Prologue

533 25 7
                                    

YEAR 2013


PATULAK ko siyang ipinasok sa loob ng opisina ng aking ama, habang magkalapat ang aming mga labi.


Kakarating ko lang sa opisina ni Tanda dahil. . . hindi ko rin alam. Basta ay gusto ko lang siyang makita at sitahin ako sa aking gagawin. Kaya nang makita ko ang sekretarya niyang alam ko naman may relasyon sa ama kong playboy ay sino'ngaban ko na! Lahat na lang yata ng naging sekretarya niya ay natikman na niya. Hindi maikakaila kung kanino ako nagmana.


"Natatakot ako, John," sambit ni Jasmine kasabay ang mahinang pagtulak niya ang aking dibdib.


Nginisihan ko lang siya. Alam kong hindi niya kayang tanggihan ang karisma at kagwapuhan ko dahil unang attempt ko pa lang siyang halikan ay hindi na siya pumalag. At ngayon ,may lakas pa talaga siya matakot gayong nagsimula nang uminit ang buo kong katawan?


Hinarap ko ang kaniyang mukha na kung saan ay kitang-kita ko ang kaniyang pagkabalisa habang nagmamasid sa paligid. Ayaw niya siguro ng makita siya ng ama ko na pinagtataksilan niya, as if naman na siya lang ang babae ni Tanda.


Marahang napapikit ulit ng mata ang gaga. Naghihintay sa mga labi kong hahalikan siya. Napangisi ako sa ginawa niya. Daming kuda nasasarapan naman sa mga halik ko.


Dahan-dahang naging mapusok ang aming halikan. Nagiging agresibo siya kalaunan. Dahil sa nararamdaman kong init sa katawan, dala siguro sa sensasyon sa aming ginagawa o sa alak ng aking ininom kanina kasama ang matalik kong kaibigan na si Kyle kahit alam namin na hindi ako puwedeng mag-alcohol dahil sa sakit kong 'to.


Ewan. Sakit ko ba ito o gawa-gawa lang psychologist ko? Pero bakit kasi hindi ko makontrol ang pinaggagawa ko kapag lasing ako? Nagiging manyak ako kapag nalalasing. O 'di kaya ay namana ko lang talaga ito sa matandang hukluban na 'yon.


Naglasing lang din ako dahil nagkasala ako sa babaeng natutunan kong mahalin. Sinayang ko lang ang tiwala niya! Hindi ko alam kung papaano ko siya ulit susuyuin gayong natatakot akong humarap ulit sa kaniya. Hindi naman talaga kasi ako marunong sumuyo. Ni hindi ko nga sinuyo si Dina!


Inilapit ko ang kaniyang katawan palapit sa akin at dahil do'n narinig ko ang ungol niya. Wala pa nga akong ginagawa ay umungol na kaagad siya. Gusto niya yata talaga akong tikman, hindi naman ikakaila sa guwapo kong ito.


Pumikit ulit si Jasmine, halatang gustong-gusto niya ang ginagawa naming kahalayan. Naglalakbay na rin ang mga kamay nito sa paghawak ng aking pisngi at kalaunan ay nakapatong na ang kaniyang kamay sa balikat ko.


Ginapang ko na rin ang aking kamay tungo sa kaniyang naglalakihang hinaharap. Hindi maikakaila na gifted ang babaeng ito, pero habang ginagawa ko ito ay ang babaeng mahal ko ang nasa isip ko. Napasinghap siya, patunay na nagustuhan niya ang aking ginagawa.


Kusa na ring gumalaw ang kamay nito kung saan dahan-dahan niyang binubuksan ang butones ng aking polo shirt. Nang matanggal na niya ito ay kaagad niya hinimas-himas ang aking mga anim na pandesal.


Sinubukan ko na rin sanang alisin ang kaniyang itim na jacket para hubaran na rin siya. Ngunit- biglang bumukas ang pintuan at narinig ang isang sigaw ng matandang lalaki.


"Susmaryusep, John!"


Kaagad tumayo ng maayos si Jasmine na tingin ko ay sa sahig ang mukha nakatingin. Nahihiya yata siyang makita siya ng kalaguyo niya na nakikipaglaplapan siya sa anak nito. Gusto ko sanang matawa pero nahihilo na talaga ako kaya nabagsak ko ang sarili sa swivel chair ni Tanda.


Kahit hindi ko masyadong makita si Tanda na papalapit sa kinaroroonan namin ay alam kong galit na ang ekspresyon ng mukha nito.


Nasa harap na siya ng sekretarya niya, habang ako ay nakalapat ang likod ko sa swivel chair ni Tanda dahil hindi na talaga kaya ng katawan ko ang aking pagkahilo. Pero bigla kong naangat ang ulo ko nang marinig ko ang malutong na sampal nito sa mukha ni Jasmine na siya namang ikinatakbo nito paalis sa silid.


"John Alvarez! Hindi ka na ba talaga magbabago?" sigaw ng daddy ko. Wow, Daddy, coming from you? Ang sarap niyang sagot-sagutin ngayon ngunit pasalamat siya at lasing ako - ay hindi nakainom lang pala. "Alam na alam mong pinapagamot pa kita tapos inom ka pa rin nang inom! Hindi ka natatakot na lumalala iyan at mababaliw ka na talaga?"


Marami pang sinasabi si daddy kesyo ganiyan, ganito, pero wala ako sa mood para makinig sa kaniya. Habang nasesermon si Tanda ay dahan-dahan ding nanlalabo ang aking paningin. Parang maya-maya nito ay mawawalan na ako ng malay.



John, The Pleasure Seeker (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon