nila sa akin ang malaking bahay na naipundar nila noon at ang lupang kinatatayuan nito. Mag-isa na lang ako dito, dahil matapos umalis ni Mang Alfonso-na siyang dating katiwala ng aking pumanaw na ama-nabalitaan ko na lamang na namatay daw ito. Hindi pa nga ako nakabisita noong naka-burol pa lamang siya sapagkat walang magbabantay sa bahay. Nadalaw ko na lamang siya sa sementeryo noong pumayag ang kapitbahay namin na si Lola Porcia-na ngayon ay sumakabilang buhay na rin, may she rest in peace-na magbantay ng mansion for 3 days.

Gustuhin ko mang lumipat na ng tirahan dahil sa pagiisa sa isang malaking bahay na ito ay hindi ko rin naman magawa sapagkat alam kong pinaghirapan itong maipatayo ng aking mga pumanaw na magulang. Tiyak na kapag iniwan ko ito ay pag-aagawan lamang ito ng mga taong may interes sa lupa namin.

Nang makababa ako ay dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig sa maliit kong ref. Magastos kasi masyado ang malaking ref namin dito, at wala din naman ako masyadong mailalagay kaya iyong mini ref nalang ginagamit ko. Nang mawala na yung uhaw ko't nahimasmasan narin mula sa panaginip ay napaisip ako kung bakit nga ba paulit-ulit kong napapanaginipan iyon.

Matapos ng pagkikita namin ng kababata ko na si Jake ay napadalas ang pagdalaw sa akin ng panaginip na iyon.

"Here's your Brioche col Tuppo and Caffè affogato, Le Monsieur(Sir)," I said as I drew the man's attention to myself. Our best-selling bread and coffee are Brioche col Tuppo and Caffè affogato. I carefully place his order on his occupied table and hand him the order receipt.

Key: BelieveWhere stories live. Discover now