Kabanata 1

3.4K 101 15
                                    

"Ano namang ginawa ko sa'yo?" Kumunot ang noo ko. Ako? Ako ang problema ng isang 'to?

Nakaambang susugod na naman siya nang biglang gumitna 'yung babaeng kausap ko kanina.

"Tumigil na nga kayo!" sigaw ng babae.

"Anong tumigil?! ITO BA HA? SIYA BA YUNG BAGO MONG KALANDIAN?!" malakas niyang sigaw sabay tingin sa akin—puno ng galit.

"Pwede ba, Kyle? Wag ka rito manggulo!" Lumapit 'yung babae at pilit siyang hinihila palayo. Napapatingin na ang mga tao sa amin. Pati 'yung malakas na music sa bar, biglang humina. Great. Nakaagaw na kami ng eksena.

"ANONG AKO?! KAYO ANG UMAYOS! NAKIKIPAGLANDIAN KA SA KANYA KAHIT NA TAYO PA!" Tuloy pa rin ang sigaw ni Kyle.

"Hindi ako nakikipaglandian sa girlfriend mo," singit kong malamig. Tinapunan ko siya ng seryosong tingin.

May mga lumapit na sa amin mga chismosa't chismoso, excited sa eksena. Nararamdaman ko na rin ang presensya nina Anthony sa gilid ko, habang si James, nakaharang sa harapan ko para 'di ako masugod. Bwisit. Kabadtrip 'to.

"Anong nangyari?" tanong ni Andrei mula sa likod ko.

"Nagkaroon lang ng hindi pagkakaintindihan, pre," sagot ni James.

Sumasakit na ulo ko. Tangina, hindi pa ba 'to titigil?

"Sa labas na lang tayo mag-usap, please!" pakiusap ng babae habang hinahatak si Kyle.

Ano nga bang pangalan niya? Kylie? Kyle? Whatever.

"Hindi pa kami tapos ng lalaking 'to!" Singhal ulit ni Kyle. Ako na nga ang nasapak, ako pa rin ang galit niya?

"Please, tama na! Malalagot ka pag pinatulan mo siya," sabat ng babae.

"Bakit? Sino ba 'yan, ha?"

"Hindi mo na kailangan malaman," sabat ko. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko't sinabi ko pa 'yon. Mukhang nayabangan tuloy.

Pareho silang tumingin sa 'kin. Tinaasan pa ako ng kilay. Perfect match talaga kayo. Parehong epal.

"Bakit? Sino ka ba ha? Magpakilala ka nga. Para naman mabigyan kita ng mainit na pagbati," mayabang niyang sambit, halatang nanunukso.

"Anak siya ni Mayor Alston." Ang babae pa mismo ang sumagot. Bumaling si Kyle sa kaniya, tila nagulat.

Pati ba naman dito dala ko ang pangalan ng tatay ko?

Ayoko ng gulo, pero lagi akong nadadamay, lalo na pag kasama ko ang tropa ni Anthony. Ang daming nakakakilala sa akin dahil sa tatay ko, the "good mayor." Laging may kumpara. Nakakasawa.

Kapag nalaman 'to ni Daddy... siguradong away na naman. Baka nga ipatapon na ako sa ibang bansa, at ayokong mangyari 'yon. Hindi ko na mapupuntahan si Mama at lalo na, matutuwa 'yung bruha niyang asawa.

"Anak siya ng walang kwentang mayor na 'yon. May bagong asawa na, 'di ba?" sabat nitong Kyle.

Of course, alam din niya 'yon. Hindi nga kasi pribado ang kasal ng tatay ko. Yung babae, feeling artista—gusto laging nasa spotlight.

"Pre, ayaw namin ng gulo," ani James.

"Wala akong pake!" sarkastikong sigaw ni Kyle.

"Ano bang trip mo? Tungkol ba 'yan sa girlfriend mo? Sinabi ko nang wala akong ginagawa sa kaniya. Siya ang lumapit sa 'kin," sambit ko, iritado na.

Masama na tingin ko sa kanilang dalawa. Sana naman tumigil na 'to, kundi...

"Ayoko sa asta mo. Nayabangan ako. Wala akong pake kung anak ka pa ng mayor rito!" Nakangising sambit niya.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon